The Lines Between Us

Status: Completed
The Lines Between Us

222.4K

Views

31

Chapters

2.0

Ratings

Naniniwala si Cordelia o Lia na kapag magpapakasal ka, dapat gawin mo iyon kasama ang taong mahal mo at minamahal ka pabalik.

Pero paano naman kung sa tingin mo ang taong papakasalan mo ay hindi ka kailanman mamahalin?

Handa ka bang kalimutan ang paniniwala mo para sa taong iyon?

Handaa ka ba sa mga linyang ilalagay niya sa pagitan ninyong dalawa?

Summary

Naniniwala si Cordelia o Lia na kapag magpapakasal ka, dapat gawin mo iyon kasama ang taong mahal mo at minamahal ka pabalik.

Pero paano naman kung sa tingin mo ang taong papakasalan mo ay hindi ka kailanman mamahalin?

Handa ka bang kalimutan ang paniniwala mo para sa taong iyon?

Handaa ka ba sa mga linyang ilalagay niya sa pagitan ninyong dalawa?

PROLOGUE

Nasa highschool ako noong namatay sila mama at papa dahil sa isang car accident, at simula noon nagbago na ang lahat sa buhay ko. Kung kani-kaninong kamag-anak ako napunta, samantalang ang mga kapatid ko noon ay nasa college na kaya nagsarili na sila, kay tita Marie lang ako tumagal na stay.

Mabait si tita, single pa sya noong napunta ako sa kanya kaya ayos lang sa kanya na sa kanya ako napunta. Pero hindi nagtagal ay nagkaroon na rin sya ng boyfriend na Amerikano at kinalaunan ay nagpakasal na sila.

Unang kasal na napuntahan ko noong bata ako ay yung kasal ni tita Marie. Tandang-tanda ko pa kung gaano kaganda at kakinang ng kasal na iyon. Bukod pa roon, ang saya kasi ng idea na ikakasal ka sa taong mahal mo, sobrang magical. Kaya simula noon, pinangarap ko na ring ikasal sa taong mahal ko...

"Tara na Lia, ikaw na papasok." Nakangiting sinabi sa akin ni Aster.

"Eto na yun, ikakasal ka na sa kanya." sabi ni Stella habang naiiyak na nakatingin sa mata ko.

Tama, ikakasal na ako. HIndi ko pa rin napoproseso dahil halos buong buhay ko ay nasanay naman ako na mag-isa, dahil matapos ikasal si tita Marie ay iniwan na rin nya ako. First year college na rin naman ako nung ikasal si tita Marie kaya simula noon, natuto na akong kumayod para mabuhay at mapag-aral ang sarili ko.

Kaya siguro kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako sa taong highschool pa lang ay mahal ko na, dahil kahit ako noon ay hindi ko naisip na magkakaroon pa ako ng oras na makaramdam ng pagmamahal para sa isang tao.

Si Sky, bagong lipat sya na estudyante sa school namin noong second year kami. Alam na agad ng lahat na bakla si Sky dahil lantaran nya iyong sinabi kaya ang daming babae ang gumuho ang mundo noon. Paano ba naman kasi, sobrang gwapo rin kasi ni Sky tapos matangkad pa, matalino, tapos palakaibigan pa kaya tiyak naman na kahit sino ay magugustuhan at mahuhulog sa kanya kaso wala hindi talaga ubra. Hindi naman ako katulad nila, hindi naman ako kaagad nagkagusto sa kanya, siguro na rin dahil hindi pa ako nakakamove on sa pagkawala nila mama at papa. Pero hindi nagtagal ay parang nakikita ko na rin ang nakikita ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Lagi nya akong nginingitian noon kapag nakakasalubong ko sya, ewan ko ba pero unti-unti nahulog na rin ako. Ang bait nya rin kasi, one time nahuli ko sya na nagpapakain ng mga kuting, tapos nagtatapon sya ng basura sa tamang basurahan, tapos ang hilig nya pang tumulong. Pero ang hindi ko talaga makakalimutan ay yung noong natagusan ako habang nasa canteen ako, pinahiram nya sa akin ang bag nya para takpan yung tagos ko sa likod. Kaya naman simula noon, kahit hindi nya hiniling, never na talaga ako magkakagusto sa iba, sya lang talaga...

"I pledge to honor you, love you, and cherish you as my husband today and every day..."

Kahit alam ko na wala akong chance sa kanya, na never nya naman ako magugustuhan, mamahalin ko pa rin sya... kahit patago, hindi naman nya kasi kailangang malaman, dahil hindi naman ako nag-eexpect noon, masaya na ako na nakikita ko sya at nakakausap paminsan-minsan.

Pero ewan ko ba ngayon, sanay naman akong mag-isa pero noong tinanong nya ako kung gusto ko ba magpakasal ay pumayag agad ako, kahit na alam ko ang dahilan bakit nya nasabi iyon. HIndi ko rin alam kung bakit bigla akong natakot sa mag-isa at parang nagustuhan ko ag idea na makasama siya, kaya kahit alam ko na baka masaktan lang ako sa huli, pumayag pa rin ako.

"Eto nga pala yung kontrata natin, na-sign ko na yan ikaw na lang kulang, pero kahit bukas mo na lang ng morning ibigay sa akin."

Masakit para sa akin na hanggang dito lang kami, isang kontrata. Pero aong gagawin ko? gusto ko rin naman na maramdaman na piliin ng isang tao at manatili sa isang lugar na belong ako, yung hindi lang panandalian. Kahit na sabihin na kontrata lang naman at wala akong matatanggap na pagmamahal sa kanya, mas pipiliin ko na ito kaysa mag-isa.

Masaya ako at tanggap ko na wala akong lugar sa puso nya, alam ko yun dahil na rin sa mga linya na pilit nyang inilalagay sa pagitan naming dalawa...

Mga linyang hindi ko alam kung kaya ko bang tawirin.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual people, living or dead, or actual events is purely coincidental.

2,0

Read Now

Favorite