228.7K
Views
6
Chapters
Ratings
Halos binaliktad ko na ang kwarto ko, pero hindi ko parin nakikita ang hinahanap ko!
Bakit ba kasi ngayon pa ako dinalaw?
Kung pwede lang tanggalin tong puson ko, matagal ko na sanang ginawa.
“Ma! Nakita niyo po ba yung isang pack ng napkin ko dito!?” pasigaw na tanong ko kay Mama para marinig niya ako. Nasa kusina kasi siya. Nagluluto.
“Tingnan mo sa cabinet ng Papa mo! Baka ginamit niya!” pamimilosopong sagot nito.
Jusmiyo naman. Mauubosan ako ng dugo nito!
“Huwag puro dada Sam! Pumunta ka dun sa tindahan at bumili ka ng band-aid mo!” pasigaw na pangaral ni Kuya na ikinapula ng pagmumukha ko!
Ang bastos talaga ng bunganga nitong si Kuya. Ewan ko ba kung saan siya nagmana.
Padabog kong isinara ang cabinet.
No choice ako kaya mabilis pa ako sa alas kwatrong lumabas sa kwarto para bumili ng napkin sa tindahan.
Pagdaan ko sa may sofa, nakita kong nagcecellphone si Kuya.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.
“Sam” napahinto ako sa paglalakad ng bigla ako nitong tinawag.
Ano naman ang kailangan ng damulag nato?
“Ano yun?” kunot noong tanong ko sa kaniya.
Ngumisi ito. “Nahulog ang panty mo” natatawang saad nito na ikinairita ko!
“Ma! Si Kuya ang bastos ng bunganga!” Pagsumbong ko na mukhang hindi naman nadinig ni Mama, kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Napakabastos talaga ng bunganga ni Kuya, ewan ko ba kung saan yun nagmana.
PAGKALIPAS nang isang minuto ay nakarating na ako sa tindahan. Nasa katapat lang kasi ito ng bahay namin.
“Tao po! Tao po!” pambubulahaw ko. “Tao po! Tao po!” nakaapat na ‘tao po’ na ako pero wala paring taong lumalabas.
Wala bang tao dito?
“Tao pooooooooo—”
“Ang liit liit mo, pero ang ingay ingay mo, ano bang sayo?” ganun nalang ang paglaki ng mga mata ko ng biglang tumambad si Kios sa harapan ko!
Anak siya ng may-ari ng tindahan, barkada ni Kuya, at…at…matagal ko na ding secret c-crush.
Bakit siya? Nasaan Mama niya!?
“N-nasaan si Tita?” nauutal na tanong ko.
Kaagad namang tumaas ang kilay nito. “Bakit mo hinahanap ang Mama ko? Narito naman ako” nakataas ang kilay na saad nito.
Kaya nga hinahanap ko ang Mama mo kasi ikaw ang nandidito! Paano ako bibili ng napkin kung kasing gwapo mo ang nagtitinda!?
Pasimple akong napakamot sa batok. “Wala ba talaga si, Tita?” Balik tanong ko.
“Ano ba Sam, sasabihin mo ang bibilihin mo o pagsasarhan kita?” pananakot nito.
“Asan nga kasi si Tita?” pangungulit ko talaga sa kaniya.
“Kanina ka pa. Bakit mo ba hinahanap si Mama? Eh, nandito naman ako” buntong hiningang saad nito.
Kung kaya ko lang sanang sabihin ang gusto kong bilhin edi sana kanina ko pa sinabi sa kanya.
Nahihiya lang talaga ako!
“Yung Mama mo ang gusto kong bilhan—.”
“Umalis si Mama, ako lang magisa dito sa bahay, ako ang nakatokang magbantay sa tindahan ngayon, kaya kung ayaw mong sabihin ang gusto mong bilhin, pwede ka ng umalis—"
“T-teka, teka lang.” Pigil ko sa kaniya. “Sasabihin ko na, sasabihin ko na sayo ang bibilihin ko.” Akmang pagsasarhan na kasi ako nito.
Huminga muna ako ng malalim.
Bahala na si Batman!
“Pabili ako ng.. ng.. ano. Yang ano.” Ininguso ko sa kaniya ang pack ng Napkin.
Kumunot ang noo nito. “What?” Nagugulohan ang mukha nito habang nakatingin sa nguso ko.
“Yan ngang…ano.” Ininguso ko ulit ang pack ng Napkin.
Napakamot ito sa batok. “Anong ano?” Kapagkuwan. “Sam, bakit ka ba nakanguso? Gusto mo ba ng halik?” Kaagad na bumagsak ang nguso ko, dahil sa tanong nito.
Palihim na namula ang mukha ko, at kaagad na umiling.
Pasimpleng tumaas ang sulok ng labi nito. “Sabihin mo kasi ng maayos kung ano ang gusto mong bilhin.”
Nahihiya kasi talaga akong sabihin!
