
281.9K
Views
34
Chapters
Ratings
Binaba ko ang tingin sa kawawang ice cream na nakabuwawang sa harapan ko. Unti-unti kong sinubo ang ice cream na kanina pa nalulusaw dahil sa hindi ko na nakain ng maayos. Napatingin uli ako sa direksyon kung nasaan nakaupo ang lalaking pinakamamahal ko, ang lalaking nasa kanya na ang lahat, good look, brain and money. Oh and I forgot mention, he is a certified playboy as well.
Napabuntong hininga ako dahil sa iba na naman ang babaeng kasama nito at kahalikan ngayon. Sobrang sakit lang panoorin ang mga ganitong eksena niya sa iba't-ibang babae, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang mailayo ang aking tingin. Na sana man lang umalis na lang ako sa kinakaroonan ko ngayon para hindi ko matunghayan ang ganitong eksena.
Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nakikita ko siya na ginagawa ito kasama ang iba't ibang babae. Masasabi ko rin naman na hindi ako inosente sa ganitong mga bagay. Nakatingin ako sa kanya habang nasa bibig ko pa rin ang kutsara na hindi ko pa naalis ng biglang tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa lamesa.
Kinuha ko ang cellphone ko at napatingin ako sa kung sino ang nagtext sa akin, nabigla ako ng pangalan ni Renzo ang lumabas sa screen ko. Mabilis kong binasa ang message nito.
From: Renzo
Enjoying the view?
Napatingin ako sa direksyon nito, hindi na ito nakikipaghalikan sa babae at nakikipag-usap na lang ngunit ang mga mata nito ay nakatingin pa rin sa direksyon ko. Napatingin uli ako sa cellphone ko ng magring uli ito, isang message na naman na galing pa rin sa kanya.
From: Renzo
Wanna experience the same? My place, later.
Napatingin ako rito ngunit wala na sa akin ang atensyon nito kundi doon uli sa babaeng kahalikan nito. Alam kong namumula na ako ngayon dahil sa mensahe na nabasa ko lang ngayon galing dito. Hindi ko magawang sumagot sa message niya sa akin bukod sa wala akong masabi ay hiyang-hiya ako dahil napansin pala nito ang pagtingin ko sa banda nila.
Tungkol sa mensahe na pagpunta ko sa condo niya mamaya ay sariling kagustuhan ko rin naman, hindi niya ako pinilit dahil kung tutuusin ako pa ang namilit rito. Tsaka hindi kailangan ni Renzo mamilit dahil lahat ata ng babae ay nagkakandara rito.
Lumipas ang oras ng hindi ko man lang namamalayan dahil ngayon nandito na ako sa labas ng condo ni Renzo. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob, alam ko na kasi ang code ng condo niya. BInigay niya ang code niya sa akin para hindi na niya ako pagbuksan ng pinto. Sa lugar na ito nagsimula ang lahat, dito ako nakipagtalik kay Renzo at inalay ang katawan ko para lang tanggapin niya ako.
"Please just -- just." Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsasalita, hindi ko na rin kayang kontrolin ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang mga halinghing at ungol na lumalabas sa bibig ko ngayon.
Patuloy pa rin siya sa paggalaw sa ibabaw ko, hindi ko mapigilang sabunutan ang kanyang buhok niya habang nakatitig sa nga mata ni Renzo. Ramdam na ramdam ko ang intensidad ng titig niya na pakiramdam ko ay nalulunod ako sa tingin na binibigay niya sa akin. Kahit parati na namin itong ginagawa ay parang unang pagkakataon pa rin ang lahat para sa akin. Kasabay ng bawat sigaw ko ang mas lalong pag lalim ng nararamdaman ko kay Renzo. Pakiramdam ko lalong lumalala ang nararamdaman ko sa kanya, iyong tipo ng pag-big na hindi na makakaahon pa sa pagkalubog.
"Please, Renzo--" Hindi ko na alam ang mga salitang lumalabas sa bibig ko, lumulutang ang isipan ko sa alapaap. Patuloy pa rin ang pagsabunot ko sa kanya habang umuungol sa bawat galaw niya sa loob ko. At ngayon ay binagalan niya ang paggalaw sa ibabaw ko kaya napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Did you say something? Anong kasunod ng please mo?" He looked at me intently. Alam kong natutuwa siya ngayon, nagugustuhan niyang nabibitin ako at naaasar.
