553.6K
Views
11
Chapters
Ratings
Sa isang maliit na karinderya ay may iilan na kumakain dahil hindi pa naman oras ng tanghalian ng oras na 'yon. Pumasok ang isang babae na naka-itim na hoodie, ripped jeans at rubber shoes tahimik lang itong pumunta kung nasaan ang kaldero na may laman na mga ulam. Pagkatapos ay umupo na ito sa isang sulok at muling inilagay ang hood ng jacket niya sa kanyang ulo at nilagay ang kamay sa bulsa nito.
Habang hinihintay kong ilagay ng tauhan ng karinderya ang mga pinili kong mga ulam at kanin ay napagawi ang tingin ko sa isang lalaki at sa mismong tindera na mukhang hindi maganda ang pag-uusap ng mga ito.
"Anong hindi pa ako nagbabayad. Inabot ko na kanina ng pumupili ako ng kakainin ko!" may kalakasan na sigaw ng lalaki.
Mahinahon naman na sinagot ito ng tindera. "Hindi po kami kumukuha ng bayad hanggang hindi pa po tapos ang costumer na kumain, pagkatapos lang kumain ng costumer saka lang po namin kukuhanin ang bayad. Kaya paano niyo po nasabing binigay niyo na?"
"Ah basta binigay ko na 'yong bayad kanina, masyado kasi kayong madaldal kaya hindi niyo napansin!"
"Mayroon po kaming ibang kasama rito at sila po ang tumitingin kung sino ang nagbayad o hindi nagbayad, kaya kung maaari lang po ibigay niyo na po ang bayad. Tapos naman na po kayong kumain."
Binagsak ng lalaki ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa kaya mas lalong umingay sa puwesto nila, kaya ang ibang costumer ay bahagyang natakot lalo pa't ang laki ng katawan ng lalaki at mukhang lasinggero pa. "Basta sinabi kong nagbayad na ako, nagbayad na ako!"
"Kung ayaw niyo pong magbayad mapipilitin po kaming magreklamo sa police," saad pa rin ng tindera ng mahinahon kahit pa hindi na maganda ang pinapakita ng kausap niya.
Galit itong tumingin sa tindera at akma sanang itataob ang lamesa papunta sa tindera ng may isang kamay ang pumigil rito. "Malaki na ang atraso mo sa hindi pagbabayad ng kinain mo. Tapos maninira ka pa ng pagmamay-ari nila." Ngumisi ako kahit pa hindi masyadong kita ang mukha ko tanging ang mga labi ko lang. "Sumusobra ka naman ata." Tumingala ako at tiningnan ng walang anumang emosyon sa aking mukha ang lalaki.
Pilit inaalis ng lalaki ang kamay ko, pero hindi nito magawa. "Ano bang paki-alam mo, puwede bang huwag kang makisali rito!"
Tumingin ako sa tindera at nakita kong pagod na rin ito, dahil sa madalas kong kumakain rito. Ito rin kasi ang nagluluto ng mga binebenta niya tapos may mga taong matapang pa na hindi magbayad gayong kinain na nila ang pinaghirapan nitong lutuin.
"Magbayad ka na lang ng matapos na," mahinahon kong saad.
Ngumisi ito. "Sadyang mga tanga lang ang mga tindera rito, kaya hindi nila napansin na nagbayad na ako."
"Miss totoo ba yung sinabi niya?" tanong ko sa tindera.
Umiling ito ng ilang beses at makikita sa mukha nito na hindi ito nagsisinungaling. "Hindi, kung ako ang nagkamali hindi na ko makikipag matigasan sa kanya ng ganito."
Lumingon ako muli sa lalaki. "Paano ba 'yan, ikaw pala ang sinungaling rito."
Kumawala ang lalaki sa hawak ko at sinubukan akong itulak nito kaya naman mabilis akong umilag at ito ang sumubsob sa sahig. Tumayo muli ito at sinubukan muli akong patamaan gamit ang kamao, pero kalmadong umiilag lang ako na parang may bagay lang na iniiwasan base sa galaw ko na akala mo naglalaro lang. Sa isang suntok na ipapatama nito sa mukha ko ay agad akong kumilos at pinatamaan ang sikmura ng lalaki ng kamao ko na muntik ng sumuka sa lakas ng pagkakatama. Kinuha ko ang dalawa kong wooden stick mula sa likod ko na nakatago sa loob ng jacket ko na may 2inch lang ang nakalabas.
Itinapat ko ito sa mismong mukha ng lalaki. "Magbabayad ka ba o hindi. Gusto mo atang umuwing lumpo. Sa katawan mo ay kaya mo namang magtrabaho pero andito ka para magsimula ng gulo."
