Two months relationship

Status: OnGoing
Two months relationship

851K

Views

11

Chapters

5.0

Ratings

"Pa, sorry......" hindi ko mapigilang mapaiyak ng malaman ang results. Malungkot itong ngumiti at niyakap ako.

"Okay lang anak. Okay lang." Napahagulgol ako ng iyak sa mga braso ni papa.

"Iha tahan na bawal ang stress sa bata." Concern na sabi ng doctor. Mahigpit akong niyakap ni papa habang pinapatahan. Pagkatapos ng check up dumiretso kami ng uwi ni papa.

Sinubukan kong tawagan si Karic kahit na alam kong pustahan lang ako. Nagbabasakali pa rin ako, kahit sustento na lang sana. Pero masa ako sa wala, halos itapon ko yung cellphone ko dahil sa galit.

Lumabas ako ng kwarto at napatigil ng makita si papa sa kusina na nakatulala. Hindi ko mapigilang lumuha na naman. Napatakip ako ng bibig at pumasok sa kwarto.

Wala akong narinig ni isang salita mula kay papa. Alam kong sinisisi nito ang sarili kahit wala naman itong kasalanan.

Napakatanga mo Zertyl! Ang gaga gaga mo! Napasabunot ako sa sarili  dahil sa inis. Sanggol pa lang ako wala na akong ina. Si papa nagpalaki sa akin ng mag isa. Kitang kita ko ang hirap ni papa habang pinapalaki ako. Hindi ako naghanap ng ina pero sinubukan ni papa na began ako, nag asawa ulit sya pero hindi naging maganda ang taro nito sa akin kaya hindi rin natural ang relasyon ng mga ito.

Ang swerte ko. Ang swerte swerte ko kay papa, dahil lahat binigay nya kahit mahirap lang kami. Palipat lipat kami ng bahay, lahat ng trabaho pinasukan ni papa mapaaral lang ako. Makapagtapos na lang sana, kahit yun na lang sana ang maisukli ko kay papa, hindi ko pa nagawa.

"Anak." Napaigtad ako sa gulat at agad na inayos ang sarili ko.

"Kumain kana. Isda na lang muna ang uulamin mo anak, bukas pa yung sweldo ko." Sabi nito ng pagbuksan ko ito ng pintuan.

"Okay lang pa." Mahinang sagot ko. Inayos nito ang buhok ko at saka ako hinalikan sa noo. "Matulog ka kaagad anak, bawal kang mapuyat." Nakangiting sabi ni papa. Naghihintay akong tanungin nito tungkol sa ama ng anak ko, pero wala akong natanggap na tanong.

"Hira!" Tawag ko sa kaibigan ko. Lumingon ito at umirap saka huminto para hintayin ako.

"Aabsent ka?" Mataray nitong tanong na.
"Pwede mo bang kausapin si Karic mamaya?" Napataas ito ng kilay.
"Paano ko kakausapin ang taong nasa labas ng bansa? Eh wala akong cellphone, bakit ikaw ang di kumausap sa kanya." Napaawang ang labi ko at di alam ang sasabihin. Parang nalaglagan ng malaking bagay ang mga balikat ko.

"Seryoso ka? Di mo alam?" Wala sa sariling umiling ako.
"Well, wala na rin naman kayo. Bakit pa nya sasabihin sayo." Napakunot noo ako sa inaakto nito.

"Hira, buntis ako." Mahinang sabi ko na kinanlaki ng mata nito. Napaawang ang labi nito at napatingin sa tyan ko.

"Napakabobo mo talaga no! Hindi mo ba ininom yung pills na binigay ni Ashna sayo!?" Malakas na sabi nito. Umiling ako at pinigilang wag maiyak.

"Hira pwede bang tulungan mo akong makausap si Karic—"

"Late na ako, at saka problema mo yan! Wag mo kong idamay dyan." Napaatras ako sa lakas ng boses nito.

"H-hira..." nauutal kong sambit sa pangalan nito. Inirapan ako nito at saka aalis na sana ng bumalik ito, may binigay itong maliit na plastic sa kamay ko. "Bigay ni Ashna yan, sa bahay mo na buksan." Sabi nito at saka umalis.

"Nga pala wag kang mag inarte dyan. Kasalanan mo rin naman diba? Isang buwan pa nga lang kayo ni Karic bumukaka ka agad." Para akong nanlamig sa sinabi nito.

"L-lasing ako nun Hira, ayaw kong uminom pero pinilit moko. Bakit ka ganyan!?"

