Partner In Crime (Tagalog)

CHAPTER 1: AMABELLA SORIANO – TANYAG NA DETECTIVE

BELLA’S POV

Mabilis ang pagtakbo ko papunta sa departure area ng airport na ito dahil hinahabol ko ang isang suspek. Ayun kasi sa pag – iimbestiga ko ay lumabas na talaga siya ang may kasalanan. Kaya nagmadali kaming pumunta ng team ko sa kanilang bahay ngunit tanging mga kasambahay na lang ang naabutan namin. Ayun sa kanila ay nagmamadali daw umalis si Mr. Ching. Buti na lang ay nakipagtulungan ang mga kasambahay na yun kaya nalaman namin kung saan patungo si Mr. Ching.

“ Mr. Ching, stay right there! “ malakas kong sigaw ng maabutan ko si Mr. Ching

Marami ang nagulat sa sigaw at napansin siguro nila na ako ay isang police kaya tumabi sila. Nanginginig namang tumingin sa akin si Mr. Ching. Nilapitan ko lamang siya saka kinuha ang dalawa niyang kamay at nilagay sa likuran.

“ Mr. Ching, you are under arrest for the murder of Mr. Han. You have a right to remain silent. Whatever you say may be use in the court against you. “ seryosong turan ko pagkatapos ay sinuotan ko na siya ng posas at inilabas ng airport upang isakay sa mobile.

Wew! Muntik na ako magkamali sa pagproseso ng ebidensiya. Buti na nga lang at dinouble check ko ang DNA record at alibi niya kung hindi ay makakaalis pa sana ito ng bansa. Mga kriminal talaga, gagawa ng kasalanan tapos aalis lang basta basta at magpapakasaya habang may mga nagluluksa dahil sa isang buhay na nawala.

“ Nice catch, Detective Soriano! “ rinig kong wika ng nasa likod ko kasunod ang pagtapik niya sa aking balikat.

“ Nice catch to our team. “ nakangiti ko namang sagot sa kaniya.

“ Ang humble mo talaga Bella. This case was solved because of you. “ nakapamewang na turan ni Riri, kasamahan ko sa trabaho at matalik kong kaibigan.

“ Lahat tayo nagtulong tulong upang maresolba ang kasong ito. “ tugon ko naman sa kaniya.

“ Hep! Tama na, bumalik na tayo ng station. “ dagdag ko pa upang tapusin na ang usapan namin.

Nanahimik naman na siya kaya sumakay na din ako ng mobile at hinintay siyang makasakay bago ko ito imaneho papunta sa headquarters. Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa headquarters. Pagbaba ko ng mobile ay siya ding pagbaba ni Mr. Ching sa mobile. Dumaan ito sa harap ko at saka huminto.

“ Detective Amabella Soriano, mag – iingat ka. Sigurado ako na hindi ito ang huli nating pagkikita. “ nakangising turan ni Mr. Ching na mahihimig ang pagbabanta sa akin.

“ Hindi pa nga ito ang huli nating pagkikita. Magkikita pa tayo sa korte dahil sisiguraduhin ko na andoon ako sa oras na ikulong ka na ng panghabang buhay. “ matapang kong turan sa kaniya.

Nagpakawala muna siya ng nakakakilabot na tawa, saka ako binigyan ng kakaibang tingin, “ Matapang ka Detective, ikamamatay mo yan ng maaga. “

Aaminin ko na may kung ano sa tingin niya na nagbibigay ng kilabot sa akin. At pamilyar ang tingin na yun sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko yun unang nakita. “ Ipasok niyo na nga yan! Andami pang sinasabi, nakaposas na nga. “ utos naman ni Riri

Tinapunan muna ako ng tingin ni Mr. Ching bago siya nagpatuloy sa paglalakad pagpasok sa headquarters.

“ Ayos ka lang Bella? “ tanong ni Riri sa akin, siguro napansin niya ang pagkatulala ko.

“ Ah, oo. Iniisip ko lang kung saan ko nakita ang ganoong titig sa akin ni Mr. Ching. “ pag – amin ko kay Riri.