"Faster." Hindi ko na talaga mapigilan ang maasar sa ginagawa ni Renzo at sinigawan ko na siya. I want it faster and harder, hindi iyong katulad ngayon.
"Kung ayaw ko? What would you do?" He's really enjoying the moment. Pero ako hindi, sino ba naman ang gustong mabitin ka? Parang panonood lang iyan ng movie sa tv niyo, nasa climax ka na ng biglang nawalan kayo ng kuryente, naiwan ka sa ere dahil hindi mo natapos iyon.
"I'll kill you." Sobrang seryoso ng mukha ko ngayon, oo gusto ko siyang patayin pag titigilin niya talaga itong ginagawa namin. Sino bang hindi ganoon ang mararamdaman, kahit sino naman magagalit dahil sa nabitin ka.
"Your expression is priceless, sorry but I actually have to go now." Tumayo na si Renzo at nagsimulang suotin ang mga hinubad na damit. Umalis na siya at sinabihan akong, ako na daw bahalang maglock sa condo nito.
Iyon lang iyon? Oo iyon lang iyon.
Iniwan na naman niya ako just like what he always do. Napabuntong hininga ako at nagsimula na ding magpalit ng damit para makauwi na ako sa bahay.
Habang lumalabas sa condo unit ni Renzo ngayon ay inis na inis pa rin ako sa nangyari. I hate him for leaving me hanging everytime. Parati na lang iyon ang ginagawa niya sa tuwing nagtatalik kami, parati na lang ako nabibitin na para bang ginagawa ni Renzo intentionally.
Pero kahit na ginagawa niya sa akin ito, ay paulit-ulit pa rin akong sunod-sunuran sa lahat ng gusto niya. Hindi ko mapigilan ang aking sariling gawin ang gusto niyang mangayari. Isang alipin sa bawat gustuhin niya.
Ako nga pala si Serena Xhen, ang babaeng patuloy na nagmamahal sa isang lalaking walang pag tingin sa akin, si Devon Lorenzo Yan. Isa lang ako sa mga babaeng kinakama nito bilang palipas oras.
Pababa na ako sa building at naglakad na ako papunta sa direksyon ng kotse ko ng mapansin ko ang kotse niyang humarorot sa harapan ng dinadaan ko. Ni hindi man lang niya ako pinansin bago umalis. Pero ano bang bago? Hindi pa ako nasanay sa trato niya sa akin. Simula ng ginawa namin ito ay parang lalong bumaba ang tingin niya sa akin.
Nasanay na akong ginaganyan niya ako, nasanay na ako sa setup naming ganito. Nagsimula ito noong tatlong buwan na ang nakakalipas, sa bilang ko thrice a week kaming nagkikita para gawin ito sa condo ni Renzo. Nasanay na din akong si Renzo ang nag-aaya sa akin sa pammamagitan ng pagpapadala ng mensahe via text.
Masakit para sa akin dahil naaalala niya lang ako pag gusto niya akong ikama bukod doon ay wala na akong halaga sa kanya. Pero kung hindi ko naman ito ginawa ay siguro patuloy lang akong nakatingin sa kanya sa malayo. Atleast, minsan ay nagiging akin si Renzo kahit konitng oras lang.
Isang rason lang naman bakit ko ito ginagawa sa sarili ko, dahil sa mahal na mahal ko si Renzo. Sa ganitong pagkakataon lang ako nakakalapit sa kanya, iyong dalawa lang kami at walang ibang babae na aagaw sa atensyon niya.
Alam ni Renzo ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi niya kayang tumbasan ang nararamdaman ko. We used to be childhood friends, close friends. Noon pa mahal ko na siya at patuloy ko iyong tinatago hanggang sa hindi ko na nakayanan ay sinabi ko sa kanya ang lahat. Sa isang bar, nasaktong nandoon si Renzo kaya nilakasan ko na ang loob ko ng panahong iyon. Uminom ako ng maraming alak pero sinigurado ko na masasabi ko pa rin sa kanya ng maayos ang lahat.
Kasi sabi nga nila paglasing ang isang tao ay hindi ito nagsisinungaling sa mga sinasabi nito. So I confessed to him with full of determination thinking na kahit papaano ay may nararamdaman ito sa kanya pero tinanggihan niya ako. Sinabi niya wala siyang gusto sa akin at wag ko na daw sayangin ang sarili ko sa isang tulad niya. Sobra akong nasaktan sa narinig ko sa kanya kaya hinalikan ko siya at binuhos ko sa halik na iyon ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Iyan ang naging simula hanggang sa humantong na kami sa ganitong sitwasyon.