Bakit ba naman kasi napakagawapo nitong bantay tindahan nato?
Pero, kailangan ko na talagang bumili kasi pakiramdam ko maubosan na ako ng dugo!
Pasimple muna akong tumikhim. “Ahm, pabili ng nap—"
“Oy Kios, pautang nga kami ng soda jan” Ganun nalang ang paglaki ng mata ko nang biglang marinig ang boses ng barkada ni Kuya!
“Ako din Kai, tsaka sila. Bali kaming lahat uutang” Boses iyon ni Top.
“Bawal umutang” may babalang saad ni Kios.
“Para namang hindi tayo magbarkada- Oy, Sam, nandito ka pala” Biglang pansin sa akin ni Top.
“Hi” kiming bati ko sa kanila.
“Hello!” sabay sabay na saad ng pawisang mga barkada ni Kuya.
Nalintikan na!
“Sky” Pagsulpot ni Kuya sa harapan ko. Bakit nandito rin tong kumag nato? “Hindi ka parin nakakabibili?” tanong nito na ikinapula ng pagmumukha ko.
“Cloud” Biglang sabat ni Kios. “Kausapin mo nga yang kapatid mo, ayaw kasing sabihin kung ano ang gusto niyang bilhin” Sumbong nito na ikinataas ng sulok ng labi ni Kuya!
Nalintik na talaga.
“Nakalimotan ko na ang gusto kong bilhin, uuwi na ako—"
“Kios, pakibigyan nga ng band-aid itong mahiyain kung kapatid” Nakangising putol nito sa akin.
Walang hiya talaga ‘tong si Kuya. Alam kasi niyang may gusto ako kay Kios. Sana lamunin nalang ako ng lupa!
“Band aid?” Kunot noong tanong ni Kios. “May sugat ka, Sam?”
“Napakainosente mo talaga Kai” Biglang pakikisawsaw ni Grey. “Napkin yung ibig sabihin ni Cloud” Anito na ikinapula ng pagmumukha ko!
Mga walang hiya talaga tong mga kaibigan ni Kuya, maliban lang kay Kios.
Napabaling si Kios sa akin, kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin. “Ahh, kaya pala hinahanap mo ang Mama ko” Natatawang saad nito na mas lalong ikinapula ng mukha ko! “Anong napkin ang gusto mo, Sky? With wings or without?” pahabol pa nito!
“Alam mo, Sky, mas maganda yang napkin na may brand na whisper” biglang sabat ni Lev! “Yan yung binili ko sa ex ko dati”
“Talaga pare?” Natatawang tanong ni Top.
Jusko! Hindi ko na talaga kaya!
Walang pagdadalawang isip, dali dali ko silang iniwanan. Hindi ko na kayang magpaalam.
Nakakahiya na talaga!
“Sam!” Dinig kong tawag ni Kuya, pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Bahala siya sa buhay niya.
“Sam! Sam! Sam! Saaamm!”
Ang ingay!
“Ano!?” iritado ko siyang nilingon..
Napakaingay!
Nakita kong nagkakamot ito ng ulo na para bang nahihiya, samantalang hindi naman makatingin ng deretso sa akin ang mga kaibigan niya kasama na si Kios..
Anong nangyari sa mga to?
“Ano bang problema Kuya?” nakapameywang na tanong ko.
Kanina lang ang ingay ingay, pero ngayon hindi na makatingin ng deretso.
“May ano kasi…. ahm, may ano… may tagos ka” Sagot nito na ikinatawa ko.
“Ahh, talaga, Kuya? Nunkang maniniwala ako sayo” Mataray na saad ko, pero hindi parin sila makatingin sa akin ng deretso.
P-pinaprank lang naman siguro ako ni Kuya, diba!?
Humugot ako ng malalim na hininga at pasimpleng tiningnan ang puwetan ko at ganun nalang ang panlalamig ng pagkatao ko ng makitang may tagos nga ako!
Binalingan ko ulit silang lahat at nakita kong hindi parin sila makatingin sa akin ng deretso! Lalo na si Kios!
Sa isang saglit, parang biglang nagkaroon ng sariling isip ang dalawang binti ko at kaagad na tumakbo palayo sa kanila.
Panginoon! Kunin niyo na po ako!
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa loob ng bahay.
“Sam? Anong nangyayari sayo? May humahabol ba sayo?” pagsalubong sa akin ni Mama.
“Ayaw ko ng lumabas! Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila!” Pagmamaktol ko habang tumatakbo patungong kwarto.
“Anong walang mukhang…Hoy! Sam! Itigil mo na nga yang kadramahan mo at hugasan mo na yung mga plato sa may kusina!” Utos nito.
“Ayaw ko! Ayaw ko ng lumabas!”
Nakakahiyaaaa!!
Anong mukha pa ang ihaharap ko kay Kios nito!?
Read Now
Favorite