716.6K
Views
15
Chapters
Ratings
"Ano ng gagawin mo ngayon? Magmumukmok lang? Hoy! Selene, wala ka ng magagawa. Alam mong matagal ng sila. Halos lahat ng tao inaasahan na ikakasal na talaga sila. Move on girl! Hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Masaya na siya, matagal na niyang tinapos ang pagka-kaibigan niyo. Concern lang ako sayo dahil kaibigan kita. Para na kitang kapatid. Fix yourself Selene. Huwag mong sirain ang buhay mo." Mahabang litanya ni Zuri sa kaibigang isang linggo ng nakakulong sa condo at nakatulala.
Selene looked at her with unshed tears on her eyes. She smiled bitterly and looked down.
"You know how much it hurts Zuri. Ako dapat yun eh, ako dapat ang nasa pwesto niya. You know that should be me." She's starting to cry again. Selene Demetria is a broken hearted girl. Akala niya matagal niya ng tanggap, her twin sister is getting married to Haxon.
Haxon is her friend since high school. They are like a couple back then kung hindi lang alam ng lahat na magkaibigan sila. Selena Delliana her twin is pregnant, of course it's Haxon's child. She can't accept the fact na 'nong umamin siya kay Haxon tungkol sa nararamdaman niya nasira ang lahat. Haxon love her sister, not her.
Zuri tsked and sat beside her. She caressed her hair.
"You know Selene, alam mo sa sarili mong hindi ikaw ang nasa pwesto ni Selena. Hindi naging kayo ni Haxon para mag-mukmok ka ng ganyan. Marami pang lalaki dyan na magma-mahal sayo. You're beautiful, sexy, smart, rich and kind. You're also a doctor. Wala ng mahi-hiling pa ang mga lalaki sayo. You're enough, kaya please lang ako ang nasasaktan sayo beshie. You can start again. Magsimula kang muli Selene." She can't speak. Pilit na ini-intindi ang mga sinasabi ni Zuri. She knows very well na walang sila ni Haxon, pero ang may karapatan lang ba ang dapat makaramdam nito?
Nagmamahal siya, natural lang na masaktan siya. She loves him for almost a decade. Matagal niyang tinago ang nararamdaman sa binata. Haxon is the only man she let to get into her life. Masama bang mahalin ang kaibigan? Hindi niya naman gustong sirain ang pagkakaibigan nila pero hindi na siya nakatiis. Swear, gustong-gusto niya ng ilabas ang nararamdaman. So she did, pero hindi niya inaasahan na sa pag-amin niya ay masisira ang pagka kaibigang matagal niyang pinahalagahan.
"Mali ba ang nararamdaman ko Zuri? Mali bang masaktan ako na ikakasal na siya? Sa tingin ko walang mali kung nasasaktan ako. Nagmamahal ako, malamang na masasaktan ako kahit na walang kami. Ikakasal na siya and worst to my twin sister. Mabuti sana kung sa iba pero sa kapatid ko. Masakit para sakin dahil bakit hindi nalang ako? Magkamukha naman kami ni Selena. Matagal niya na akong kilala." She cleared her troat to continue talking without crying.
"May mali ba sakin? May kulang ba para piliin niya ang kakambal ko? Halos magkamukha kami! Magkamukhang-magkamukha. Alam mo bang nararamdaman ko ngayon? I feel insecure! Pakiramdam ko kahit mawala si Selena kahit magkamukha kami hindi niya ako kayang mahalin. Dahil si Selena pa rin. Si Selena nalang palagi! God why they are so unfair? Pwede bang kahit ngayon ako naman? Pwede bang kahit isang beses maramdaman kong piliin din? Mahirap ba akong mahalin?" Hindi niya na alintana ang luhang nag-uunahang tumulo.
Isipin palang na bubuo na ng sariling pamilya si Haxon ng hindi siya ang kasama masakit na. Pakiramdam niya iniwan na siya ng lahat. She let her tears rolled down on her face.
"Beshie, I'm here. Alam mong hindi kita iiwan. You're like a sister to me Selene. You're my best friend. Kahit iwan ka na ng lahat ako, hinding-hindi kita kayang iwan. Sino-sino ba namang magtutulungan kundi tayo lang din naman. Inalalayan mo ako ng mga panahong kailangan ko ng masasandalan. Nang mamatay ang mga magulang ko hindi mo ako iniwan Selene. Kaya huwag mong iisiping walang pumipili sayo, dahil ako araw-araw kitang pipiliin. Tahan na beshie." Zuri hugged her so tight. Gumaan ang pakiramdam niya ng yakapin siya ng kaibigan.
