" Pia, dyosko, nakita din kita. Kanina pa kita hinahanap. Ang kapatid m- " mabilis kong binitawan
ang hawak kong tali ng sitaw ng marinig ko ang sinabi ng kaibigan kong si Ellen. Humarap ako
dito at hinawakan ito sa magkabilang braso nito.
" Si Princess? Anong nangyari sa kanya?" natataranta kong tanong sa kanya. Andito ako
ngayon sa gilid ng palengke at nagtitinda ng mga gulayin samantalang ang kapatid kong si
Princess ay nasa school at nasa ika anim na taon na sa elementarya.
Huminga muna ng malalim si Ellen bago muling nagsalita " nawalan na naman ng malay kaya
dinala ng kanyang mga teachers sa ospital ".
Mabilis kong dinukot ang pera sa suot kong apron at isinuksok ito sa suot kong pantalon at
pagkatapos ay iniabot ang apron sa kaibigan. " mars bahala ka na muna dito hah " bilin ko dito
at hindi ko na ito hinintay pang sumagot. Mabilis akong nagpara ng tricycle at nagpahatid sa
pinakamalapit na ospital dito sa aming lugar.
Pagkababa ng tricycle ay lakad takbo ang aking ginawa hanggang makarating sa nurse station.
Abot ang aking paghinga sa sobra kong pagkataranta at pagtakbo " Miss…miss may pasyente
ba na dinala dito na Princess Aguilar ang pangalan?"" Yes Mam, Rm. 202 po sa 2nd floor." Imporma sa akin ng nakatalagang nurse doon. Mabilis
akong tumalikod at muli akong tumakbo paakyat ng hagdanan upang mabilis makarating sa
taas. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa kwarto kung saan nandun ang
aking kapatid.
" Good Morning Doc " magalang kong bati sa doctor na kasalukuyang nag eexamine kay
Princess.
" Good Morning, kaano ano mo ang pasyente iha?" Tanong nito sa akin pagkatapos lumabas
ang kasama nitong nurse.
" Kapatid po ako, Doc, ano po kaya ang problema sa kapatid ko. Napapadalas po na
nawawalan siya ng malay, nag aalala po ako. " sagot ko sa matandang doctor. Babae ito at
mukhang mabait.
" Halika iha, samahan mo ako sa opisina at doon tayo mag usap. Sa ngayon ay hayaan na
muna natin siyang makapag pahinga.
Tumango ako sa doctor at sumunod dito ng lumabas ito ng kwarto. Muli kaming bumaba sa
unang palapag at pumunta sa opisina nito doon.
" Maupo ka iha. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Your sister has Rheumatic Heart Disease.
" diretsong sagot sa akin ng Doctor. Napakunot noo ako sa aking narinig. Anong ibig niyang
sabihin?
" Doc, ano pong ibig ninyong sabihin?" Nalilito kong tanong sa kanya.
" Nasa lahi nyo ba ang may mga sakit sa puso? If yes, then may possibility na doon nakuha ng
kapatid mo ang kanyang sakit." Paliwanag sa akin ng doctor. Napailing iling ako. Ang tatay ko
ay namatay dahil sa sakit sa puso ganoon din ang kapatid nito. Wag naman sana na pati ang
nag iisa kong kapatid ay ganoon din ang mangyari.
Marami pa itong sinabi sa akin ngunit wala na akong naintindihan pa. Lumabas ako sa opisina
ng doctor na lutang ang isip at parang nawawala sa sarili. Dumiretso ako sa chapel ng ospital at
doon ay tahimik akong umiyak. Dalawa na lamang kaming magkapatid at hindi ako papayag na
pati ito ay iiwan ako. Mahirap man ang aming buhay ay gagawin ko ang lahat gumaling lang ito.
Pagkatapos magdasal ay muli akong bumalik sa kwarto ni Princess at naabutan ko itong gising
na. Nakangiti ito na akala mo ay walang sakit na nararamdaman.
" Ate… " tawag nito sa akin. Lumapit ako dito at niyakap ito ng mahigpit.
" Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakangiti kong tanong sa aking kapatid, kay Princess.
Wala akong balak sabihin dito ang sakit nito. Wala pa sa ngayon, saka na lang kapag sigurado
na akong kaya ko na itong ipagamot.
Bumitaw ito ng yakap sa akin bago nagsalita " ok na ako ate, pwede na tayong umuwi. Bukas
na lang ulit ako papasok sa school." Sabi nito sa akin. At bago pa tuluyang bumagsak ang mga
luhang kanina ko pa pinipigilan ay agad na akong tumayo at binitbit ang kanyang school bag.