"Kung ayaw mo, hindi ka talaga iinom kahit pilitin ka pa!" Malakas nitong sabi at aalis na sana ng pigilan ko ito sa braso.

"Hira please kahit sina Ashna na lang sabihan mo. Wala akong pakialam sa pustahan o kay Karic basta sustentuhan nya ang bata, wala akong pakialam sa kahit na ano, yung..... b-bata na lang." Nagmamakaawang pakiusap ko rito.

Sarkastikong napatawa ito at malakas na kinalas ang kamay ko sa braso nito. "Sabi ko na nga ba at wala kang pakialam kay Karic, mabuti ng ganyan ka! Deserve mo yan." Napaawang ang labi ko at di maprocess ng utak ko ang sinabi nito.

"Umalis ka na lang, magpakalayo ka at baka mapahiya ka lang sa paaralan, yung top 1 ng klase ay nabuntis ng maaga." Panunuya nito at saka umalis.

Tumulo ang mga luha ko at malungkot na ngumiti  habang tinatanaw si Hira sa malayo. Unti unting nagbago ang ugali nito ng makapasok kami sa barkada nina Ashna na pinsan ni Karic.

Napaiwas ako ng tingin ng tingnan ako ni papa ng makauwi ako sa bahay. Agad na dumiretso ako sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa plastic na bigay ni Riha.

"Gamot?" Naguguluhang sambit ko. Binuksan ko yung plastic at kinuha yung gamot.

"A-anong...." napatulo ang luha ko ng makita kung anong klaseng gamot iyon. Napatakip ako ng bibig at nanghihinang napaupo sa kama ko.

Gamot pampalaglag, gusto nilang ipalaglag ko ang bata?

Anong ibig sabihin nito, alam na ba nilang buntis ako? Alam rin ba ni Karic? Kaya ba sya umalis ng bansa.

Summary

Chapter 1 5 Years Later (Going back to Manila)

Napangiti ako ng makita ang nakasimangot na mukha ng anak ko habang papalapit ako sa bahay.

"Bakit ngayon ka lang?" Malditang tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay kaya natawa ako.

"Ang strict naman!" Reklamo ko at kinurot ang pisngi nito. "Nagovertime ng konti si mama kasi kulang ng tao yung restaurant." Paliwanag ko at binuhat ito.

"Hmp! Did you buy me food!?" Malakas nitong sabi at mahigpit na yumakap sa leeg ko.

"Mamaya anak, hintayin muna natin si lolo okay?" Tumango ito at nagpababa. Pagod na umupo ako sa maliit naming sofa at pinanood na tumakbo si Thaeryxia papuntang kwarto namin. Pumikit ako ng konti para magpahinga, maya maya pa'y naramdaman ko ng umaakyat sa kandungan ko si Aera.

"Mama look!" Napadilat ako at tiningnan ang papel na hawak nito.

"Pwede na po kong magschool?" Tanong nito. Napangiti ako dahil marunong na itong magsulat ng pangalan nito.

"Tambay po ako kay teacher Arina kaya tinuturuan nya akong magwrite ng name ko." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito. Masyado na ba akong busy sa trabaho na yung obligasyon ko bilang ina hindi ko na nagagawa.

"Lolo!" Nabaling ang atensyon ko ng biglang sumigaw si Aera at tumakbo kay papa na kakarating lang.

"Aba, ang bigat bigat na ng Aera ko ah!" Napangiti ako at lumapit para kunin ang mga dala ni papa.

Napakunot noo ako ng makita na dala na nito ang lahat nitong gamit sa trabaho.

"Pa, ano na naman to? Sisante na naman po kayo?" Napatingin ito sa akin at binaba muna si Aera bago kinuha sa akin ang mga gamit nito.

"May magandang offer yung kumpare ko sa manila." Napasapo ako ng noo at mabigat na pabagsak na umupo sa sofa.

"Ayan na naman po kayo pa, kapag hindi nyu na nagustuhan yung trabaho aalis kayo tapos lilipat na naman tayo." Reklamo ko.

"Hindi anak, maganda yung offer at saka malaki yung sweldo. Malapit ng mag aral yung apo ko kaya kailangan natin ng malaking pera, masyadong maliit yung sweldo dito sa probinsya." Paliwanag nito.

"Paano kung kayo na lang pumunta ng manila pa, tapos magpapadala na lang po kayo dito." Suggest ko na ikinakunot ng noo nito.

