Santuario de Santiago 4: Alessandro Borromeo

Status: Completed
Santuario de Santiago 4: Alessandro Borromeo

850.4K

Views

32

Chapters

4.0

Ratings

Lisa has been in love with Alessandro since she was eleven. Sa unang pagtatama pa lamang ng mga mata nila ay alam niyang ito na ang nag-iisang future groom niya.
Nakilala niya ito sa hindi magandang pagkakataon o mas tamang sabihing habang gumagawa ito ng kalokohan kasama ang ibang babae sa loob ng lumang stockroom sa campus. Maniac at playboy ang tingin niya rito pero nagbago iyon nang isang gabi ay iligtas siya nito sa mga goons na humahabol sa kanya.

Sa paglipas ng mga araw ay naging mas malapit siya dito at pakiramdam niya ay naging idol at hero niya ito. Ang boyish at makulit na high school student ay gusto nang maging isang magandang prinsesa para sa kanyang knight in shining armor. Tama naman ang pagkakataon dahil isang gabi ay narinig niyang may business deal proposal ang daddy nito sa daddy niya kaya pinilit niya ang daddy niya na gawin iyong marriage contract nila pagdating niya sa edad na twenty-five.

Ayaw na ayaw nito sa kanya dahil bulinggit lang ang tingin nito sa kanya. Pero ayaw niyang pumayag. Inakit niya ito hanggang sa unti-unti ay napapasunod na niya sa lahat ng gusto niya ang lalaking hari ng kayabangan. Tuwing hahalikan niya ito ay parang batang sumusunod lang ito sa daisynovel.com later, she was sixteen, she gave herself to him. They made love under the moonlight. But he broke her heart and crushed it into pieces. Nagdesisyon siyang palayain ito at magbanta na sa pagdating niya ng edad na twenty-five ay ito na ang maghahabol sa kanya.

Mahigit isang dekada ang lumipas ay lagpas na siya sa edad pero hindi naman siya nito hinabol. Magpapakasal na pala ito sa ibang babae. Akala niya ay hindi ito pero sa kanya. Pero sa araw ng kasal nito ay sumugod ito sa bar niya na hinahabol ng mga reporters habang sinasabing kasalanan niya kung bakit hindi natuloy ang kasal. Sa harap ng mga tao at nagkikislapang camera, sinabi nitong siya ang dahilan kaya hindi ito pwedeng magpakasal. Hinalikan siya nito nang wala man lang babala. Mukhang tama ngang ito ang maghahabol sa kanya kahit late ito, at siya naman ay willing magbigay ng extension dito.

Summary

Prologue

Nagising si Alessandro sa sunud-sunod na pagtapik sa kanya. Nabungaran niya ang pinsang si Vladimir na halatang katatapos pa lang maligo. Antok na antok na nag-inat muna siya bago bumangon pero napasimangot siya nang makitang alas-tres pa lang ng madaling-araw. “Baldo, ang aga pa eh. Five thirty pa ang usapan natin.” Baldo na ang nakatuwaang tawag niya rito pero hindi naman ito naiinis. Ukainian ang daddy nito habang ang mommy nito ay half-Argentinian half-Pinoy. Kapatid ng mommy niya ang mommy nito kaya may lahi rin siyang Argentinian.

Iyon ang araw ng camping nilang magkakaibigan. Sa isang parke sa sentro ng bayan ng Santiago sila magkikita-kita nina Donatello at Apollo. Doon sila dadaanan ni Jaime na may dala ng kotse kasama ang iba pa nilang kaibigan. Mukhang mas excited pa sa kanya ang pinsan dahil mahigit dalawang oras pa bago ang meeting time nila. Pinayagan naman sila ng mga magulang kaya ihahatid sila ng kanilang driver na ilang minuto lang kaya kahit pasado alas-singko na sila umalis ay ayos lang.

Muli na siyang natulog at nagising na naman sa mga tapik ni Vladimir. “It’s four-thirty already,” simpleng sabi nito. Natawa lang siya dito dahil handa na talaga ito bitbit ang bag nito at mga gamit na dadalhin.

“I’ll just take a quick shower,” paalam niya sa pinsan na tumango lang. Bihirang umuwi ang pinsan niya sa kanilang probinsiya pero ito ang pinakamalapit sa kanya palibhasa magkasing-edad sila at wala siyang kapatid na lalaki. Ngayong bakasyon lang din nito nakilala ang mga kaibigan niya at agad itong nakasundo. Mabait kasi talaga itong pinsan niya at hindi tulad niya na loko-loko. Hindi rin ito basta nakikipagbasag-ulo kahit pa nagbabalak itong pumasok sa amateur boxing.

