Wolf Mountain

Status: OnGoing
Wolf Mountain

113.3K

Views

22

Chapters

3.0

Ratings

Lumaki sa bundok si Wolf kasama ng mga lobo, inaka niya na kabilang ito sa kanila. Namumuhay siyang mapaya doon kasama ang kanyang magulang at mga kapatid na lobo hanggang sa namatay ang kanyang Inang lobo. Dahil sa naiiba siya sa lahat dahil sa pagiging tao niya ay nag alsa ang mga ibang lobo at pinaalis siya sa tinutuluyan niya. Upang makaiwas sa gulo ay umalis siya sa kwebang kinalakihan niya at nagpakalayo layo kasama si Empress na kapatid niyang lobo kasama ang asawa nitong si King.

Naging maayos naman ang pamumuhay nila malayo sa mga kinilala nilang pamilya. Hanggang sa makita ni Wolf ang naliligaw na dalagang si Talitha sa gubat kung saan siya madalas maghanap at kumuha ng makakain nila. Agad nabighani ang binata sa taglay na ganda ng dalaga kaya sinundan niya ito. Ang sabi ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito ay mapanganib ang mga tao kaya huwag siyang magpapakita sa mga ito. Ngunit ng makita niyang nasa panganib ito ay hindi siya nag aksaya ng panahon para iligtas ito.

Summary

PROLOGUE

Nakangiti at tila nananaginip ng masaya ang walang muwang na sangol na si Cole. Akala yata nito ay nakahiga siya sa kanyang duyan habang inuugoy ito ng kanyang ina.

Pagod at pawisan na si Agatha sa kakatakbo sa kakahuyan puro sugat na rin ang mga paa nito ngunit tinitiis niya alang alang sa kaligtasan ng kanyang anak. Ang kaninang masayang bakasyon ng kanyang pamilya ay naging malagim trahedya.

Habang nasa tabing dagat sila kanina ng kanyang asawa kasama ang kanilang anak na si Cole ay may lumapit sa kanilang mga lalaki. Noong una ay inakala nilang magtatanong lamang ang mga ito ngunit biglang bumunot ng baril ang isang lalaki na tila pinaka leader ng grupo at itinutok yon sa ulo ng kanyang asawa.

Nagsisisigaw at mahigpit na niyakap ni Agatha ang walong buwan na sanggol pa lamang na si Cole ng marinig nito ang pagputok ng baril at ang pagbagsak ng asawa niyang si Rodrigo sa lupa.

Masayang tumatawa ang mga lalaki habang nakatingin sa walang buhay ng katawan ng kanyang asawa habang siya naman ay walang tigil sa pagsigaw. Naramdaman ni Agatha ang malamig na metal sa kanyang sentido na lalong nagpanginig sa kanya, ngunit pinigilan nung bumaril sa kanyang asawa ang lalaking may balak na tapusin na din siya.

"Huwag muna, hindi mo ba nakikita ang napakaganda niya? Napaka puti at kinis pa niya. Papayag ba kayong ang wala ng buhay na asawa lang niya ang makinabang sa kanya?" Sabi ng lalaking bumaril sa kanyang asawa tsaka malademonyong tumawa ito. Nakitawa din ang mga kasamahan niya at tila gustong gusto ang naisip na ideya ng leader nila.

"H-huwag.." pag mamakaawa ni Agatha sa mga ito ng unti unting lumapit ang mga ito palapit sa kanya.

Alam ni Agatha ang kawalangyahan na iniisip ng mga lalaking to kaya humakbang ito paurong. Tumingin ito sa bangkay ng kanyang asawa at muling naglandas ang mga luha sa mga mata niya.

Tumalikod at tumakbo si Agatha karga ang tulog na anak niya. Dinig nito ang pagtawa ng mga kalalakihan na ngayon ay humabol at nasa likod lang niya.

"Sige takbo! Takbo ka lang!" Tumatawang sigaw ng mga lalaki tsaka sila nagpaputok ng baril. Alam niyang sadyang hindi siya pinatamaan ng mga ito dahil alam niyang may balak silang gahasain pa siya kaya patuloy pa rin ginawa niyang pagtakbo.

Patuloy ang pagtakbo ni Agatha habang tinitiis ang sakit at hapdi ng mga sugat na natamo niya mula sa masukal na kakahuyan na pinasukan niya. Nadapa si Agatha sa naka usling matabang ugat ng puno ngunit nagawa pa rin niyang protektahan ang kanyang anak.

"Pagod ka naba?" Dinig niyang sigaw ng mga kalalakihan sa pagitan ng pagtawa ng mga ito

Mabilis na inayos ng higa ni Agatha ang kanyang munting anghel sa ilalim ng puno at tinabunan ng mga tuyong dahon.

"Cole babalikan kita, hahanap ako ng taong pwedeng tumulong satin" sambit ni Agatha sa anak. Ngumiti ang munting anghel mula sa mahimbing na pagkakatulog na tila naiintindihan ang ibig sabihin ng kanyang ina.

Mabilis na hinalikan ni Agatha ang noo kanyang anak at tinabunan pa ng dahon ang katawan ng anak tsaka tumayo at nagsimula ulit tumakbo.

*********

3,0

Read Now

Favorite