THE BAD AND THE GOOD MAFIA BOSS

CHAPTER 1

Nagulat na lang si Xianna nang hilahin siya ng kanyang tiyuhin habang abalang nag-aayos ng mga panindang gulay at isda sa p'westo ni Aling Maring. Natataranta naman siyang napapasunod sa tiyuhin niyang si Mang Leo, habang mahigpit na hawak ang palapulusuhan niya at hinahatak siyang palabas ng palengke.

Nang nasa kalsada na sila, napatigil ito, nakasalubong kasi nila ang isang grupo ng mga kalalakihan na puros nakaitim.

Bumaba ang mga iyon mula sa malaking van, at tumatakbong lumapit sa kanila, "Ano Leo, iyan na ba iyong ibabayad mo kay Boss?" nakangising tanong ng mga ito sa tiyuhin niya.

Nanginginig ang mga labi niya, nanlaki ang singkit niyang mga mata sa narinig niya buhat sa mga lalaki, "Anong ibig nilang sabihin Tiyo?" sigaw niyang tanong satiyuhin niya. Sabay ibinaling ang tingin sa lalaking noo'y dinaig pa ang bilasang isda dahil sa pamumula ng mga mata.

"P-pasensiya kana Xianna, k-kailangan ko kasing bayaran ang lahat ng utang ko sa kanila, wala naman akong pera alam mo iyan, kaya ikaw na lang ibinayad ko sa kanila, p-payag naman daw ang amo nila, at kapag mabayaran mo na ang mga pagkakautang ko, p'wede ka nang lumaya," salita ng tiyuhin niyang nauutal-utal pa. Halatang nakabatak na naman ito ng ipinagbabawal na gamot.

"T'yong naman! Paano si T'yang, at Ara? May sakit pa naman silang pareho, sinong mag-aalaga sa kanila e, ganyang palagi kayong sabog!" galit na singhal ni Xianna.

Napahawak siya sa baywang niya at napakapa sa kanyang bulsa, naalala niyang mayroong siyang limang daang piso doon, mabilis niyang dinukot iyon, at mabilis na kinuha ang palad ng isa sa mga lalaking nakaitim, "Eto sapat na ba iyan?" pabagasak pa niyang inilapag sa kamay ng lalaking kanina ay kausap ng tiyuhin niya.

Nagtaka naman siya dahil sa humagalpak ang halos lahat ng mga lalaking iyon sa pagtawa, nang itaas ng lalaking pinagbigyan niya ang limangdaang piso. "Ano to? Anong gagawin namin dito?"

"Bakit sa akala yata niya Boss, 500 lang ang utang ng tiyuhin niya.

Napatingin naman siyang muli sa tiyuhin niya, "B-bakit magkano ba ang utang niya?"

"Sorry miss ngunit mahigit kalahating milyon ang mga halaga ng utang niya sa amo namin." Sabay hablot nito sa isang kamay niya at pakaladkad siyang isinama.

"Ha! S-sandali lang naman! Baka p'wede naman nating pag-usapan ito? Ayokong sumama sa inyo!" Pilit niyang binabawi ang kanyang mga kamay sa mga lalaking iyon ngunit napakarami nila at wala siyang kakayahang manlaban sa mga ito. Nagsusumigaw siya sa kanyang tiyuhin upang tulungan siya nito ngunit wala siyang napala. "T'yong tulungan niyo ko! Ayokong sumama sa kanila!" malakas pa rin niyang sigaw sa tiyuhin na umaasang tutulungan siya.

May ilang mga tao ro'n ngunit hindi na ginusto pang makialam dahil sa alam ng mga ito at kilala rin maging sa buong palengke ang grupo ng mga mafia na kumuha kay Xianna. "Kawawang Xianna, ipinagbili ng kanyang tiyuhin sa malahalimaw na Mafia Boss, kilala ko ang grupong iyon, masasama sila at sobrang sama ng ugali, at pangit ng pagmumukha ng pinuno ng mga iyon," sabi pa ng isang lalaking nakasaksi sa ginawang pagkuha kay Xianna.

"Nako naman Mang Leo, bakit mo naman ginawa sa pamangkin mo iyon? Mabait naman si Xianna, at nakakatulong sa pamilya niyo," sabat ni Aling Maring, at bumaling pa sa tiyuhin ni Xianna.

"Malaki na kasi ang utang ko, hindi bale kilala ko ang pamangkin ko, matatag siya at matapang, alam kong malalampasan niya rin ang lahat ng hirap na pagdaraanan niya," determinadong saad ni Mang Leo.

MAHIGIT isa't kalahating oras ang itinagal ng biyahe nila papuntang mansiyon ng tinatawa na Boss ng mga lalaking kanina pa niya naririnig na nag-uusap. Pero wala naman siyang ibang narinig sa mga bibig ng mga ito kundi pamimintas sa ugali at itsura ng kanilang amo.

Nagtataka lang siya kung bakit gano'n na lang ang sama ng mga salita ng mga tauhang ito, gayong ang Mafia Boss na iyon ang bumubuhay sa kanila. "Ayon si Boss, hindi lang ugali ang masama, pati na rin pagmumukha, hindi ko matagalang makipag-usap sa kanya, kasi sa t'wing titingin ako sa kanya, nasusuka ako!" sambit nang isang lalake, na sa tingin niya ay iyon ang pinaka pinuno ng grupong ito na kumuha sa kanya. Ito kasi ang madalas mamintas. "Baka naman kayo ang masama ang mga pagmumukha?" sambit niya sa kanyang isip.

Nagulat pa siya nang mamalayan niyang nakahinto na ang sasakyan, bigla na lang bumukas ang malaking pintuan ng van na sinasakyan nila. Isang lalaki na may pangit na itsura ang bumungad, inakala niyang iyon na ang Mafia Boss na sinasabi ng mga lalaki kanina. "O siya na ba iyong bagong kolateral? Ang galing talaga ni Boss pumili ng uunahing bihag dito!" malakas munang tumawa ito bago siya tuluyang hinila palabas ng sasakyan. Halos dilaan siya nito sa sobrang tuwa nito ng makita ang malaporselana niyang kutis.

Totoo naman ang binanggit nito, maganda siya, sexy at malaporselana naman ang kutis niya. Kung baga sa mga gulay labanos na first class siya. Kaya nga kanina pa niya nakikita ang masasamang tingin ng mga lalaking iyon sa kanya, panay na lang ang dasal niya na huwag siyang galawin ng mga ito, hanggang sa makaharap niya ang Mafia boss na sinasabi ng mga ito.

"S-saan niyo po ba ako dadalin?" nanginginig ang tinig niyang tanong sa mga ito.

"E saan pa? Di kay Boss!" malakas na sambit ng lalaki na tila ba naiinis. Alam na niyang ayaw kasi nitong humaharap sa amo. Ito 'yong lalaking naririnig niyang panay ang pintas sa mukha ng amo nila.

Hila-hila siya ng mga ito papasok sa isang silid, nang iginala niya ang kanyang paningin ay isa pala iyong malaking library kung saan punong-puno ng mga aklat ang buong paligid. Mayroon pang hagdanan sa dalawang bahagi upang makaakyat sa mas mataas na bahagi ng mga libro. Napa buka siya ng bibig, namangha sa mga nakikita niya. Kaya naman ang kanina'y takot na nararamdaman niya ay napalitan ng tuwa at pananabik na makawala sa buong lugar upang buklatin ang mga aklat.

1. CHAPTER 1