
812.8K
Views
15
Chapters
Ratings
Sa kahariang tinatawag Nahuna, nakatira rito ang magandang prinsesa. Siya ay mabait, may mabuting kalooban, maawain, mapagbigay, matulungin at masayahin.
Ang pangalan niya ay si prinsesa Amerenda. Mahaba at medyo kulot ang buhok niya, maamo ang mukha, sing pula ng mga rosas ang labi niya, matangos ang ilong at mahahaba ang mga pilikmata.
Maraming humanga sa kanya pati mga prinsipeng nakakakilala sa kanya ay labis ang paghanga sa kanya, isang prinsesang hindi lang maganda may mabuti pang kalooban at iyan ang higit nagpapaganda sa kanya.
Ginagalang at mahal siya ng mga taong nasasakupan ng kaharian pati ang mga magulang niya. Limang kaharian ang sakop ng lupaing pinamumunuan nina haring Landon at reyna Siwas. Magaling at mabuti silang pinuno at marami na silang natulungan.
Sa araw na ito darating ang Hari at Reyna. Pinuntahan ng taga-silbi ang Prinsesa sa silid niya.
"Prinsesa.. Prinsesa.. gising na po. Ngayon po darating ang mahal na Hari at Reyna."
"Oo susunod na ako." kahit inaantok pa ay pinilit niyang bumangon para maghanda sa pagdating ng mga magulang niya.
Limang araw din hindi niya nakasama ang ama at ina kaya sabik na sabik siya sa pagdating nila.
Sumilip sa bintana ang Prinsesa at nakita niyang papasok na ang ama at ina sa loob ng kaharian kaya nagmamadaling naglakad palabas at sinalubong at agad niyakap.
"Masaya po ako sa pagbabalik niyo. Ama, Ina!"
Pareho silang nakangiti at masayang masaya,"Kami rin ay masayang makita ka, ang nag iisa naming mahal na prinsesa,"wika ni Reyna Siwas.
"Oo at may dala kaming ikatutuwa mo," sabi sa kaniya ng hari.
"Ano po iyon?!" sabik malaman ng prinsesa.
Binigay ng Hari ang dalang malaking nakabalot, inabot niya ito sa prinsesa at natuwa siya ng makita ang laman nito.
"Maraming salamat po!"/niyakap niya ang amang Hari at inang Reyna.
Ang pasalubong sa kaniya, isang paborito niyang damit.
Sa katunayan, ang ganitong uri ng damit ay bibihira lamang kaya pareho silang natuwa.
Ang damit na ito ay susuutin ng prinsesa sa gugunitaing malaking pigeng bukas dahil kaarawan ng mahal na Reyna.
Napansin ng prinsesa na may kasama sila.
"Ama, Ina may kasama pala kayo?"
Pinalapit ng Reyna ang babaeng kasama nila.
"Ah, siya pala si Marla, habang pauwi kami rito ay nakita namin siya sa daan, may mga sugat siya at may mga pasa sa katawan. Naawa kami ng iyong ama kaya dinala namin siya rito para magamot at para rin mawala ang takot niya sa mga gumawa sa kaniya iyan," kuwento ng inang reyna.
"Oo, prinsesa. Sa katunayan, pinahanap ko na ang mga walang pusong nanakit sa babaeng ito," wika ng hari.
"Kawawa naman siya. Sige, dito ka muna habang nagpapagaling ka o kung gusto mo dito ka nalang para may kausap ako na kasing edad ko?" ngumiti sa kanya si Marla at buong puso nagpasalamat sa kanila.
Lumapit sa kanya ang Prinsesa,
"Wag kang mahiya. Unang kaibigan kita na kasing edad ko kaya makipagkausap ka sa akin bilang kaibigan, huwag kang mahiya.
Isa kang espesyal na panauhin dito. Kahit gumaling na mga pasa mo maaari ka pa rin tumira sa kaharian. Ikaw ang magiging tagapangalaga ko at kaibigan ko," tuwang sabi niya sa babae.
"Maraming salamat po, sa mainit na pagtanggap niyo sa akin lalo na sayo Prinsesa, sobrang bait niyo po!" Iyak na pasasalamat ni Marla sa kabutihan nila. Ngumiti sa kaniya ang Prinsesa pati na ang amang hari at inang reyna.
"Hali na kayo sa loob!" Anyaya sa kanila ng Reyna.
Ang araw na ito ay walang pinagkaiba sa simpleng handaan, nakahain sa lamesa ang marami at ibat ibang masasarap na pagkain.
"Magpakabusog ka Marla, kumain ka ng marami. Ituring mong parang tahanan mo na rin ang kahariang ito," wika ng Hari habang kinukuha ang ulam.