Nakipag-matigasan ito kaya isang hampas sa tuhod nito ang pinakawalan ko kaya agad itong napaluhod. Sa itsura ng lalaki halatang nasaktan ito sa isang malakas na hampas galing pa sa isang babae. "Oo na—magbabayad na ko," sa nahihirapang boses na saad nito.
"Gusto mo pa yung nasasaktan bago ka umamin." Binalik ko ang dalawang wooden stick sa aking likuran.
Tumayo ang lalaki at mabilis na nagbayad sa tindera na mukhang may sukli pa, pero nagmamadali ng umalis ang lalaki. "Okay lang po ba kayo?" tanong ko.
Tumango ang tindera. "Salamat sayo iha, ikaw ayos ka lang ba?"
"Huwag niyo po akong alalahanin kaya ko po ang sarili ko."
Humingi ng pasensya ang tindera sa iilang costumer na kumakain. "Pasensya sa konting gulo, puwede niyo ng ituloy ang pagkain niyo." Bumalik ang mga ito sa lamesa na malapit lang sa kung saan naka-upo ang lalaki kanina.
Tumingin ang tindera sa isang lamesa sa isang gilid. "Puwede ka ng umupo sa puwesto mo. Ipapadala ko na lang ang mga pinili mong kainin. Salamat ulit." Hinawakan muna nito ang kamay ko bago ako umalis at bumalik sa lamesa ko kanina.
Siya si Adira isang gangster at kilala ng lahat sa lugar na 'yon, pero mukhang dayo ang lalaking nakaharap niya kanina kaya walang takot itong sinubukan siyang saktan. Isang gangster na madalang makitaan ng emosyon tanging pagkunot ng noo at pagngisi lang ang pinapakita niya sa ibang tao lalo na sa mismong mga kalaban niya. Sa oras na marinig pa lang ang pangalan niya ay wala ng ibig pang kumalaban sa kanya maliban sa mga baguhan na mga gangster sa lugar nila. Sa sandali na inilabas na niya ang kanyang dalawang wooden stick ay parang nag-iibang tao siya. Pero malaking pala-isipan pa rin kung bakit ganon na lang ang takot ng lahat sa kanya kahit nag-iisa lang siya at isang babae pa.
Ibinaba ng isang tauhan ng karinderya ang pagkain niya. "Salamat," saad ko at nagsimula ng kumain dahil kailangan ko ng makauwi kaagad.
Pagkatapos kumain ay ibinaba ko lang ang bayad sa lamesa at tumingin sa puwesto ng tindera. Nakita ako nito at tumango lang ako bago umalis. Kabisado na ako ng mga ito dahil matagal na akong kumakain sa karinderya nila, kaya sa oras na tumayo ako at tumingin sa puwesto ng tindera ay alam na ng mga ito na ang bayad ko sa kinain ay na sa lamesa.
Naglalakad na ako pauwi at ang mata ay sa dinadaanan lang nakatingin at hindi nakikita ang buong mukha ko dahil sa hoodie kong suot. Habang naglalakad ako ay may isang lalaki ang nagsalita mula sa likuran ko. "Sandali!"
Napahinto ako sa paglalakad. "Alam mo ba kung ano ang nangyayari pag dito ka sa mismong teritoryo ko dumaan?"
"Hindi," sagot ko.
"Hindi na sila nakakauwi ng walang dugo sa katawan." Dinig ko ang bahagya nitong pagtawa.
Umayos ako ng tayo. "Alam mo rin ba ang mangyayari sayo pag hindi mo ako pinadaan sa tinatawag mong teritoryo."
"A ba't ang tapang mo, mukhang dayo ka lang dito hindi mo alam kung sino ang kinaka-usap mo!"
"Mukhang hindi mo rin—." At humarap ako sa lalaki sa likuran ko. "Alam na kaya kong baliin ang buto mo sa katawan ng ilang segundo lang." Sabay ngisi ko dito at sa punto na 'yon bahagyang napa-atras ang lalaki dahil mukhang nakilala nito kung sino ang pinagbantaan niya.
Ngumiti ito ng alanganin. "Ikaw pala. . . 'yan Adira." Makikita rin kung paano nag-iba ang itsura nito kanina na isang matapang, ngayon ay parang maamong tupa.
"Oo ako nga, subukan mo ulit manakot ng magdadaan rito. Kahit saan ka pa pumunta matatagpuan pa rin kita. Kaya pagbilang ko ng tatlo dapat ay wala ka na rito!"
Bubuka pa lang ang bibig ko, pero mabilis na itong tumakbo. Napakunot ang noo ko. "Tsk lalaking tao, pero duwag." Umiling-iling ang ulo ko at nagpatuloy ng maglakad pauwi.
Malapit na ko sa warehouse kung saan doon ako nakatira ng may bumati sa akin habang naglalakad. "Adira saan ka galing?" tanong nito kay Adira at sa itsura nito ay nasa 60 years old na.
"Diyan lang sa malapit, kumain."