Zuri knows everything happened to her life. Ito lang ang tanging taong pinagkatiwalaan niya. Hindi sila masyadong malapit ng kambal, pero hindi din naman magkaaway. Mabait si Selena, yun nga lang hindi nito maramdaman na nasasaktan siya. Hindi nito alam na mahal niya si Haxon, at higit sa lahat hindi nito alam na may tinatago siyang inggit dito.
She sighed, bakit nga ba nagawa niyang magalit sa kapatid gayung hindi nito kasalanan na ito ang minahal ni Haxon. Envy. She's envious to her twin because everyone likes Selena. Masyado itong inosente sa lahat ng bagay. Masunurin sa mga magulang nila kaya paborito ito ng mommy niya. She, on the other hand, matigas ang ulo at ayaw ng pinapakialaman. She loves her freedom pero handa siyang isuko ang kalayaan kung para lang kay Haxon.
Pero wala na nga siguro siyang magagawa. Tama nga siguro si Zuri, hindi niya dapat na sirain ang buhay dahil lang sa nararamdaman niyang walang katugon. Masakit man kailangan niya ng tanggapin. She took a deep breath and get inside the church. She composed her smile even if deep inside of her, she's hurting.
Itinago niya sa ngiti ang sakit na nararamdaman. Nakita niya pa si Haxon na nakatingin sakaniya, she just smiled at him and turn to her seat. Agad na lumapit sakaniya sina Hillary na kapatid ni Haxon at si Mia na pinsan.
"Gosh Selene! It's been 2 years. Look at you! You're so gorgeous." Ani Hillary na ngiting-ngiti. Sandali pa siya nitong pinasadahan ng tingin at ikinawit ang braso sa braso niya. "Grabe, na-miss ka namin. Sobra! Bakit nga pala hindi ka na umuwi ng Villa Cathaleya? Miss ka na tuloy ni Abuela. Lagi nga 'non tinatanong kay Kuya kung kelan ka daw ba uuwi?". Hill pouted na siyang kinatawa ni Mia.
"We missed you so much Selene! Ang ganda-ganda mo parin. Walang kupas!" Mia hugged her. Bineso-beso pa siya nito at kapagkuwan iginiya siya sa lugar kung nasaan si Abuela Leya. Hillary and Carmia is her childhood friends. Sa Bicol ang hometown nila at 'don noon piniling tumira ng daddy niya. Pero ng tumungtong sila ng college napagpasyahan ng mommy niyang sa Manila nalang tumira para malapit lang sa business.
Kinakabahan siya habang papalapit sa pwesto kung saan nakaupo si Abuela Cathaleya. Nang tuluyang makalapit napatigil ito sa pakikipag-usap at tumingala sakaniya. Kimi siyang napangiti dahil agad siya nitong sinugod ng yakap. Napakahigpit ng yakap nito at nagulat pa siya ng marinig ang munting hikbi ng matanda.
Dahan-dahan itong kumalas ng yakap at agad siyang hinampas sa balikat.
"Grabe Abuela, akala ko ba na-miss mo ako?" She pouted that made Abuela Leya hugged her again.
"Na-miss kita ng sobra apo, ano ka ba naman ni hindi mo ako nabisita. Alam mo namang ikaw ang pinaka paborito kong apo." Sabi nito at kumindat kay Hillary na nakanguso.
"Abuela talaga! Hindi mo naman yan apo si Selene eh, tumatanda ka na talaga abuela. Nagiging ulyanin ka na." Napatawa pa ito na agad hinampas ni Mia.
"Tumigil ka nga Kianna Hillary, baka nakakalimutan mo alam ni abuela ang darkest secret mo. Lagot ka kapag sinabi niya kay tita Heelan." Pananakot nito na siyang kinatahimik ni Hillary. Napatawa ng malakas si Abuela Cathaleya na siyang kinataka ni Selene.
"Wala, crush niya lang si Jurisio." bulong nito sakaniya habang nakayakap pa rin. Napatango nalang siya at napaayos ng upo ng marinig ang anunsyo na parating na ang bride.
Nakikita sa mga mata ni Haxon ang saya, he's lovingly staring at Selena who's gorgeously walking in the aisle. Napaiwas siya ng tingin ng makasalubong ang mapanuring mga mata ng ama. Sa pag-iwas ng tingin nakita niyang napasulyap sakaniya si Abuela Cathaleya. Malungkot itong nakangiti sakaniya. Alam nito ang nararamdaman niya kay Haxon. She smiled at her to assure that she's okay.
"I pronounced you husband and wife, you may now kiss the bride." She looked down when the priest announced the most painful words. Tipid siyang napangiti sa sarili at lihim na pinunasan ang tumulong luha. Agad na nagtayuan ang lahat ng lumabas na ang bagong kasal. Akmang hihilain na siya ni Abuela Cathaleya papasok ng kotse na maghahatid sa mga ito ng napatigil siya sa paglalakad.