“ Huwag mong sabihing natatakot ka sa banta niya? “ tanong ni Riri na may nakakalokong ngiti pa sa kaniyang labi.

“ Ako si Amabella Soriano. Anak ng namayapang famous detective na si Ryver Soriano. Wala akong kinatatakutan. “ confident kong tugon kay Riri.

“ Ayun ang Bella na kilala ko. Tara na, higop muna tayo ng kape sa headquarters bago tayo umuwi. “ pag – aya naman niya sa akin saka ako sinimulang hatakin.

Dahil sa iniisip ko pa rin kung saan ko nakita ang ganong tingin ni Mr. Ching ay hinayaan ko na lamang na kaladkarin ako ni Riri hanggang sa pintuan ng department namin. Pagbukas ng pintuan ay sunod – sunod na palakpakan ang umalingawngaw sa aming opisina kaya naman nabalik ako sa katinuan.

“ Anong meron? “ natatawang kong turan pagkatapos kong tuluyang makapasok sa opisina.

“ Very impressive Detective Soriano. “ puri sa akin ni Detective Santiago

“ 50/50 ang score mo in all cases. Walang mintis. “ dagdag pa ni Detective Ocampo

“ Kayo talaga, group effort yun. Hindi lang ako. Pero salamat sa appreciation. “ turan ko sa kanila na may pasasalamat

“ Ehem! “ rinig kong ubo ng kung sino sa likuran ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.

“ Ibang klase ka talaga Bella. “ nakangiting turan sa akin ni Detective Ced.

“ Ayieee. “ narinig kong kantiyawan ng mga kasamahan namin kaya napailing na lamang ako.

“ Hindi dating site ito mga detectives. “ ma-awtoridad na turan ng aming Senior Detective at siya ring Head ng Department.

Dahil sa sinabing iyon ni Detective Gutierrez ay bumalik na sa kanilang mga ginagawa ang aking mga kasamahan. Ganun din ang ginawa ni Riri at Ced.

“ In my office. “ seryosong wika muli ni Detective Gutierrez

Tumango na lamang ako kaya nauna na siyang naglakad sa akin papunta sa opisina niya. Tahimik naman akong sumunod sa kaniya. Pagkasara ko ng pinto ay siya ding pagsasalita niya.

“ Great job, Bella. I know na proud sa iyo ang papa mo. “ pagpuri sa akin ni Detective Gutierrez.

“ Salamat po tito. “ pagpapasalamat ko kay Detective Gutierrez.

Si Detective Gutierrez ay kasamahan din ni papa bago mamatay ang papa ko. Kahit na dalawa silang pinagpipilian upang pumalit as Senior Detective sa panahon nila ay nanatiling matalik na magkaibigan ang kanilang turingan. Hanggang sa mamatay si papa, si Tito Ryan na ang tumayong ama sa amin ng kapatid ko. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya.

“ Uuwi ka na ba paglabas mo rito sa opisina? “ tanong sa akin ni Tito Ryan.

“ Opo, balak ko po kasing magpahinga dahil napakalaking kaso din netong hinawakan ko. “ sagot ko sa kaniya

“ Mabuti kung ganun. Ang akala ko ay sasabihing mong magtatrabaho ka pa. Naku, i-aapply kita ng force leave. “ natatawang biro naman ni tito.

“ Gusto ko din kasing makasama si Ryle. Matagal tagal din kaming di nagtatagpo sa bahay. “ paliwanag ko kay Tito Ryan.

“ Kung saan – saan naman kasi lumalaboy yang si Ryle. Sige na, umuwi ka na para makapagpahinga ka na. “ tugon ni Tito Ryan.

“ Sige po, thank you sir. “ pagpapasalamat ko muli kay Tito saka ako lumabas ng opisina niya.

Paglabas ko ng pintuan ng opisina ni Detective Gutierrez ay nakaabang na pala sa akin si Riri.

“ Anong sabi ni Senior Detective? “ tanong niya.

“ Pwede na daw akong umuwi. “ nakangiti kong sagot sa kaniya upang mawala na ang pag – aalala niya sa akin.