"Iiwan ko kayo dito!? Abbacy di pwede Zertyl pareho kayong babae dito. Hindi ako mapanatag na iwan kayo, masyadong malayo ang manila hindi ako basta bastang  makalipad agad kapag may nangyaring masama sa inyo." Natawa ako ng mahina dahil nanlalaki ang mga nito habang nagsasalita.

Napatingin ako sa gilid ng biglang may tumikhim. Napangiti ako ng makita ang anak ko na nakapamewang habang nakatingin sa amin ni papa.

"Pakainin nyu po muna ako bago po kayo mag away dyan, hmp!" Sabi nito at tumalikod saka dumiretso ng kusina. Nagkatingin kami ni papa at natawa.

Pagkatapos ng dalawang linggo naiayos na rin lahat ni papa ang pag alis namin. Nag barko na lang kami para makatipid si papa, kaya lang hirap na hirap naman ako dahil sa kaartehan ng anak ko.

"Anak malapit na tayo sa manila, bibilhan kita agad ng masarap na ice cream wag ka lang malikot okay?" Pakiusap ko dito dahil napakakulit nito. Nakasimangot na ito at malapit ng dumikit ang mga kilay nito. Iniirapan nito lahat ng tumitingin sa amin.

"I wanna go home now!" Nagpapadyak na ito at tumalon talon sa inis. Nagpapaumanhin na tumingin ako sa mga tao na nasa paligid namin.

"Baby come here." Binuhat ko ito at inayos ang buhok. Malapit ng dumaong yung barko kaya bumalik na ako sa pwesto ni papa. "Ako ng bahala sa lahat ng gamit anak." Sabi ni papa na ikinatango ko. Yumakap sa leeg ko si Aera at binaon ang mukha nito. Hindi pa ito nakakain at natutulog kaya ang sungit sungit.

Nakatulog na si Aera habang bumabyahe kami sa apartment na titirahan namin. Pero gumising rin ng makarating na kami. Inorderan ko ito ng pasta at ice cream para tumahimik na, akala ko matutulog na ito pagkatapos kumain pero nakikulit pa ito at tumakbo ng tumakbo sa loob ng apartment.

"Anak nagtatrabaho na waitres yung anak ng kumpare ko sa malaking restaurant kaya lang masyadong malayo, tatlong sakayan pa mula dito, malaki laki rin yung sweldo." Sabi ni papa habang kumakain kami ng hapunan.

"Kaya ko pong bumyahe pa kahit malayo pero hindi muna ako magtatrabaho hangga't di ko pa naeenroll si Aera. Kapag nagtrabaho agad ako, magician dito si Aera ng mag isa. mas mabuti ng nan dun sya sa paaralan habang nagtatrabaho ako." Napatango si papa at napatingin sa anak na nakatulog na sa sala dahil sa pagod.

Kinabukasan maagang umalis si papa dahil nagsimula na itong magtrabaho, nag iwan ito ng pera para ipang grocery namin ni Aera.

"Anak wag malikot okay? Masyadong malaking supermarket yung pupuntahan natin. Marami rin ang tao dun kapag nawala ka, bahala ka sa buhay mo." Babala ko dito na ikinanguso lang nito.

"So many jeep mama, di ba sila magbabanggaan?" Natawa ako at inalalayan itong tumawid. Kapit na kapit ito sa akin, takot na masagasaan dahil sa dami ng sasakyan.

Nang makapasok kami ng supermarket ay halos humaba ang leeg nito sa kakatingin sa paligid.

"Wow mama toys!" Excited nitong sabi at napatalon, halos hilahin ako nito papunta doon.

"No no no baby, oh my god!" Stress kong sabi at hinila ito sa tabi.

"Baby we don't have money para magbuy ng toys." Kausap ko dito, napaiwas ito ng tingin at ngumuso, napakagat ako ng labi ng makitang naiiyak ito.

"I never had a toy." Mahinang sabi nito. Natigilan ako at di nakasagot. Napabuntong honing ako ng makita yung pera, saktong sakto lang talaga iyon para sa groceries kapag bumili pa kami ng laruan wala na kaming pamasahe pauwi.

"Ganito na lang anak, kapag nagkatrabaho na si mama bibilhan kita ng maraming toys, kaya hintay lang muna anak, okay?" Mahinang pakiusap ko dito. Malungkot na tumango ito.

Ng makaalis kami roon hindi na ulit umimik si Aera. Tahimik lang itong sumusunod sa akin habang bumibili kami. Binilisan ko na lang para makauwi na kami kaagad.

"Zertyl!?" Napalingon ako ng marinig ko yung pangalan ko.

"Oh my god b*tch! It's really you oh my god, I miss you!" Hindi agad ako nakareact ng bigla akong yakapin ni Ashna. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang wala doon si Aera.

