Chapter 42 Long Lost Sister
Kanya-kanya silang talikod nang puputulin na ni Kyle ang daliri ko.
"I can't bear to see it," sansala ni Jameson habang nakatalikod.
Pumikit si Kyle nang tatagain na niya ang aking daliri. Sa nanlalabong paningin ay ipinikit ko na rin ang aking mga mata.
"Here I go."
I felt the sharpness of the knife on the surface of my skin. Pero hanggang doon lang. Hindi ko naramdamang naputol ang daliri ko o nasugatan.
Pagmulat ko ng aking mata ay tulala si Kyle sa hawak na putol na kutsilyo.
"W-What in the earth..." bulong niya at naguguluhang tumingin sa akin.
Hindi ko na magawang isipin kung ano ang nangyari.
Samut-sari na ang nararamdaman ko. Umiikot ang paningin ko. Malakas na pumipintig ang puso ko. Nilalamig ako at parang lumilipad na ang paningin ko.
"Ano na Kyle?" pasigaw na tanong ni Jayden.
"I-I can't cut her finger."
"What? Then break the goddamn needle!"
"It won't!"
Hindi ko na napigilan ang aking pagsusuka at sumuka ako ng dugo.
Tinapik nila ang manhid kong pisngi. "Stay with us!" sigaw ng isang boses na hindi ko na magawang makilala kung kanino galing.
Isang malalim na pagsipsip sa aking dugo ang naramdaman ko bago pakawalan ng karayom ang daliri ko.
Bago pa ako lumagapak ay isang malakas at matitigas na braso ang sumalo sa akin. Hindi ko alam kung sino dahil literal na wala na akong makita. It's a pure darkness.
Taas baba ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nabawasan ng ilang kilo ang timbang ko.
"W-Who are.. Is she.. Who did this to her?!" malakulog na sigaw ng taong may hawak sa akin.
That voice...
"Goddamnit Kyle! I told you to watch her! I entrusted Sabrina to you! Why did you let her suffer like this?!" aniya sa marahas na paghinga.
"F-Forgive me Sage. It's beyond our control."
"Sage.." mahina kong wika habang tumutulo ang mainit kong luha sa aking pisngi. I feel relieved. He came back and his safe!
"Sshh.. I'm here. I'm already here," aniya sa pilit na kinakalmang boses.
"I-I'm afraid... I can't s-see," wika ko habang pilit na hinahagilap ang kanyang mukha. When I touched his face, I felt a thick and warm liquid.
"I-Is this y-your blood?"
Pinigilan ni Sage ang kamay ko. "No."
The ground started to shake.
"W-What now?"
"Sage! The crystal!"
Maingat akong inihiga ni Sage. "Rest for awhile. I'll be back," aniya at hinagkan ang aking noo.
Pinilit kong igalaw ang naninigas kong katawan. Ang kadilimang aking nakikita ay unti-unting lumiliwanag.
May humawak sa kamay ko. "Sabrina.." Hagulhol si Hazel. "Patawarin mo ako. We should've do it together. This is my fault," iyak niya.
Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.
"G-Go back to Morgan," pagtataboy ko. I'm weak but I'm not yet dying.
Lalo lang lumakas ang pag-iyak niya.
"Ayos l-lang ba si Sage?" tanong ko.
Natigil si Hazel sa pag-iyak at suminok.
"Hazel.." untag ko.
"A-Ah. O-Oo. A-Ayos lang siya," utal niyang sagot.
Alam kong nagsisinungaling siya. Pero kahit na ganun, ang mahalaga ay nakabalik siya ng ligtas.
"The crystal.. Is it successful?" tanong ko sa nanghihinang boses.
"Y-Yeah. It's just a matter of time before the crystal will break."
I let out a low chuckle. "That's good to hear."
I think that's all. Nagampanan ko na ang papel ko. Kahit na gusto kong makita mismo ang pagkawasak ng crystal ay hindi ko na kaya. I want to help them more but my body was surrendering. Hinayaan kong lamunin ako ng antok.
I'll leave the rest to them.
Vanessa Haze's POV..
I spaced out when Sabrina lost consciousness. Tulala akong nakatingin sa kanya, nangangamba sa kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niya ang kanyang sarili sa salamin paggising niya.
Kanina ay si Morgan, ngayon naman ay siya. May susunod pa ba? Ano na lang ang mukhang maihaharap ko kay kuya Lander nito?
Naagaw ang atensyon ko nang makarinig ako ng pagkabasag.
The crystal was broken.
Kaagad na tumalikod ang mga lalaki.
"Vanessa," tawag sa akin ni Sage habang tinatanggal ang kanyang suot na damit.
Kinuha ko ang basa niyang damit at lumapit sa kanyang kapatid. She looks like a girl version of Sage. Damn stunning.
She's naked and I almost got blind with her bright skin. Ito siguro ang epekto ng pagkakakulong sa isang crystal at hindi nasisinagan ng araw sa mahabang panahon.