" Tayo na, tamang tama maaga akong makakapag luto ng hapunan natin. Iluluto ko ang
paborito mo." Sabi ko dito at hinawakan ko na ito sa kanyang braso at sabay na kaming
lumabas ng silid. Simpleng bagay ngunit masayang masaya na si Princess, mabait na bata ito
at masipag. Kaya gagawin ko ang lahat upang gumaling ito.
Kinabukasan :
" Pia.." narinig kong tawag sa akin ng kaibigan kong si Ellen. Abala ako sa pag aayos ng mga
display ng mga paninda kong gulay sa gilid ng palengke ng humahangos itong dumating. Hindi ko ito nilingon at patuloy lang ako sa aking ginagawa " anong meron at ang aga aga
tumatakbo ka?"
" May good news ako sayo Mars " hinihingal na wika nito sa akin.
" Anong hanap sis? Sitaw, kalabasa, talong?" Tanong ko sa lumapit na babae sa aking paninda.
" Bago ba ang mga gulay mo sis?" Tanong din naman nito, binabae pala ito.
" Ay syempre naman, bagong bago, fresh na fresh, parang ikaw lang. Bili ka na" hikayat ko dito.
Nakangiti naman itong pumili ng gulay at pagkatapos magbayad ay umalis na rin.
" Ano ulit sabi mo kanina mars?" Ulit kong tanong dito. Umupo ito sa aking bangkito at ako ay
nanatiling nakatayo at nagtatawag ng mga customer.
" yung kaibigan ni inay na mayordoma sa maynila naghahanap ng aplikante. Ikaw kaagad ang
naisip ko. At balita ko malaki daw ang magiging sahod mo kung sakali " excited na kwento nito
sa akin.
" So ? " walang gana kong sabi dito na mabilis nitong ikinatayo. Hinawakan ako nito sa aking
isang braso at iniharap sa kanya.
" Anong so? Mars diba kailangan mo ng trabaho at pera? Ito na yun oh, eto na. Para kay
Princess" ani nito sa akin. Napatitig ako dito. Oo nga pala, kailangan kong mag doble kayod
para maipagamot ang aking kapatid.
" Saan daw at anong trabaho?" Interesado ko namang tanong kay Ellen.
" sa maynila. Kung gusto mo talaga, bukas sumama ka sa kaibigan ni Nanay. Pabalik na yun
bukas sa trabaho. Malaki daw ang sahod Mars. Baka ito na ang hinahanap mo" nakangiti nitong
pang eenganyo sa akin.
Ngumiti ako dito ngunit ng maalala na maiiwan si Princess ay bigla akong nalungkot " paano
pala si Princess, walang magbabantay sa kanya? " nag aalala kong tanong dito.
Muli akong hinampas ni Ellen sa aking braso dahil sa tanong ko " ano ka ba naman Pia, nandito
ako oh, para saan pa at mag bestfriend tayo. Wag kang mag alala, hindi ko pababayaan si
Princess. Ano, go ka na?"
Tumango ako ng wala sa oras. Gusto ko talagang maghanap ng trabaho na mas malaki ang
kita ngunit si Princess talaga ang inaalala ko.
Nang sumunod na araw ay maaga akong pumunta sa bahay nina Ellen kasama si Princess.
Doon muna ito pansamantala habang nag aaplay ako ng trabaho sa maynila. Nagyon ang balik
ng kaibigan ng Nanay ni Ellen sa Maynila, matandang dalaga na pala ito, at 20 years ng
nagtatrabaho sa isang mayamang pamilya sa makati.
" Ilang taon ka na iha? Tawagin mo na lang akong yaya Rosa " nakangiti nitong wika sa akin.
Nakasakay kami sa bus at sinabi nitong hapon na kami makakarating sa Makati.
Ngumiti muna ako dito bago sumagot " 26 po. Pia po ang pangalan ko. Ah - Yaya Rosa, ayos
lang po ba kahit wala akong experience sa pagkakatulong? Pero marunong po ako sa lahat ng
gawaing bahay. Sanay po ako sa kahit na anong trabaho. " pangumgumbinsi ko pa dito na
ikinatango lang nito sa akin.
" Basta iha, palagi mong tatandaan na ang dahilan ng lahat ng ito ay para sa pagpapagamot ng
iyong kapatid. Naikwento na sa akin ni Ellen ang buhay mo. Mabait at masipag kang bata, kaya
sana pagdating natin ng Maynila, isipin mong mabuti ang gagawin mong desisyon." Seryosong
ani nito sa akin. Bahagya akong napakunot noo dito. Parang may laman ang mga sinasabi nito.
Baka naman scammer pala ito at dalhin ako sa mga club sa maynila. Dyosko, ito na nga baga
ang sinasabi ko eh. Malilintikan ka talaga sa akin Elena kapag ako naloko dito.
1. Chapter 1