
13.2K
Views
7
Chapters
Ratings
"Kiss! Kiss! Kiss!" Hindi ko mapigilan ang paikutin ang mata dahil sa hiyawan ng mga bisita. Lalo pa akong nairita sa tunog ng mga goblet na pinapalo gamit ang utensils. Dumaan sa harap ko ang isang waiter. Kumuha ako mula sa dala nitong tray ng isang glass ng Negroni, a cocktail drink. I took a sip from my drink, at natikman ko agad ang pinaghalong sarap ng vermouth rosso, campari at gin.
"Whooo!!" hiyawan ng mga bisita nang paunlakan ng newly weds ang request ng mga ito na kiss.
Nagtangis ang bagang ko at mahigpit ang hawak sa baso ng negroni. It was such a vexing scene! Masyadong masakit sa mata lalo na sa puso ko. Bakit ba kasi nagpunta pa ako sa kasalan na ito? Dahil sa inis, inisang inom ko ang natirang laman ng aking baso, nang may dumaan muli na waiter kumuha ulit ako ng panibagong serve ng alak. Hindi ko na alam kung pang ilan ko na itong baso.
"Hindi kaya malasing ka n'yan?" Tumaas ang kilay ko sa narinig. Hinarap ko ang lalaking nagsalita sa aking likod.
"So?" suplada kong sagot dito.
"It’s not nice to get drunk at your friend's wedding reception. You might— "
"Might what?" Tinuwid ko ang tayo at pinag-cross ang mga braso sa dibdib. "That I might sour this joyous occasion?" I tsked, and sip on my drink before speaking again, "that's ridiculous. I'm not crazy to do anything stupid."
"Will you ever know if you're drunk and out of yourself?" Masama ang tingin na ibinato ko sa kanya. Bakit ba pakialamero ang lalaking ito? Yes, I understand that he is friends with the groom or the bride. Pero 'di ibig sabihin pwede na siyang makialam sa buhay ko. He's also familiar to me; I had a feeling I met him somewhere before, but I'm not sure where.
"Huwag mo akong pakialaman. Maghanap ka ng ibang abalahin mo. You're wasting my time," taboy ko sa kanya pero sa halip na umalis, inagaw nito mula sa kamay ko ang hawak kong cocktail drink.
"Ano ba!" I barked. Inagaw pabalik ang inumin ngunit inilayo lang nito ang baso sa akin. "Ano bang problema mong stupido ka?!"
"Lower your voice!" pabulong niyang saway sa akin at tumingin sa paligid. May iilang bisita ang nakatingin sa amin, dahil marahil sa pagtaas ko ng boses. Nakakainis naman kasi ang lalaking ito, sobrang pakialamero!
"Hindi tataas ang boses ko kung hindi ka pakialamero! Akin na nga 'yan!" Muli kong inagaw ang baso sa kamay niya pero nabigo ako. Itinaas lang ulit nito ang kamay kaya hindi ko magawang abutin ang alak. Nakakainis talaga! Ang tangkad pa naman nito, sa tingin ko nasa 5'11 ang lalaking ito.
"I'll let you drink if you promise to leave this place," aniya at hindi ko mapigilan na ikunot ng noo. "You can get drunk at Casa de Lujuria or anywhere. Basta huwag lang dito sa reception— "
"At sino ka sa akala mo para palayasin ako sa wedding reception ng kaibigan ko? I'm not leaving here, unless Luca himself kicks me out. " Naiirita na talaga ako sa pagmumukha ng lalaking ito. Ano ang karapatan niya para paalisin ako sa party ng kaibigan ko? Ang kapal ng mukha!
"The groom is also a friend of mine, and I don't want his most important night to be ruined by a girl—" Hindi nito tinapos ang gustong sabihin. Lalo tuloy akong nairita sa kanya. Halata naman kasi kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.
"Are you saying na sisirain ko ang wedding reception? Ganun?" Gigil na gigil na talaga ako sa lalaking kaharap, kaunti na lang at dudunggulin ko na ito.
Luminga siya sa paligid, at nang masiguro na walang nakatingin sa amin. Ibinigay nito sa dumaan na waiter ang inumin ko. Hinablot niya ang kamay ko at basta na lang akong hinatak palabas ng ballroom! What the f*ck is the problem with this guy!
***
Natagpuan ko ang sarili na nakaupo sa lounge chair ng rooftop pool ng Seven Sins Luxurious Hotel, ang venue ng wedding. Ang kasama ko naman na lalaki ay nakaupo sa katabing lounge chair. Hindi ko alam kung bakit napunta kami dito. Basta kinaladkad na lang ako nito palabas ng party, at ngayon ay nagkukwentuhan na kami habang nakatingin sa tubig ng rooftop pool.
"He doesn't know? Why? Why didn't you tell him about how you felt?" curious na tanong niya nang inamin ko ang totoong feelings para sa groom. Ang kulet kasi niya at hindi tumigil sa pagtatanong kung bakit naglalasing ako sa wedding ng kaibigan ko.