Napakabata pa niya pero sobrang matured na ng katawan at mukha niya. Para lang kaming magkasing-edad.
Malamig ang balat niya, iyon ang napansin ko habang dinadamitan siya.
Matangkad si Sage kaya umabot sa tuhod ng kanyang kapatid ang damit niya. Mabuti na lang at itim ang kulay nito. This will do to cover her nakedness.
"I'm done," imporma ko. "She's ready to get out of here."
Medyo lumayo ako nang lumapit si Sage at mahigpit na niyakap ang kapatid. Sina Jameson ay bakas sa mukha nila ang galak at ginhawa.
I can hear Sage's heavy breathing of relief. "You will go home now. I won't let anyone take you again," aniya sa garalgal na boses.
Tahimik lang namin siyang pinagmamasdan.
Nakapikit siya. I've known Sage since we were kids. Kahit alam kong naiiyak siya ay hindi niya hinahayaang lumabas ang kanyang mga luha.
He's acting strong and mighty but deep inside him, he was vulnerable.
He is vulnerable that's why he build an imaginary wall around him to protect himself from hurting. And it's effective. He became insensitive, cold and heartless. Si Sabrina lang ang kauna-unahang taong pinapasok niya at hinahayaang makialam sa buhay niya simula ng araw na magising siya sa kanyang operasyon.
Ilang minuto niyang niyakap ang kanyang kapatid bago tinawag si Kyle.
"I'll leave my sister to your hands."
Lahat kami ay nagulat sa kanyang sinabi.
"W-Why me? It should be you," naguguluhang tanong ni Kyle.
Oo nga. Siya ang dapat na umalalay sa kanyang kapatid.
Nasagot ang katanungan namin nang lumapit siya kay Sabrina.
"I've already taken back my sister but I'm not gonna let Sabrina suffer from pain again," malamig niyang wika.
"O-Okay.. Pero pwede naman namin siyang kargahin. You should take it easy. Your eyes–"
"I'm fine," putol niya saka kinarga si Sabrina na walang malay.
Sinenyasan ko si Kyle na tumahimik na lang. Isa pa talagang salita at makakatikim na kaming lahat sa kanya.
"Eric, go get Morgan and let's get out of here," aniya kay Jameson.
Tinulungan ko si Jameson na akayin si Morgan. Hindi dapat magalaw o maipit ang kanyang sugat. I checked his temperature and it didn't change, mainit pa rin.
Ang tanga niya. Pwede naman niya akong itulak o hayaan na lang na tamaan pero bakit niya sinalo ang para sa akin? Nagpapakamatay ba siya?
Nang maalala ko uli ang nangyari ay nanubig na naman ang mata ko. Nakakahiya na dahil kanina pa ako umiiyak pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan.
"Umiiyak ka na naman Vanessa. Ako na diyan," alok ni Clark.
"Kaya ko ito." Suminok ako.
"Alam ko pero mas mabuting ako na," pagpupumilit niya kaya pinagbigyan ko na. Kanina ko pa napapansin na medyo lumuwag na ang kanyang pakikisama sa amin.
"Can we take the same route?" rinig kong tanong ni Jayden.
"No. The bombs doesn't do any damage. The tranquilizers were just enough for me to escape and besides, we don't have enough oxygen. We have injured and I will not take the risk. I don't want to loose one of you. We need to find another way out."
Nagkatinginan kaming lahat na nasa likod ni Sage.
He treats us as his equal but he never shows any affection towards us.
He's changing.
"T-Tara na," yaya ni Kyle sa namumulang pisngi habang buhat-buhat ang kapatid ni Sage.
"What is it Kyle?" naniningkit ang mga matang tanong ni Sage sabay tingin sa kanyang kapatid.
Biglang nagtawanan sina Jameson at Clark.
"Dude, Jayden is more suitable to do the job. Baka kung anong gawin niyan," natatawang wika ni Jameson.
"Oh shut up you filth! Huwag mo akong igaya sa'yo!" sikmat niya kay Jameson.
Imbes na mainis ay lalo lang lumakas ang tawanan nila. Nag-aalala tuloy ako na baka mahulog nila si Morgan.
"Jayden–"
"No! I can do it bro!" pigil niyang sigaw kay Sage.
Nakitawa na rin ako. Masyado kasi siyang defensive eh binibiro lang naman siya.
"Don't let your guard down. We're still inside the enemy's territory," suway ni Sage.
Siya ang nangunguna sa paglalakad at buhat si Sabrina. Sunod naman sina Kyle at Preem habang sabay-sabay kaming apat dito sa likod.
"What's your plan now? After this?" basag ni Kyle sa katahimikan.
"I'm gonna end all this madness."
Alam namin ang lahat ng plano niya dahil kasama niya kaming nag-isip ng mga hakbang na gagawin.
We're here for a different reasons but we are doing these for one purpose.
Isang marahang pagpalakpak ang bumungad sa amin nang makarating kami sa nagyeyelong sahig.
"What a sight. You kids are full of spirit!"
"Señor," bulong ni Kyle.