"Ganon ba." May kinuha ito na isang sobre sa bulsa ng pantalon. "Bagong kliyente pag-aralan mong mabuti ang problema niya kung gusto mong gawin ang nakasaad diyan sa sobre."
Kinuha ko ito at lumakad na muli, pero itinaas ko ang kaliwang kamay ko na ibig sabihin ay aalis na ako.
Isang iling lang ang ginawa ng lalaki na ang pangalan ay Simon. Ito ang kasama lagi ni Adira sa tuwing may gustong kumuha ng serbisyo nito, ngunit hindi basta-basta ito napapasagot ng oo, dahil may condition ito sa tuwing may gustong kumuha ng serbisyo niya. Kailangan munang magbigay ng detalye ang kliyente sa problema at kung paano ang gagawin ni Adira. Pero pag hindi ito nagustuhan ni Adira ay hindi niya ito tinatanggap kahit pa malaking pera ang offer sa kanya. Hindi porke't isa siyang gangster ay wala na siyang puso pag masyadong brutal ang gustong ipagawa ng kliyente sa isang tao, automatic hindi ang sagot niya at pinupunit niya ang sobreng binibigay ni Simon pag ganon ang gustong mangyari ng kliyente.
Habang pinagmamasdan ni Simon si Adira na naglalakad palayo ay biglang tumunog ang cellphone niya hudyat na may tumatawag at alam niyang kliyente ito dahil mga kliyente lang ni Adira ang tumatawag sa telepno niya madalas. "Hello! Anong misyon ang gusto mong ipagawa?" saad kaagad ni Simon, pero ang kabilang linya ay hindi muna sumagot.
Nagtaka siya at tiningnan muli ang screen ng telepono, pero hindi pa rin naman pinapatay ng caller ang tawag kaya nagsalita siya ulit. "Hello! Kliyente ka ba? Kung hindi ay baka wrong number ka ng tinawagan!" Papatayin na sana ni Simon ang tawag ng nagsalita ang tao sa kabilang linya.
Napakunot ang noo ni Simon sa sinasabi ng caller, nakinig lang siya at hindi muna nagsalita, pero ilang minuto lang ay mukhang may nasabi ang caller kaya napasagot si Simon ng, "Hindi ko sigurado kung tatanggapin niya ang alok mo, pero kung gusto mo talaga siyang maka-usap ay hindi puwede, ako lang ang maaari mong maka-usap at sasabihin ko na lang sa kanya ang gusto mo, pero ang maka-usap siya ay imposible." Napahinto saglit si Simon at napabuntong-hininga sa sinabi ng tao sa kabilang linya. "Okay sige gagawa ako ng paraan. " Pinatay na niya ang tawag at tumingin ulit sa daan kung saan ang direksyon ng pauwi sa bahay ni Adira.
Naka-uwi na ako sa bahay ko na isang warehouse, isa itong lumang warehouse kaya dito na lang ako nagdesisyon na tumira. Isang parte lang naman ng warehouse ang sakop ko dahil sobrang laki. Tama na sa akin ang maliit na space para sa kwarto at lutuan. Mayroon akong matinong bahay na puwedeng uwian, pero hindi ko na kayang tumira pa doon dahil sa kapatid kong laging may sama ng loob sa akin at hindi ko alam kung bakit, kahit pa nabubuhay ang ama at ina namin ay hindi na sila magkasundo gayong iisang dugo lang naman ang dumadaloy sa ugat namin. Hindi ko maisip na baka inggit dahil parehas naman kaming mahal ng magulang namin kaya pala-isipan pa rin sa akin ang lahat. Nang ilang araw na ang nakakalipas na nailibing na ang kanilang mga magulang ay mas lalong lumala ang galit nito sa akin at minsan ay nauuwi pa sa pagkakaroon ko ng mga sugat dahil halos itulak, sabunutan at balak pa ata akong patayin ng mga panahon na 'yon. Marunong naman na akong makipaglaban noon dahil nag-uumpisa na akong turuan ni Simon, pero pinili ko pa ring huwag gumanti dahil mas matanda siya sa akin at kapatid ko pa, kaya umalis na lang ako ng bahay namin at namuhay ng mag-isa. Wala na rin akong balita pa sa kanya dahil simula ng umalis ako ng bahay ay tinuon ko ang oras at isip ko sa pagsasanay pa para maging isang ganap na gangsters at tumanggap ng mga mission na puwede akong kumita ng pera, pero ang misyon na tinatanggap ko ay walang halong paglabag ng batas at tanging mga madadaan pa sa usapan, pero kung kailangan talagang lumaban ay ang dalawang kahoy na laging na sa aking likuran ang gamit ko.
Napailing ako at pilit na kalimutan ang nakaraan na nangyari sa akin at libangin na lang sarili dahil matagal pa ang pagdating ng gabi.
Read Now
Favorite