"A-ashna."

"Hey! You just disappeard 5 years ago. What happened?" Napakunot noo ako sa sinabi nito. Nagpapanggap ba itong inosente? I can still remember what you did Ashna. Damn! Bakit di man lang pumasok sa isip ko na magcro-cross ulit ang mga landas namin dito.

"Ahm.... Ashna, I'm really busy right now. Nice to see you again, I have to go now, bye." Hindi ko na hinintay na sumagot ito at umalis na agad ako.

Shit! Aera where are you!? Nakahinga ako ng maluwag ng makita ito na nakaupo sa bench na may hawak na teddy bear.

"Thaeryxia Kane Gomez." Galit kong sabi ng makalapit ako dito. Napatingin ito sa akin at agad na ngumiti.

"Mama look! May isang guy na naglaro doon!" May tinuro ito sa malayo at pinakita sa akin ang teddy bear. "He don't like his prize so he gave it to me! Isn't it cute mama?" Napatitig ako sa anak ko at nakita yung kislap sa mga mata nya habang nakatingin sa teddy bear. Napabuntong hininga ako at binuhat na ito para makauwi na kami.

"He told me that he own this building. Is it true mama?"

"I don't know anak, pero sa susunod wag kang makipag usap sa hindi mo kilala, okay?" Sabi ko.

"But he is so kind kaya!" Sabat pa nito.

"Aera please don't forget na may kasalanan ka pa kay mama, you want me to get mad at you?" Ngumuso ito umiling iling saka niyakap ang teddy bear nito.

"I'm hungry na, can we buy a food?" Pag iiba nito ng usapan na ikinangiti ko.

"Sa bahay na anak, magluluto si mama." Sabi ko pero hindi ito sumagot kaya napatingin ako dito at nakitang may kinakawayan ito sa malayo. Napalingon ako at tiningnan ang kinakawayan nito.

"Sino yun baby?" Tanong ko.

"The stranger mama but he's gone na pagkatapos syang sapukin ng kasama nya."

"W-what...." natawa ito ng mahina at yumakap sa leeg ko.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba akong umalis si Aera sa tabi ko at hindi sya nakita ni Ashna o sisihin yung sarili ko dahil hindi ko namalayan na wala na yung anak ko sa tabi ko.

HINDI naging mahirap sa akin ang paglipat namin dito sa manila since ilang years rin akong tumira dito noon. Si Aera nahirapang mag adjust dahil lumaki ito sa probinsya, kaya natatakot akong iwanan ito ngayon sa paaralan kaya sasamahan ko muna sya at first day naman nya.

"Anak, will you be okay kung di na sasama si mama bukas sayo dito?" Napatingin ito sa akin.

"I will be alone here tomorrow!?" Sabi nito sa mataas na boses.

"Ihahatid ka ni mama, tapos mag wowork si mama and then susunduin ka ni lolo pagkatapos ng school mo since sobrang gabi na yung out ni mama sa trabaho." Paliwanag ko dito. Napalabi ito at tumingin sa mga kaklase nito.

"But, i don't know them. I don't have friends here, baka iiyak ako." Natawa ako at kinurot ang pisngi nito.

"You won't anak, sila rin naman wala pang friends kasi first day pa lang."

"So, i need to say hi to make friends?" Inosenteng tanong nito. Ngumiti ako at tumango.

Natapos yung araw na wala akong problema kay Aera dahil masyado itong bibo at makulit. Ang sabi ni Mrs. Aram masyadong matalino daw si Aera para sa dead nya.

"Lolo look! I got all the perfect score!" Twang tuwa na pinakita nito kay papa ang mga gawa nila kanina. 100 yung score nya dahil nagandahan ang teacher nito sa gawa nya.

"Wow so brilliant! Sino nagdraw nito? Malakas na nag- Me! si Aera na ikinatingin ni papa sa akin.

"W-wow..." di makapaniwalang sabi ni papa at tumingin ulit sa akin. Ganun ba ako kabusy at seryoso sa trabaho na ngayon ko lang nalaman na magaling sa arts ang anak ko.

"Engineer ba yung tatay ng apo ko?" Pagbibiro ni papa. Para akong nanlamig at di nakagalaw sa pwesto ko. Kahit kailan hindi binanggit ni papa yung tungkol sa tatay ng anak ko. Hindi ito nagtanong kailanman.

"P-pa...."