Standing in front of us was a tall and mighty man, Fajardo Eustass Cromello also known as Señor, the principal and the owner of this school.
"Sage, Dalton Sage," aniya at marahang umiling. "I trusted you. I treated you like my own son and this is your exchange?"
"I'm not your son," matigas na wika ni Sage.
Tumawa siya, tila naaaliw. "That's what I like about you. You're the child that I'm dreaming to have," aniya saka bumaling sa akin.
The amusement in his eyes changed into disgust.
Kumuyom ang kamao ko habang matalim na nakatingin sa kanya. He has no right to look at me that way. Sa aming dalawa ay siya ang nakakadiri at kasukla-suklam.
"I should congratulate you all for reaching here without my daughter's help," aniya habang inililibot ang paningin sa aming lahat.
His gaze ended up to Kyle and to the person he's carrying. His eyes glinted with uncontrollable passion.
"I'm a big fool for not knowing that you are related. Nakaligtas ka pala noong gabing iyon."
Kita ko ang pinipigilang galit ni Sage. Kung hindi niya sana hawak si Sabrina ay kanina pa niya ito sinugod.
Humakbang siya palapit.
Naging alerto kaming lahat.
Sage immediately went beside Kyle while carrying Sabrina. "I will cut your fvcking hands if you dare touch her," sinlamig ng yelong babala niya.
Humalakhak si Eustass. "Calm your self everyone. I won't cause any trouble. You can take her back."
"A-Ano?"
"Take Stacy Preem. I'm not interested to people that I cannot use anymore."
Tama siya. Siya ang tipo ng taong walang pakialam sa mundo at sa kung ano man ang nangyayari.
His mind and heart was only dedicated to his goals and visions. Kung wala kang maitutulong sa kanya ay hindi ka niya papakialaman. At kung wala ka nang silbi ay itatapon ka niyang parang basahan sa basurahan. Gaya ng nangyari sa akin. He takes back everything that he'd given to me including his name and I'm thankful for that. I don't wanna be part of a dark clan.
Nangunot ang noo ni Sage. "What do you mean?"
"Ohh. You didn't see?" halakhak ulit niya. Wala namang nakakatawa sa nangyayari. Ang sarap magtarak ng kinakalawang na kutsilyo sa lalamunan niya. "You'll find out later."
Kanina pa ako hindi kumbinsido na ganito lang kadali ang pagkuha namin sa kapatid ni Sage. Oo at nahirapan kami sa pagpunta dito pero iyon lang? Walang kalaban ni isa?
Pero lahat ng agam-agam ko ay nawala nang dinamitan ko ang kapatid ni Sage kanina.
"That door is the one and only way here. Nakapasok nga kayo pero makakalabas ba kayo?" malakas niyang tawa sabay turo sa pintuan kung saan nakasilip at nag-aabang sa amin ang Guardian.
Pagkabigo ang bumalatay sa mukha nilang lahat liban kay Sage na sobrang dilim na hindi ko matukoy kung ano ang iniisip.
"No. We're gonna stuck here till death," bigkas ni Clark na tulala.
Bumaling ako kay Morgan nang mahina siyang dumaing. Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang nilapitan nang umagos ang dugo sa kanyang ilong.
"Morgan.." iyak ko habang pinupunasan ang dugong umaagos.
"Morgan, don't you dare," wika ni Jameson sa basag na boses.
"Tilt his head. Ihiga niyo siya," ani Jayden na tumutulong sa pag-aasikaso kay Morgan.
"This isn't good. Kapag hindi pa siya masalinan ng dugo ay mamamatay na siya," diretsong wika ni Jayden.
"Be careful with your words!" galit na wika ni Jameson.
"I'm just telling the truth!"
"Then at least be more sensitive!"
I can't loose him. I can't let him die kung meron naman akong magagawa.
Pinunasan ko ang aking mga luha bago humarap kay Eustass.
Tumigil siya sa pagtawa. Blangko ang kanyang mukhang nakatingin sa akin.
Without a single thought, I kneeled in front of him.
"Vanessa! What are you doing?! Get up!" sigaw ni Sage.
Hindi ko siya pinakinggan.
"I-I beg you. P-please make a way for us," pagsusumamo ko habang namamalisbis ang masagana kong luha.
Sobrang sakit. Itong ginagawa kong pagluhod at pagmamakaawa sa kanya, parang pinatunayan ko lang na tama siya, na mahina ako at walang kwenta.
Tangina. Ang sakit sa pride itong ginagawa ko. Kneeling while begging for his mercy and acting weak in front of my friends, it's shameful I just want to vanish.
Eustass laughed at me mockingly. "Where's the magic word dear?"
He really know how to play me. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang pinapakinggan ang nakakaloko niyang pagtawa.
"Please.. F-Father."
Malakas siyang humalakhak. "Good! Very good! You're a good girl my useless daughter!"
Malakas na umalingawngaw ang nang-iinsulto niyang tawa.
I clenched my fist.
Screw him. I hope that he dies soon.