See you in the afterlife

Status: OnGoing
See you in the afterlife

922.2K

Views

13

Chapters

3.0

Ratings

Ilang siglo na ang nakaraan nang ipadala ang mga anghel sa lupa upang maging hukom at upang bantayan ang mga mortal. Ang mga anghel na ipinadala ay tinawag na watchers, ngunit tila ba hindi makatiis ang mga anghel na ito at karamihan sa kanila ay nagkaroon ng pagtingin sa mga mortal na nasa lupa at nakipagtalik pa ang iba sa kanila. Ang bunga ng kanilang pagkakasala o ang kanilang naging anak ay tinawag na Nephilims.

Summary

Prologue

May dalawang uri ng Nephilims. Ang isang uri ay tinatawag na Artemis, ang mga Artemis ay anak ng isang Anghel na babae at isang mortal na lalaki. Mayroon silang bughaw na mga mata at ang lahi nila ay nakatira sa Obsalom. Ang pangalawang uri ng Nephilims ay tinatawag na Ashlan, ang Ashlan ay nagmula sa lalaking Anghel at babaeng mortal. Mayroon silang berdeng mga mata at nakatira sila sa bayan ng Arcadia.

Ang mga Nephilims ay para ring normal na tao ngunit sila ay malakas dahil lahat sila ay may dugong immortal. Iyon nga lang, karamihan sa kanila ay mapagmataas at hindi tumatanggap ng pagkatalo at ito ang naging dahilan kaya hindi nagkasundo ang dalawang lahi.

Mahigpit na magkaaway ang dalawang lahi ng Nephilims. Ang Artemis at ang Ashlan ay hindi kailanman nagkasundo, mas lalo pang lumalim ang initan sa pagitan nila dahil sa nababalitang gustong sakupin ng mga Artemis ang bayan ng Arcadia at gagawing alipin ang mga Ashlan sa panahon na masakop nila ito.

Ayaw ng mga Ashlan na mawasak ang kanilang bayan at madamay ang mga inosente nilang kababayan kaya naman napag-desisyonan ni haring Hesu, ang hari ng Ashlan na makipag-kasundo sa Hari ng Artemis.

Nagpadala ito ng sulat sa Hari ng mga Artemis kung saan sa sulat na iyon ay inaalok ni Haring Hesu ang hari ng Artemis sa isang malaking patimpalak. Alam ni haring Hesu na matatalo sila kapag susugurin sila ng mga Artemis kaya nag-isip ito ng paraan para mapigilan ang balak na paglusob sa kanilang bayan.

Sa isang isla ay maglalaban-laban ang tatlumpung malalakas mula sa lahi ng Artemis at tatlumpung malalakas mula sa lahi ng Ashlan. Ang lahing matitira at mananalo ay siyang magpapasya kung ano ang gagawin sa lahing natalo.

Dalawang taong pinanganak at itinadhana sa isa't-isa ngunit pinagtagpo sa maling panahon.

Mababago kaya ang tadhana ng dalawang lahi kung pag-ibig na ang namamagitan?

_______

"I love you, but I'm sorry" --Jay Sebastian to Luna Stellerio.

3,0

Read Now

Favorite