Siya man ay excited din dahil mahalaga para sa kanya ang lakad na iyon. Paraan din nila iyon para pag-usapan ang mga plano nila sa buhay. Labing-pitong taon na sila at magkokolehiyo sa paaralan kung saan sila nag-high school. Mas gusto niya dapat sa Maynila para mas malaya siya. Pero nang malaman niyang sa iisang paaralan sila magkokolehiyo ay ayos na ayos na iyon sa kanya. Ang pangarap lang niya ay kahit mga matagumpay na sila sa larangan nila, manatili silang magkakaibigan na parang magkakapatid. Alam niya sa sarili na kahit kailan ay hindi na naman siya magkakaroon ng ganoong klaseng pagkakaibigan.

Nang makarating sila sa parke ay saktong parating pa lang sina Jaime kaya sumakay na agad silang lahat paghinto sa tapat nila. Medyo malayo ang biyahe kaya nakatulog sila. Nakatulog silang muli pagkatapos ng ilang oras na paglalakad at kumain ng sandwich na dala ni Leandro. Nagising lamang sila nang tawagin sila ni Isaac at agad na pinuntahan ang lugar na itinuturo nito.

Parang gusto niya nang maniwala na ibang dimensiyon ang gubat. Napakaganda ng tanawin, higit na maganda sa mga nadaanan nila. Malinaw na malinaw ang tubig sa ilog at makukulay ang mga bato sa ilalim nito. Sa isang bahagi ay may mataas na talon. Maraming bulaklak sa gilid ng ilog at kahit hindi siya mahilig sa bulaklak ay napukaw ng paligid ang kanyang atensiyon. Manghang-mangha din siya sa paligid. “Dito na muna tayo magpahinga,” aniya.

Mas maraming puno sa paligid at parang mas magandang doon na sila magtayo ng tent. "Pwedeng dito na rin tayo magtayo ng tent," sabi ni Jaime na sinang-ayunan niya. Umiling lang si Apollo at sinabing maghahanap pa sila nang mas magandang lugar dahil baka may mga turistang dumadayo doon para maligo at maistorbo sila. Sumang-ayon na rin silang lahat dito pero bago sila umalis ay nagpasya na muna silang maligo doon at maglaro.

Nang magsawa sila ay naglakad muli sila hanggang sa makarating sila sa isang bungalow-type na bahay na may malawak na bakuran. Mababa lang ang bakod at gate pero nakakandado ang front door. Pumunta sila sa likod-bahay at nakakita na sila ng daan papasok. Pumasok si Apollo na sinundan agad ni Apollo. Pero siya ay nag-aalangan pa rin. Nang makapasok na ang iba ay silang tatlo na lang nina Donatello at Vladimir ang naiwan skaya nagdesisyon siyang pumasok na kaysa maiwan siyang mag-isa sa labas.

Malawak din ang loob. Malayo iyon sa inaasan niyang madumi at maalikabok na bahay. Tiningnan nila ang mga kuwarto pero wala namang laman lahat iyon. Nang makarating sila sa dulong kuwarto ay nakakandado iyon. Gusto na nilang buksan iyon pero pinigil sila ng pinsan niya. Sabi nito ay hayaan na lang daw nila iyon. Mukhang may nakatira o hindi kaya ay caretaker ang property. Baka makasuhan pa bigla sila ng trespassing pero makulit ang magpipinsang Leandro, Isaac, at Lucas. Sige ang mga ito sa pagsubok na buksan iyon. ibinaba ni Lucas ang bitbit nitong toolbox na kanina pa bitbit nito at inilabas ang pliers at alambre. Ginupit nito ang alambre at maya-maya pa ay tila iyon isang susi na pinipilit nitong ipambukas sa doorknob.

Maya-maya ay gulat na napatingin silang lahat sa mga ito nang tumunog ang doorknob. Nabuksan ng mga ito ang pinto. Mayabang pang nagpagpag ang tatlo na ikinatawa na lang nila. Pagbukas ng pinto ay madilim doon dahil naka-off ang ilaw at lumubog na ang araw. Doon pa lang nila naisipang buksan ang mga dala nilang flashlight at itinutok ang liwanag doon.

Nagtulakan pa sila kung sino ang mauunang pumasok hanggang sa pagkaisahan na siya ng mga ito. Napipilitang pumasok siya sa kuwarto at inspeksiyunin ang paligid. Kumunot ang noo niya nang matutukan niya ang kisame nito. Nagsipasukan na rin ang iba pa at napatingin din sa itaas. Napangisi ang ilan, ang iba ay napapalatak pa kaya hindi na nila iyon pinansin. "Lumabas na nga tayo," naiinip na sabi niya pero abala na ang mga ito sa pagkalkal sa mga cabinet na nakakandado. Wala ring laman ang kuwarto maliban sa nakita nila at mga nakakandadong cabinet. Muli na naman pang sinubukan ng magpipinsang buksan ang mga iyon. Wala namang laman ang mga iyon. Binuksan nila ang huling cabinet at doon nila nakita na may nakalagay sa pinakababang bahagi nito. Kinuha na din nila iyon at ininspeksiyon pa muna muli pero nakakandado na naman. Natawa na lang din siya.

4,0

Read Now

Favorite