"Technician ako, pagluluto yung kurso mo noon. Wala sa lahi natin ang magaling magdrawing. Ang alam ko lang yung stick stick na tao eh." Pagbibiro ulit nito. Hindi ako nakaimik at napatitig lamang ako kay papa.

"Biro lang anak, matulog kana may trabaho ka pa bukas." Sabi nito at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kwarto. Nanghihinang napaupo ako sa kama at napatingin sa anak ko na kanina pa natutulog. Hindi ko alam pero never rin syang nagtanong tungkol sa papa nya.

Hindi ako nakatulog kaya medyo hagard ako ng makarating sa trabaho.

"Hi Im Alina ako yung ga-guide sayo ngayon." Napanatag ako ng mabait si Alina at hindi masyadong strict.

"Basta yung tatandaan mo talaga yung mga plates at baso, mamahalin silang lahat kulang na kulang yung sweldo natin sa isang baso lang. Wag mong alalahanin yung mga masungit na customer hindi sila tinotolerate ng may ari dito. Kapag may problema tawagin mo lang agad ako, okay?" Napatango ako. Hindi naman na problema sa akin ang trabahong to. Ang pagkakaiba lang restaurant to ng mayayaman. Hindi ko ata afford kahit isang tinapay man lang.

So far wala namang naging problema sa unang araw ko, pwera na lang sa mga lalaking hinihingi ang number ko. Pinagtitinginan ako ng kasama ko at pinag uusapan pero dedma lang ako.

8 na nang gabi ng matapos yung shift ko. Dumaan pa ako sa dunkin donut para bilhan anak ko. Pagkain palagi ang hanap nun kapag umuuwi ako.

"Mama!" Kumislap ang mga mata nito ng makita ang dala ko. Agad itong tumakbo sa akin at niyakap ako bago kunin ang pagkain sa kamay ko.

"Where's your lolo?" Tanong ko dito na di rin ako pinansim dahil busy ito sa donut nya. Kumatok ako sa kwarto ni papa.

"Aera wag makulit may ginagawa si lolo." Rinig kong sabi nito mula sa loob. Binuksan ko yung pintuan na kinalingon ni papa.

"Oh anak ikaw pala, kamusta trabaho?" Tanong nito at bumalik ulit sa pagtatrabaho. Lumapit ako rito at nakitang may inaayos itong laptop.

"Saan galing yan, pa?" Tanong ko

"Ah bumili ng bagong laptop yung amo namin. Hiningi ko ito kasi itatapon na rin naman nya. Hay naku mga mayayaman nga naman, hindi pa naman masyadong sira to konting ayos lang magagamit na ulit." Napatango ako at nagpaalam ng umalis para hindi ito maistorbo sa ginagawa nito.

"Anak kumain ba kayo ng hapunan ni papa?" Tanong ko at umupo sa tabi nito. Tumango ito habang nanonood ng tv habang kumakain. Inayos ko yung buhok ito at tinalian.

"How's school anak?" Tanong ko ulit.

"Boring...." Nakairap nitong sabi at sumimangot. Napakunot noo ako at pinaharap ito sa akin.

"Nagcolor lang po kami eh and then we sing some idiotic songs." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at mahinang tinampal ang bibig nito.

"Baby where did you learn that word?" Strikto kong tanong.

"Is it a bad word? I just heard lang naman po sa DADDY ng classmate ko. He said na mukha po kaming idiots while singing and dancing and i agree! I saw my classmates dancing like this, like a monkey. It looks ugly!" Maarteng sabi nito. Napatampal ako ng noo dahil di ko alam kung saan nagmana ito.

"Anak its a bad word don't say it again okay?" Tumango ito at bumalik na ulit sa panonood ng tv.

10 na ng makatulog si Aera kaya hirap gisingin nito kinabukasan. Late na ito ng makapasok ng school at sobrang late na rin ako sa trabaho.

"Shocks sana di ako mapagalitan." Kinakabahan kong sambit habang papalapit sa restaurant. Papasok pa lang ako sa loob ng marinig ang sigawan sa loob. Binati ako ng guard ng pumasok ako.

Napatigil ako sa paglalakad ng saktong pagsampal ng lalaki sa babae. Wait.... HIRA?

Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mata ko. A-anong.......

Nanginginig nitong hinawakan ang pisngi nito at napaiyak.

"Oh my god." Bulong ko ng makita yung mukha ng lalaki.

"Rius...."sambit ko sa pangalan nito. Damn! Boyfriend sya noon ni Ashna or sila pa rin ba ngayon? Sabay na napatingin ang mga ito sa akin.

"Z-zertyl?"

5,0

Read Now

Favorite