Chapter 50

Natagalan ako bago muling nakapagsalita dahilan sa inisip ko ng mabuti kung makakabuti ba na ipagbigay alam ko kay Troy ang patungkol sa aking pagtatrabaho sa London o mas mabuting huwag ko na munang sabihin ito sa kanya.

" Um, wala love nakalimutan ko na. Hay ma mi-miss kita love," pagkunwari ko pa sabay pag-iba ng topiko.

"Ma mi-miss din kita love basta tandaan mo lang ang palaging sinasabi ko sa iyo na kahit mawalay man ako ng matagal sa iyo ay hindi ka naman mawawala sa isip at puso ko," emosyonal namn na pagsabi ni Troy sabay hinalikan ako sa aking noo.

"Dapat lang ha. Baka naman magugulat na lang ako may ginagawa ka na pa lang milagro roon sa Singapore ha!" Wika ko pa sabay kurot ng kaniyang bewang.

"Aray ang sakit ha! At ano ba iyang sinasabi mo love. Alam mo namang hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit kaninong babae diyan. Dahil ikaw lang sapat na. Ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. At ako naman itong napaka-swerti na ikaw ang naging girlfriend ko," sabi pa niya sabay kurot sa aking pisngi.

"Ang sweet naman, I love you love," sabay hinalikan ko siya sa kaniyang pisngim

"I love you too love," sabay halik sa aking noo at tsaka labi.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Troy at nag ligpit ng mga kakailanganin niyang gamit dahil sa pupunta kami ng agency para sa kaniyang napalapit na pag-alis papuntang Singapore.

At habang abala kami sa pag-aayos ng sarili namin ay hindi ko na malayang na nailapag ko sa kama ang brown envelope ko na naglalaman ng mga requirements, papeles at passport ko papuntang London.

Insakto naman na hinahanap ni Troy ang paris ng medjas niya ng makaagaw sa kanya ng pansin ang isang brown envelope na nasa kama.

"Hey love, ano itong envelope na nasa kama? Kinuha niya ito at tinitigan ng mabuti sabay na binuksan at tinignan ang laman nito.

At nang makita niya ang laman ng brown envelope ay nagulat na lamang siya bigla sa kaniyang nagkita.

Habang nagsusuklay ako ng aking buhok papalapit sa kanya.

"Um, love nakita mo ba 'yung kulay dilaw na panyo? Bitbit ko lang iyon kanina eh at hindi ko na mahanap kung saan ko nailagay. At makita mo na ba ang isang paris ng mejas mo na_," bigla akong napatigil sa pagsasalita dahil sa nagulat din ako ng makita kong hawak ni Troy ang brown envelope kung saan doon lahat nakalagay ang aking mga kakailanganin sa nalalapit kong pagluwas ng bansa papuntang Canada.

"Love_,?

"Anong ibig sabihin nito?" Mahinang boses na tanong niya sa akin sabay dahan-dahan na lumingon sa akin.

"Um, let me explain love. Actually_,?" Nakaramdam mamang ako ng kaba dahil dito at hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag nito sa kanya.

Sa hindi ko inaasahang mangyari ay bigla-bigla na lamang na tinapon ni Troy ang envelope na hawak-hawak niya. "Explain for what? Palakas na boses na pagsabi niya sabay paglaki ng kaniyang mga mata na halata ang galit sa kaniyang pagkatitig sa akin.

Nagulat mamang ako at nanlaki rin ang aking mga mata sa pagkabigla.

"Calm down love mag apaliwanag ako okay? I'm sorry I just want to_. Actually, ipapaliwanag ko namn sa ito ito at naghahanap lang namn Sana ako ng magandang tyempo para sabihin sa iyo ito.

"Aalis kana pala papuntang London subalit wala ka man lang balak na ipagbigay alam sa akin. Bakit may tinatago ka ba?" Palakas na boses na pagsabi niya sabay pag-iba ng tono ng kaniyang pananalita.

"No hindi naman sa ganoon. Gusto ko Naman sanang sabihin sa'yo ito subalit kumukuha pa lang talaga ako ng bwelo at lakas ng loob dahil alam kong hindi ka papayag at baka magalit ka sa desisyon kong ito. Trabaho lang naman iyan love para din naman ito sa ating dalawa ito," paliwanag ko pa sa kanya habang balisa sa aking sarili at hindi na mapakali sa aking kinatatayuan ngayon.

"Bakit mo tinago? At kailan mo balak na sabihin sa akin ang tungkol dito? Kung wala na ako at nakaalis na ako ng bansa? Doon mo pa ba balak na ipagbigay alam sa akin ang tungkol dito?! Kung hindi ko pa makikita ito ay hindi ko rin pala malalaman na pupunta ka na pala ng London at kailan mo balak sabihin sa akin kapag naka alis na ako ganoon ba?

Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ang hindi magagalit nito!" Sabay upo sa kama habang humihinga ng malalim.

Dahan-dahan naman ako na lumapit sa kaniyang kina-uupuan.

"I'm sorry love sasabihin ko naman sa'yo it9 at wala naman akong balak na itago sa'yo iyan," paliwanag ko pa sa kanya habang may lungkot ang tono ng aking pananalita.

Bigla niya akong tinitigan ng masama.

"Look kristina sa susunod na araw na ang alis ko. Tapos ngayon ko lang malalaman ang patungkol dito." Is this a surprise? Wow, damn surprised!

Napakamot ako sa aking ulo habang balisa na kung ano pa ang pweding ipapaliwanag ko o sasabihin sa kanya.

"Aalis ka din naman ah. Wala naman sigurong masama kung pupunta ako ng London upang doon magtrabaho. Total hindi naman tayo magkakasama rito sa Pilipinas. Pangarap ko ito love matagal ko na itong pangarap at ito na ang pagkakataon ko upang matupad ang pangarap ko," sabay umupo ako sa kaniyang tabi habang pinagmamasdan siya sa kaniyang magiging reaksyon sa aking sinabi.

"May trabaho ka naman dito sa Pilipinas at komportabling trabaho bakit pa kailangang pumunta ka ng London ha?" Ani pa niya sabay napahawak sa kaniyang noo dulot ng labis na pagkabahala.

"Love naman oh. Imagine mas triple ang sweldo ko roon sa London kumpara rito sa Pilipinas. Trabaho ang punta ko sa London at aala ng iba pa. It is my long time dream to come true. Come on," paliwanag ko pa.

"Sege mapilit ka gusto mo palagi ikaw ang masusunod!" At umalis si Troy palabas ng kwarto ng walang paalam

"What?" Come on. Okay fine is this what you want!!" Pasigaw na pagsabi ko sabay pagdadabog.