Sumakay na ako sa kotse ko at napatingin sa salamin. Ngumiti ako sa sarili ko, naaawa ako sa sarili ko pero agad kong pinaalis sa isapan ko ang ganoong pag-iisip. Its better this way than not having him at all.
Alam kong pisikal na atraksyon lang ang nararamdaman sa akin ni Renzo pero pinaghahawakan ko pa rin ang posibilidad na iyon para hindi mapalayo sa kanya. Ni hindi nga ako sigurado kung attracted siya sa akin or kahit sa katawan ko kasi madaming mga sexy na babaeng nagkakandarapa sa kanya. Inalis kong muli sa utak ang mga naiisip na pangit, ayokong mastress la lalo sa mga ganitong bagay.
"Its okay, Serena." Pag-aalo ko sa sarili, sinuot ko na ang malaki kong salamin at tinali ang kulot kong buhok na medyo sabog. Tinatanggal ko kasi ang salamin ko pag nagkikita kaming dalawa ni Renzo at hindi ko rin pinupusod ang buhok ko pag kami lang dalawa. Gusto niya kasing hindi ako nakasalamin at nakalaylay lang ang buhok ko.
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko, padabog kong pinatay ang alarm ko. Nasilaw ako sa liwanag ng paligid dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto. Napatingin ako sa orasan, alasais na pala ng umaga. Muli akong humiga sa aking kama, at nag-alarm sa cellphone na nasa tabi ko ngayon ng limang minuto. isinira ko muli ang mga mata ko at pinagpatuloy ang pagtulog kasi pakiramdam ko kulang na kulang pa ako sa tulog.
Bigla kong binalot ang sarili sa kumot ng marinig ko ang pagtunog ng alarm sa cellphone ko, parang hindi naman kasi five minutes ang tinulog ko kasi parang sinara ko lang ang mata ko sandali at binuka muli. Magpapa-alarm na sana ako ng additional 5 minutes ng mapalingon ako sa pagkatatok ng kwarto ko at pagtawag ni Mommy sa akin.
Napabalikwas ako ng gising habang nakatingin sa pintuan ng masama. Gusto ko talagang humilata muna.
"Hey darling wake up!" Kinakatok na ako ni Mommy sa pinto. "May pasok ka pa ng maaga diba? Maghanda ka na dahil sabay tayo ng Dad mo." Pangungulit ni Mommy na hindi pa rin umaalis sa labas ng pintuan ko.
"Mom it's just 6:05 am in the morning!" I want to sleep more, I don't even want to go to school today.. Napagod ako sa ginawa namin ni Renzo, tapos naiisip kong makikita ko siya today, for sure aasarin lang niya ako doon sa ginawa niya sa akin kagabi.
"Darling it's 6:30 am. Wake up sleepy head!" Sumigaw ulit ni Mmommy na di talaga nakakapansin na ayaw kong bumaba at sumasaby sa mga ito. Kinalampag pa lalo ni Mommy ang pintuan ko at hindi tinitigilan hanggang sa umoo ako.
Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang oras, niloloko ata ako ni Mommy, nag-alarm ako ng limang minuto para hindi ako makatulog ng sobra ngunit nanlaki ang mga mata ko ng malkitang 6:31 am na nga ng umaga. Nakatulog pala ako ng trenta minutos at hindi nagising sa alarm kahit naka snooze pa ang alarm.
Ang bilis talaga ng oras pag hindi pinapansin at kung kelan mo naman gusto humaba ay parang kisap-mata lang sa bilis. Ito talaga ang disadvantage pag nandito sila Daddy at Mommy sa bahay, she can't sleep more in the morning kumpara kung wala ang mga ito at nasa ibang bansa para sa negosyo namin.
"Yes Mom. I'll be there in thirty minutes." Mahaba na ang oras na thirty minutes na paghahanda sa sarili ko, hindi naman ako katulad ng ibang babae na kulang pa ang tatlong oras pala mag ayos ng mukha at katawan. Tumingin ako sa alarm clock ko. Pwede pa akong matulog ng ten minutes dahil kailangan ko lang naman ng ten to twenty minutes para mag-ayos ng sarili.
"Darling alam kong iyan ang sasabihin mo, tumayo ka na dyan at andito ang Grandma mo." Bumalik ako sa paghiga at binalot ko ang sarili ko ng kumot ng marinig ang sinabi ni Mommy. Lalo ko pang gustong matulog ngayong narinig kong nandito si Grandma ngayon sa bahay.
