The Lost Memory Of A Mafia

Status: OnGoing
The Lost Memory Of A Mafia

960.2K

Views

7

Chapters

1.0

Ratings

Gaano man kahirap ang danasin niyo, ipaglayo man kayo ng panahon, kapag kayo talaga. Ang tadhana na mismo ang pilit na maglalapit sa inyo pabalik.

Summary

Gaano man kahirap ang danasin niyo, ipaglayo man kayo ng panahon, kapag kayo talaga. Ang tadhana na mismo ang pilit na maglalapit sa inyo pabalik.

Chapter: One

"Ohayōgozaimasu." Bati ko kay dad sabay halik sa pisngi niya.

"Gising kana pala where's Kimiko." Tanong ni Dad, pagkatapos ay naupo na ako sa tabi niya at inayos ang plato ko na wala pang laman.

"Susunod na po yun, saka kanina pa talaga ako gising, dahil sa pangbubulabog ni Kimiko sa kwarto ko.'' Pagsusumbong ko kay dad, kaya natawa nalang siya at nilagyan ng ham at kanin ang plato ko."Hindi ka pa ba nasasanay dyan sa kapatid mong yan?''

I rolled my eyes dahil sa inis ko pero itong si dad panay tawa lang dito sa harapan ko. "Um... Dad sanay na sanay na, kulang na nga lang po sirain ko na yung pinto para labas pasok nalang po siya sa kwarto ko' e."

"Kumusta na nga pala sila Lueha at Hamari?"

"Ayon okay, lang naman ganun parin walang pinag-bago." Sabay subo ko ng ham at inom ng aking juice sa baso.

"Ohayōgozaimasu dad."Nakangising wika naman ni Kimiko sabay halik din sa pisngi ni dad at naupo sa tabi ko.

"Sige na kumain na mona tayo, dahil may mahalaga akong sasabihin sa inyong dalawa, pagkatapos nating kumain." Biglang sumeryoso ang mukha ni Dad pati narin ang boses nito kaya seryoso kaming nagkatinginan ni Kimiko.

"Ano po yun dad?"

"Sabi ko pagkatapos nating kumain, excited lang Kimiko?"

"Ayy, sabi ko nga po pagkatapos nating kumain.''

"Okay hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I want you to go to the Philippines to study at Haruko University. Para alamin nyo kung bakit halos lahat nalang ng Mafia na kasamahan natin ay bigla nalang nawawala. Kailangan niyo rin ang mag matyag, marami na rin naman kayong natutunan sa pakikipaglaban at alam nyo narin kung paano gumamit ng kahit na anong armas.

Akane pov...

Alam kong hindi lang yan ang dahilan at alam kong may malalim pa siyang dahilan kung bakit gusto niya kaming bumalik ng Pilipinas, dahil alam kong nagsisimula na namang umatake ang isang malaking organization na kalaban namin sa Mafia, kahit hindi pa ito sabihin ni dad samin. Ay, alam kona,

End of pov...

"Pero Dad!"

"Wala ng pero, pero Kimiko."Seryoso na nga talaga siya sa desisyon niyang pabalikin kami ng Pilipinas, kung sa bagay na miss kuna rin naman makipag away na kasama si Akane.

"Paano ka dito Dad?"

"I can handle myself Akane, don't worry about me, marami din akong taohan na magbabantay sa akin," Dad said then drink his wine.

Walang gana akong naupo dito sa malaking sofa at humarap kay dad. ''Kahit na dad, mas okay pa rin kapag nandito kaming dalawa kasi masisiguro talaga namin ang safety mo, kapag kasama mo kami dito.''Dad train me and Kimiko dahil sa nangyaring pag ambush ng mga kalaban namin sa Mafia no'n. And now leaving him alone here is a big NO NO for me. I cannot risk dad's life just because of solving problems about our Mafia colleagues.

Biglang tumayo si dad sa kanyang swivel chair para lapitan si Akane and right now dad kneeled in front of her just to convince her, us." Please Akane, you need to go, I'm begging you and Kimiko."Napailing-iling nalang ako ng makita ko ang pagtango ng kapatid ko bilang pagsangayon nito sa sinabi ng ama namin. Tsk! mabuti na rin yun kasi kahit ilang beses pa naming sabihin na hindi kami babalik ng Pilipinas, ay pipilitin at pipilitin niya parin talaga kami. Ang hirap kaya walang pagpipilian.

"And one more favour... You need to wear nerdy attire." Halos nanglaki yung singkit na mga mata ni Kimiko dahil sa gulat niya, ng sabihin ni Dad yun. Yan pa naman ang pinaka ayaw niyang gawin, kilala niyo naman ang kapatid ko, ang gustong suotin is yung mga nauuso ngayon.

"Wait... Wait what?!"

"You heard me right Kimiko."

"But what about my clothes that I like to wear dad? how can you let me wear nerdy clothes in Haruko." Napasandal nalang itong si Kimiko sa upuan at pilit na sini sync in sa isipan niya ang lahat ng mga sinabi ni Dad.

"Okay, mamili ka maging isang nerd or kukunin ko lahat ng credits cards mo pati narin ang lahat ng kotse mo."

"Wala naman pong ganyanan Dad, alam mo naman na papayag ako diba Akane?" Paawa effect face ni Kimiko habang naghihintay ng kung anong isasagot ko dinamay pa talaga ako ng kapatid kong brat, kaya tumango nalang din ako at nagsabi ng oo kay dad, mahal na mahal kasi ng babaeng yan lahat ng sasakyan nya kaya ayaw niya itong mawala sa kanya.