"Oo nga Marla, kuhain mo ang mga gusto mong kainin," nakangiting wika ng Prinsesa.
"Maraming salamat po talaga!"
Masaya ang Reyna dahil magkasundo ang dalawa.
Parang hindi alam ni Marla kung alin ang uunahing tikman dahil lahat ng nakahanda ay masasarap.
Sa tingin niya pa lang sa mga pagkain ay nabubusog na ang tiyan niya.
Inalis niya ang hiya, kumain siya ng marami. Nagpakabusog siya.
Dinala ni Prinsesa Amerenda si Marla sa magiging silid niya at binigyan din siya mga magagandang kasuutan.
"Sobra-sobra na po ito at hindi ko po alam paano ko sa inyo ipaparating ang lubos kong pasasalamat!" nakayuko niyang pagsasalita.
"Espesyal na panauhin ka rito at sinabi rin ni Ina iniligtas mo siya, ibinalik lang namin ang kabutihang ginawa mo."
"Ayos na po sa akin Prinsesa ang pasasalamat niyo pero ang ganito parang hindi ko po matatanggap.
Hindi po ako nararapat sa ganitong ayos lalo na tumira sa kaharian, hindi po ako maharlika, isa lamang akong tagasilbi na dating pulubi,
nakakapanibago po mahal na Prinsesa!"
"Kaya simula ngayon, Marla masanay ka na, bahagi ka na ng pamilya namin. Dito ka na rin titira at higit sa lahat hindi ka na tagasilbi," sobrang galak ang dalaga sa sinabi ng prinsesa. Niyakap niya ito at paulitulit nagpasalamat.
"Alam mo ba gustong gusto ko magkaroon ng kapatid. Sa tingin ko, ikaw na yung pinadala ng itaas, sinadya ng kapalaran na magkita kayo ni Ina at ama at mapunta ka rito."
Ngumiti si Marla sa sinabi ng Princesa, "Masaya rin ako na maging bahagi ng pamilya ninyo, sobrang saya ko! Maraming maraming salamat sa masayang pagtanggap niyo sa akin!"
Pinabatid ng Amang hari at Inang reyna sa buong kaharian at nasasakupan ang pagiging bahagi ng pamilya ni Marla. Kung paano sila igalang ganun din sa kaniya.
Simula ng araw na iyon umiba ang takbo ng kapalaran ng dating pulubi na tagasilbi, parang kapantay niya na ang prinsesa.
Laging magkasama ang dalawa, hindi mapaghihiwalay. Masayang nagkukwentuhan habang naglalakad ang dalawa.
At bago matulog kinukwentuhan sila ng inang Reyna kahit matatanda na sila.
Sobrang galang ni Marla sa amang hari at onang reyna kaya natutuwa sila sa kanya.
Nakapagsoot si Marla ng magagandang iba't ibang damit. Nakakain ng iba't ibang masasarap na pagkain. Nakakainom ng iba't ibang uri ng maharlikang inumin at nakahiga sa komportable at malambot na higaan.
Dati pangarap lamang niya ang ganitong buhay. Isang pangarap na naging totoo.
Sa gabi ng kaarawan ng mahal na reyna naroon ang mahahalagang panauhin galing pa sa iba't ibang kaharian.
Tumayo ang Inang reyna,"Lubos akong nagpapasalamat sa pagdalo niyo sa kaarawan ko. Hindi ko na pahabain 'tong sasabihin ko, kumain at uminom kayo!!!" Masagabong palakpakan galing sa mga panauhin. Binati siya ng lahat.
"Magsaya tayo ngayong araw na ito!!! "dagdag ng hari.
Soot ng Prinsesa Amerenda ang niregalong damit sa kaniya. Maganda rin ang damit na soot soot ni Marla.
Lumapit sila sa malaking lamesa kung saan nakaupo ang amang hari at Inang reyna.
"Ang gaganda niyo mga mumunting anghel!" wika ng reyna.
Lumapit sa kanila ang hari at niyakap sila. Tumingin ang Hari kay Marla," Lalong sumaya ang kahariang ito sa pagdating mo Marla, natutuwa ako dahil may kakwentuhan ang Prinsesa at maayos din ang pakikitungo niyo sa isa't isa!"
"Maligayang kaarawan po!" sabay nagsalita ang dalawa.
"Maligayang kaarawan mahal ko!" sabi sa kaniya ng amang hari.
"Maraming salamat sa inyo, kayo ang kayamanan ko!" Luhang wika ng Reyna.
Umupo na sila sa lamesa at nagkuwentuhan.
Maya-maya dumating ang reyna Entrea ng kahariang Ramas at kasama ang pamangkin na si Prinsipe Waru.
Read Now
Favorite