Hindi naman sa hindi ko gusto si Grandma na bumisita rito, ayaw niya lang makasama sa isang kwarto ang matanda. Parati kasi nitong napapansin ang pananamit ko, the way I act and everything else about myself. Lahat na lang napapansin niya mula ulo hanggang paa ko, parang may critic ako. But of course she is still my Grandma, I still respect and love her kahit na lalo niyang binababa ang self-esteem ko.
"Yes Mom, I'll be there in a minute." Tumayo na ako na parang zombie at nagpunta sa shower. Binuksan ko ang shower at muntik na akong mapatalon sa lamig ng tubig. Gising na gising na ako dahil sa naramdaman, mabilis kong nilipat sa mainit ang tubig at pinagpatuloy na ang pagligo.
Mabilis akong natapos at nagmamadali ako lumabas ng banyo para makapagpalit ng damit. Dahil hindi naman kasi ako mapili sa damit at hindi ko pinagtutuunan ng pansin kung anong susuotin ko ay kinuha ko lang ang kung ano ang makita ko sa walk in closet.
After 15 minutes ay maayos na ako mula ulo hanggang paa, tinignan ko ang sarili sa salimin para siguraduhing maayos na ang itsura ko. Simple lang ang sinuot ko, nakapantalon lang ako paired with a cute blue blouse with my favorite white sneakers. Tinali ko na ang natural kong kulot na buhok into a bun style at inayos ko ang eye glass sa paglalalagay sa aking mga mata. Nerd, I know.
Hindi na ako kailangan sabihian ng iba, alam kung walang kaakit-akit sa akin at hindi ako maganda. Alam ko naman iyon at kontento na ako sa ganitong ayos ko sa sarili. I'm not like those sexy and sophisticated girls at my school. I'm just a plain boring Jane. Bago ako umalis ay tumingin ulit ako sa salamin.
"Urgh, monday." Mahina at matamlay kong sambit sa sarili, kinuha ko na ang mga gamit kong nakahanda na. Nang makababa ay dumiretso na muna ako sa sala para iwanan ang bag ko bago pumunta ng dining room kung saan nandoon silang lahat para mag-agahan.
Bumungad agad sa akin si Grandma na umiinom ng tsaa habang naghahanda si Mom ng kape para kay Dad. Napalingon sa akin si Dad na may hawak na newspaper, ngumiti siya sa akin.
"Good morning Darling." Bati sa akin ni Dad. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.
"Good morning Dad." Lumapit na rin ako kay Mom and did the same. And lastly with my Grandma. Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Good morning, Grandma." Sabay halik sa pisngi nito.
"Good morning hija." Ngumiti siya sa akin.
Ngumiti lang sa akin si Grandma at hindi niya pinansin ang suot ko ngayon kaya naninibago talaga ako. Wala man lang itong ginawang pangsisita sa akin, baka masyadong maganda anf araw niya ngayon?
"Grandma may sasabihin po ba kayo?" hinanda ko na ang sarili ko sa sasabihin niya pagnagkikita kami katulad ngayon.
"Anong sasabihin ko Serena?" Parang tumaas ang balahibo ko sa klase ng ngiti nito na parang may tinatago ito sa likod ng pagkakangiti nito sa akin.
"Never mind, Grandma," nararamdaman ko talagang may mali na parang may mangyayaring masama. Inalis ko sa sistema ko ang naiisip, ano naman kasing mangyayaring masama? Masyado ko lang iniisip ang mga bagay-bagay.
Kumain na lang ako at hindi nagsalita pa. Napatingin ako kay Dad na busy sa pagbabasa ng dyaryo habang si Mom at Grandma ay kumakain ng tahimik. Napakibit balikat na lang ako at nagsimula na lang din kumain.
Binilisan ko na ang pagkain dahil baka malalate na ako pumasok. I'm taking up Business Administration Major in Operations management in an elite school. Iyong mga nakakaangat lang sa buhay ang makakapasok sa ekwelahan namin sa mahal ng tuition fee, may iilan ding nakakapasok na hindi mayaman, sila ay may mga scholarship.
Pareho kami ng course ni Renzo kaya lahat ng subject ay magkasama kami, kasi block section. Ang swerte ko kasi parati ko siyang nakikita kahit hindi niya ako pinapansin. Kaya kahit hindi ako binigyan ng pagkakataon na pumili sa course ko ay okay lang sa akin dahil nakikita ko naman araw-araw si Renzo. Si Dad at Grandma kasi ang nagtulak sa akin na kunin ang course ko.