“ Ganun ba? Edi tara na at baka magbago pa isip mo. “ natatawang biro niya sa akin.

“ Ha? Bakit ako? “ puno ng pagtataka kong tanong sa kaniya.

“ Baka lang mag last minute decision ka na humingi ng case ngayong gabi kaya tara na. Gusto ko na magbeauty rest. “ paliwanag niya habang nagpapaawa gamit ang mapungay niyang mga mata.

“ Fine, tara na. “ natatawa kong sagot sa kaniya.

Ngumiti na lamang ito saka ako hinila palabas ng department namin. Hindi naman halata na gusto na niya talagang umuwi eh no. Palabas na kami ng station ng may tumawag sa akin.

“ Bella! “

Sabay kaming napalingon ni Riri sa pinanggalingan ng boses. Doon namin nakita si Ced na hingal hingal.

“ Oh bakit Ced? “ tanong ko sa kaniya ng makalapit siya sa kinaroroonan namin ni Riri.

“ Maiwan ko muna kayong dalawa. “ paalam naman ni Riri kaya pinandilatan ko ito pero di siya natinag at iniwan ako kasama si Ced.

“ Ah, Bella. About doon sa nakaraan? “ tanong niya.

“ Ha? Ano meron noong nakaraan? “ ma-ang ma-angan kong tanong sa kaniya kahit malinaw sa isip ko kung ano ang tinutukoy niya.

“ Yung niyaya kitang kumain sa labas tas ang sabi mo ay pag – iisapan mo pa. “ pag – papaalala sa akin ni Ced.

“ Ahh, siguro next time na lang Ced. Medyo pagod kasi ako ngayon at saka baka hinihintay ako ni Ryle sa bahay. “ paliwanag ko sa kaniya.

Bakas ang pagkadismaya ni Ced sa naging sagot ko. Matagal na din niya kasi akong niyayaya kumain sa labas ngunit ilang beses ko na itong tinanggihan dahil sa iba’t ibang rason. Hindi naman kaila sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin. Ngunit sa ngayon ay wala talaga yan sa isip ko.

“ Ayos lang. Mas mahalaga naman ang pahinga mo. Hihintayin ko na lang kung kelan pwede na. “ nakangiting turan neto kahit na bakas sa kaniyang mga mata ang lungkot.

“ Sasabihan kita pag maluwag na talaga schedule natin. “ turan ko sa kaniya upang maibsan ang kalungkutan niya.

“ Sige, mag – iingat kayo. “ turan niya.

“ Alis na ako. “ paalam ko sa kaniya.

Tumango na lamang siya saka kumaway sa akin. Nagsimula na din akong maglakad papuntang parking lot upang puntahan si Riri. Si Ced naman ay pumasok na muli sa station. Pagdating ko sa parking lot ay isang malakas na hampas ang natanggap ni Riri mula sa akin.

“ Array ko! Ano ka ba, Bella? “ asik niya sa akin.

“ At talagang iniwan mo ako with Ced. “ naiinis kong turan sa kaniya

“ Alam ko naman pag bebe time na. “ sabi ni Riri

“ Di ko siya boyfriend. “ naiinis ko pa ring asik sa kaniya.

“ Soon to be. “ nakangising turan sa akin ni Riri.

“ Wala akong oras para diyan. Tara na nga bago mo pa masira ang buong gabi ko. “ pag – aya ko kay Riri upang ibahin ang aming topic.

Tumawa naman si Riri at saka pumasok sa kotse ko. Ako naman ay lumakad papunta sa driver’s seat. Papasok na sana ako ng kotse ng may tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko sapagkat unregistered number ang tumatawag. Sinagot ko naman ito kahit nagtataka pa rin ako.

“ Hello, this is Amabella Soriano. How may I help you? “ tanong ko sa tumawag sa akin ngunit nanlaki ang aking mga mata dahil sa sinabi nito.

“ Ano? Ano ang nangyari sa kapatid ko? “ kinakabahang tanong ko sa tumawag sa akin.

ITUTULOY!

1. CHAPTER 1: AMABELLA SORIANO – TANYAG NA DETECTIVE