Malungkot akong ngumiti at nilingon siya. "Telling him is pointless. He already has someone. Anyway, you never told me your name, would you mind?" Kanina pa kasi kami nag-uusap at hindi ko man lang alam ang pangalan niya.
"Wregan Leath," sagot niya titig na titig sa mga mata ko. I just noticed that his eyes are large and rounded, with a double-lid and a monolid. He also has long eyelashes and a well-defined inner corner. It reminds me of a parallelogram.
"What a happy coincidence. I'm comforted by the bride's ex-boyfriend, who also happens to be the groom's best friend. Kaya ka pala pamilyar sa akin. Would you mind telling me why you didn't fight for her?
"I did. Pinaglaban ko pero huli na. I gave her the space that she's been asking me so she could heal from the pain that I've caused. Pero masyado yatang malaki ang binigay kong space kaya may nakasingit na iba sa puso niya." Natatawa nitong sabi.
Naramdaman ko ang hinanakit sa boses ni Wregan, ang pait at sakit. Ang lungkot at pagsisisi. I can clearly see it— he's still into her.
"Baka naman kasi universe ang binigay mo at hindi space," biro ko at bahagya itong natawa pero nahalata ko agad na-offend siya sa sinabi ko. I cleared my throat. "Pasensya na, nagbibiro lang ako," mabilis na binawi ko ang sinabi. Hindi na kasi nagsalita si Wregan at natulala na lang sa artificial wave na humahampas sa artificial shore sa harap namin.
"It's fine. Sa tingin ko naman may point ka sa part na 'yon. I'm too confident and convinced that she won't change heart. Buong akala ko kahit marami ang dumating sa buhay niya, ako lang ang pipiliin niya, pero nagkamali ako." Pareho kaming na tahimik pagkatapos sabihin ni Wregan iyon. Ramdam ko ang regrets niya sa nagawa na pagkakamali. Mali naman talaga ang sobrang confident. Ako nga ay naranasan ito. I was too confident that I could deal with my feelings for him. I was convinced that I can easily handle the pain. But I was certainly wrong, dahil sobra akong nasaktan habang pinapanuod ang taong mahal ko na ikinakasal sa iba.
"Space is bigger than universe you know," mamaya pa ay sabi niya. Nagtaka ako pero agad natawa nang makuha ang ibig niyang sabihin.
"Of course I know that!" napapahiyang tugon ko. Aba! Nagbibiro lang naman ako kanina. Alam ko naman ang kaibahan ng space sa universe. Sira ulo to!
"Gusto mong uminom?"
"Do you want to drink?"
Sabay na tanong naming dalawa sa isa't-isa. Pareho na naman kaming natawa at napailing sa nangyari. This is funny, pareho kaming gustong uminom dahil sa frustration at heartbreak. Ako sa groom, si Wregan naman ay sa bride—nakakatawa talaga.
"Ililibre mo ba 'ko?"
"Sure! Is it okay, kung sa Casa de Lujuria tayo iinom?" nag-aalala na tanong niya sa akin.
"Oo naman, bakit hindi?"
"Well, knowing na your 'in love' with the owner. Baka kasi ayaw mo sa lugar."
"At sino naman ang nagpa-uso n'yan?" Hinampas ko siya sa braso. "I didn't know ma-issue kang tao Wregan Leath. Hindi kami enemy para umiwas ako sa mga lugar na connected sa kanya. Have you forgotten? The groom is my friend."
Tumango-tango siya. "Yeah, yeah… Friend my ass," biro niya kaya hinampas ko na naman niya sa braso. "Hey! I didn't know na mapanakit ka, Miss Doukas."
"Anong mapanakit ka d'yan!" Hinampas ko siyang muli.
"There, there… Sinaktan mo na naman ako!" Umakto siyang napuruhan pero tumawa lang ako at muli siyang hinampas.
Hindi ko inakala na jolly at funny pala kausap ang isang Wregan Leath. I'm aware of his existence. Paanong hindi, nasa isang industry lang kami. Bukod doon, Wregan is one of the elite models. Isa ito sa highest paid model sa buong mundo kaya kilala ko ito, well not personally, but I verily knows him. Lasing lang marahil talaga ako kanina na hindi ko siya agad na recognize.
Katulad ng napagkasunduan. Nag-inuman kami sa nightclub na pag-aari ng groom— ang kaibigan ni Wregan at lalaking mahal ko. We are enjoying each other's company; joking around, laughing together and having so much fun talking about our career and stuff. That is why I was so clueless, when and how I ended up naked in bed, kissing Wregan as our body danced in rhyme aiming a bliss of pleasure, and when I finally let go of the heat, I was hit by my senses. I jumped out of the bed, dressed myself, and ran away. But before I could leave the room, I heard Wregan call out my name.
"Petunia, wait!!"
Read Now
Favorite