Kaagad namang lumawak ang ngiti ng kapatid kong brat pagkatapos kong sabihin yun, sabay kain din ng kanyang hakdog, akala ko ba tapos ng kumain ang isang ito? At talagang nag bring house pa dito sa loob ng office ni dad. Napasinghap nalang ako, Kimiko nga naman..."See dad I told you.''

"Sige na pumasok na kayo sa kwarto nyo at mag impake na kayo, maaga ang flight niyo bukas, wag nyo akong bibigoin tatawagan ko nalang yung driver, para masundo niya kayo sa airport bukas pati na rin yung mga maids para naman mapaghandaan nilang lahat ang pagdating nyo sa mansion."

"Okay, po." Sabay na sabi naming dalawa ni Akane.

"Akane are you ready for tomorrow?"

Tipid akong ngumiti kay Dad. "Oo naman po Dad."

After 5 hours...

Matutulog na sana ako ng biglang may kumatok sa labas ng kwarto ko. "Daa-d? Pasok po kayo."

Dad sighed with his sad-looking face." Akane."

"Ano po yun Dad?"Takang tanong ko sa kanya at umayos rin ako ng upo sa higaan ko.

"I know it's hard but, it's been five years anak, it's about time for you to move on and free yourself to love again and enjoy your life.

Hinawakan ko yung kamay ni Dad to make him feel that I'm okay and I'm not ready yet to let go of him. "I know dad, pero mahirap parin talaga sa akin ang kalimutan siya ng tuluyan.''

"But you must, alam kong mahirap pero kailangan mo itong gawin para sa ikakasaya mo. And I'm also sorry for putting you on this mission.''

"It's okay dad, naiintindihan ko po kayo."

Dad kisses my forehead how I wish that Mom is still here.

''Thanks, mahal na mahal ko kayong dalawa ng kapatid mo, yan ang lagi mong tatandaan.

"Mahal na mahal din po namin kayo."

"Sige maiwan na kita para naman makatulog kana."

Tama nga naman si dad, limang taon narin kasi ang lumipas simula ng mawala si Riffin, kaya siguro panahon na rin para makalimutan ko na siya. Simula kasi ng mawala siya'y nagpakalayo-layo na ako kasama ang pamilya ko, kung nandito lang siya ngayon I'm sure masaya sana kaming dalawa ngayon.

The Past...

"Riffffi--innn!" Sigaw ko ng makita ko si Riffin na nakahandusay sa sahig.

"Ohhhh Nooooo help! Please help us!"

"Run Akane! you need to save yourself."

"P-pero pano ka?"

"Iwanan mo na ako dito, iligtas mo yung sarili mo please."

"No no no! Hindi... Mahal kita ayaw kung iwan ka lang dito."

"Please save yourself Akane, go!"

End of the past...

Ohayōgozaimasu Akane, gising na dyan umaga na oh."

"Inaantok pa ako Kimiko."Sabay talukbong ko ng aking unan.

"Do you remember kung anong sinabi ni dad satin kahapon?" Halos mapatalon ako sa kama ko ng maalala ko yung napag-usapan namin ni dad kagabi.

"Hala! Oo nga pala muntik konang makalimutan, I'm sorry." Hinging paumanhin ko sa kanya at kaagad na kinuha yung towel ko na nakasabit sa cabinet at kumuha narin ako ng toothpaste nakita ko kasi na ubos na yung akin.

"Sge bilis na and take a shower, mabuti nalang talaga pinuntahan kita dito, dahil kung hindi, I'm sure ipapabuhat ka ni dad sa akin at sa mga guards niya papuntang airport."Nagpipigil tawang sabi ni Kimiko kaya halos mapawang ang mga ngiti ko sa labi.

"Wow! nahiya naman ako sayo, ikaw nga dyan e' kapag nalalasing binubuhat pa kita pauwi ng bahay tapos mag gaganyan ka."Pangaasar ko sa kanya.

"Grabi naman, totohanan na yang sayo, binibiro nga lang kita e." Dahil sa inis ni Kimiko ay nag walkout ito at malakas na isinara ang pinto ng kwarto ko. Aba! aba! at talagang sisirain pa ng babaeng yun itong pinto ko.

"Well, don ka magbiro sa taong gising, wag lang sa taong bagong gising."Sigaw ko pero alam kong hindi niya na ito narinig.

"Mag-ingat kayong dalawa dun, wag kayong magpapahalata sa mga kinikilos niyo, tatawagan ko nalang kayo at Akane ako nang bahala kay Gri."

"Okay po dad, please take care of him,"Hindi na ako nagpaalam kay Gri, baka kasi magising ko lang ang mahimbing nitong tulog at baka iyan pa ang maging dahilan para hindi ako makaalis ngayon.

"Akane."Mahinang tapik ni Kimiko sa balikat ko.

"Ano yun Kimiko?"

"Kaya muna bang balikan ang lugar na yun, at humarap sa kanilang lahat?''Seryosong naitanong nito habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Kaagad din naman akong humarap sa kanya.

"Oo naman, ako pa!" Sagot ko sabay ayos ng seatbelt niya at ng kanyang buhok na nakaharang ngayon sa kanyang mukha dahil sa pagmamadali niya kanina.

Bigla akong niyakap ni Kimiko at di ko namalayan na may luha na palang tumulo sa mga mata ko, na pinunasan naman nito kaagad.

"Mabuti naman kung ganun, siguro panahon narin naman, alam kong mahirap kalimutan ang nangyari sa inyong dalawa ni kuya noon, but still you need to let go of him wag mong kakalimutan na nandito lang kami ni dad para sayo at ng mga pinsan natin."

After 3 hours of flight, they arrive in the Philippines

1,0

Read Now

Favorite