Ang Grandma ko ang nagpalago sa corporasyon namin dahil namatay sa batang edad ang Grandpa ko. Hinahangaan ko sa tibay ng loob ni Grandma, hindi ito nagpapatalo lang basta-basta. Sobrang napalago nito ang corporasyon at tumulong na din kalaunan ang Dad ko hanggang sa nakilala lubos-lubos ang corporasyon at ang pamilya namin.
Sa business industry, ang corporasyon namin ang second ranked most successful Group of Companies in Asia. At ang nasa tuktok ay ang Yan Group of companies na pagmamay-aari ng pamilya ni Renzo na pagdating panahon ay mapupunta rin rito dahil nag-iisang anak lang ito katulad ko.
Half british nga pala ako, one fourth filipina and one fourth chinese. My mom was a british model, napunta siya dito sa Pilipinas to have a vacation and my Dad is half filipino and half chinese at noon pa business man.
Nagkakilala sila tapos na-inlove sila sa isa't-isa. Sinuko ni Mom ang career niya para kay Dad at nanirahan na dito sa Pilipinas. Pagkatpos ay natuto na rin ito managalog at naging fluent na ito sa Filipino language.
I got my features from my Mom even her height nakuha ko din, 5'8 kasi ang height ko ngayon kaya di ako nagsusuot ng high heels kasi mukha na akong kapre sa tanggad ko. Pero hindi ko alam bakit hindi ako naging katulad niya kaganda, parating sinasabi sa akin ni Mom na maganda raw ako pero alam ko namang hindi yun totoo at sinasabi lang nito iyon dahil anak niya ako. Tanggap ko naman na hindi talaga kami magkapareho at hindi talaga ako maganda noon pa.
Marami nagsasabi na magkaiba kami ng Mom ko, iyong mg abully na schoolmates ko ng elementary. Tagapagtanggol ko nga si Renzo noon, at matalik ko pa siyang kaibigan. Siya ang takbuhan ko noon dahil iyakin ako noon. Nagbago ang lahat ng tumuntong na kami ng high school. Noong first year to third year high school, kaibigan pa rin kami at nasa iisang school nag-aaral pareho pero unti-unti na siyang napapalayo sa akin. Miminsan na lang ako niyang pansinin kahit magkakalase pa kami, parang naging invisible na ako sa kanya. At miminsan na lang din ito pumunta sa bahay namin kahit na magkapitbahay lang kami.
Nang tumungtong na kami ng college ay humiwalay na si Renzo ng bahay sa parents nito at nagcondo siya. Hindi ko expected na iisang school pa rin kaming pareho, siya'y naging heartthrob agad dahil sa kumalat sa school nag number one siya sa entrance exam. Matalino kasi siya, noong high school kami ito na palagi ang top one at hindi lang ito matalino kundi magandang lalaki pa kaya hindi na nakapagtataka kung sumikat siya sa school ng lubusan. Hindi ko rin expect na iisang course at magka-block mates pa kami. Naging magkaibigan ulit kami pero noong time na yun alam kong kaliwa't kanan na yung babae niya. Hindi na siya ang dating Renzo na kilala ko.
He's a playboy, parati kong nakikitang may kasama siyang babae at parati namang binibiyak ang puso ko dahil doon. Kaya ng tumuntong na ako ako ng third year college ay naglakas na ako ng loob na sabihin itong nararamdaman ko. Nakiusap ako sa kanyang pansinin niya ako hanggang sa inalay ko ang sarili ko kay Renzo at naging sex partner niya ako.
Bumalik ang atensyon ko sa harapan, napatingin ako kina Dad at Mom na ngayon ay sweet na sweet sa isa't-isa. Sana ganoon din ako at ang magiging asawa ko pero papano mangyayari iyon kung ang iisang lalaking ginusto at mahal ko ay ni walang katiting na pagmamahal sa akin, he just want me for his bed. Napabunotng hininga ako at binaba kona ang kubyertos sa pinggan ko.
"Dad, Mom and Grandma alis na po ako." Nagpaalam na ako dahil malalate na ako sa una kong klase. Meron pa akong 30 minutes para bumiyahe papunta sa school, dalangin ko lang na di traffic ngayon para hindi ako mahuli sa klase.
Read Now
Favorite