"Bakit apo? May problema ba?" Nagtataka ito dahil tumanggi siyang sumakay. Tipid siyang napangiti sa mga ito at nagsalita.
"I'm really sorry Abuela, Hill, and Mia. Pero hindi na ako makakasama sa reception." Nagtataka ang mga itong nakatingin at hinihintay ang sasabihin niya. "Ngayon na ang alis ko. 2 hours from now na ang byahe ko patungong London, may medical mission ako at ngayon na ang araw na pag-alis ko. Sorry talaga ngayon ko lang sinabi."
Gulat ang mga itong nakatingin at titig na titig sakaniya. Kapagkuwan biglang lumungkot ang mga mata ni Abuela Cathaleya. May namumuong luha sa mga mata nito at tumamlay. Ganun din sina Hillary.
"Bakit ngayon mo lang sinabi Selene?" Saad ni Mia na may halong tampo. Hindi siya makapagsalita dahil alam niyang nagtatampo ang mga ito.
"Nagkikita palang tayo pagkatapos ng dalawang taon tapos aalis ka nanaman? Akala ba namin you're staying here for good?" Ani Hillary. Napasulyap siya kay Abuela na may tipid ng ngiti.
"I understand hija, matagal mo ng pangarap ang pag do-doctor. Ingat ka lang palagi huh? Kapag kailangan mo kami isang tawag lang apo. Kelan ka ba babalik?" Nakangiti na ito ngayon at nakakaunawang nakatitig sakaniya.
"Siguro po Abuela, aabutin ako ron ng mga limang taon. May balak na po kasi akong magtayo ron ng brach ng hospital. Pero, uuwi naman po ako dito bago manganak si Selena." Totoo na ang ngiti nito at proud na nakatingin sakaniya.
"I know you can do this Selene. We'll support you apo. Ingat ka sa byahe, mamimiss ka namin." Before she leave, they group hug, nakita niya pang nagpupunas ng luha si Hillary. She just smiled and bid her goodbye.
"Mauna na po ako, s-sige pakisabi nalang po kila mommy kung magtanong." She waved her hand and continued walking. Lumapit na siya kay Zuri na naghihintay sa kotse na malapit sa simbahan. She let her tears rolled down her face while walking toward the path she choose. Mas pinili niyang sumuko at mag simulang muli. She want to start a new. Now she realized, it's not bad to give up. Napagod lang siyang mahalin si Haxon sa malayo habang masaya ito sa kakambal niya. Siguro nga may darating pang lalaking magmamahal sakaniya. Ang lalaking handang gawin ang lahat para sakaniya.
She smiled sweetly. A real smile at muling tumanaw sa simbahan.
Someday, mararamdaman ko din ang pakiramdam ng kinakasal. I know someday there is someone who will love me for the rest of his life.
Tuluyan na siyang sumakay ng kotse at habang papalayo muling siyang tumanaw. Napangiti ng malungkot at muling humarap sa nakangiting si Zuri.
"ABUELA, bakit parang masaya ka pa na umalis na si Selene? Namimiss ko na agad siya." Ani Hillary sa malungkot na boses.
"Hindi ako masaya dahil umalis siya, masaya ako dahil mas pinili niya ang tamang daan para sa ikasisiya niya. Alam kong may pinagdadaanan si Selene, hayaan natin siyang hanapin ang sarili niya. Malalampasan niya ito at sa pagbalik niya mabubuo siyang muli. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para sakanila. Magiging masaya din siya sa pagbabalik niya. Magsisimula siyang muli. Muling magsisimula ang pag-iibigan nilang naudlot." She winked at her granddaughters and walked away.
Napatanga nalang na nagkatinginan ang dalawa.
"Ano daw?" Tanong ni Mia kay Hillary. She just shrugged and walk.
"Ulyanin na talaga si Abuela. Hayaan mo na, baka naalala lang si Lolo." Ani Hillary na natatawa. Agad naman itong binatukan ni Mia.
"Gaga, may kahulugan yung mga sinabi niya eh."
"Ayy ganun ba? Tss, hindi ulyanin na talaga si Abuela." Natatawa pa din.
"Ahh, ulyanin. Sige ka, isusumbong ka nun kay tita Heelan kung paano mainlove ang bratty bitch na Kianna Hillary Villareal, okay dear keep chasing him." Mia walked away na siyang kinainis ni Hill.
"Edi wow, forbidden love ehh?" She rolled her eyes and stomped her feet. She tsked and continued walking.
Read Now
Favorite