My Possessive Bodyguard (Book 4 TMIYD)

Status: Completed
My Possessive Bodyguard (Book 4 TMIYD)

850.1K

Views

33

Chapters

4.0

Ratings

Wala pang bagay na hindi niya nakukuha kapag ginusto ni Ynrahd Ehd. Maging ang sariling buhay ay itataya niya makabalik lamang sa bansang Pilipinas. Gusto niyang mahanap ang lalaking tumulong sa kaniya noong hawak siya ng mga sindikato. Ang lalaking kahit naka disguise ang pagkatao ay nagawa pa ring patibokin ang kaniyang puso, at nangakong 'more round' kapag nagtagpo muli ang kanilang landas. Ngunit dahil sa trahedyang nangyari ay naghigpit na ang kaniyang ama para sa kaniyang kaligtasan. She felt frustrated with the attitude of her personal bodyguard named, Eagle One. Sobrang arogante at mukhang mahal ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito kapag kinausap niya. Paano niya mahanap ang lalaking first niya sa lahat—kung limitado na ang bawat kilos niya dahil sa antipatiko at strict niyang bodyguard?

Summary

Wala pang bagay na hindi niya nakukuha kapag ginusto ni Ynrahd Ehd. Maging ang sariling buhay ay itataya niya makabalik lamang sa bansang Pilipinas. Gusto niyang mahanap ang lalaking tumulong sa kaniya noong hawak siya ng mga sindikato. Ang lalaking kahit naka disguise ang pagkatao ay nagawa pa ring patibokin ang kaniyang puso, at nangakong 'more round' kapag nagtagpo muli ang kanilang landas. Ngunit dahil sa trahedyang nangyari ay naghigpit na ang kaniyang ama para sa kaniyang kaligtasan. She felt frustrated with the attitude of her personal bodyguard named, Eagle One. Sobrang arogante at mukhang mahal ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito kapag kinausap niya. Paano niya mahanap ang lalaking first niya sa lahat—kung limitado na ang bawat kilos niya dahil sa antipatiko at strict niyang bodyguard?

Chapter 1: Saan ka nagmana?

"CONGRATULATIONS, Anak!" bati ni Mang Raul sa anak na si Jeydon. Walang mapagsidlan ng tuwa ang ginoo dahil napagtapos niya ang kaisa-, isang anak at natatanging kayamanan na iniwan sa kanya ng babaeng pinakamamahal. Nasa top ten pa ito bilang pinakamatalino at magaling na lawyer student.

Lumuwas siya ng Manila upang masamahan ang anak sa pag-akyat sa stage. Super proud siya sa achievement ng anak ngayon kasama ang kaibigan nito. Hindi ito naging pabigat sa kaniya kahit nagre-rent ito ng bahay upang malapit sa pinapasukan.

"Thank you po, Pa! Para sa iyo ang lahat nang ito!" Nakangiti na niyakap ang ama na may butil ng luha sa mga mata.

Simpleng mamayan lamang ang ama na nagmahal ng isang heredera ng hasyenda. Hadlang ang mga kamag-anak ng kanyang ina sa relasyon ng kaniyang mga magulang. Ayon sa kwento ng ama, naipaglaban naman nito ang pag-ibig nito sa ina niya noon ngunit natunton din ang mga ito at pilit na pinaghiwalay. Pinagbantaan pa na ipapakulong ang ama kapag lumapit pang muli sa kaniyang ina. Isang taon lamang umano siya noong iniwan siya ng ina upang hindi madamay sa galit ng mga magulang nito. Lumipat sila ng lugar ng ama noon sa takot nito na pati siya ay mawala din dito.

"Bro, congrats!" Nakipag fist palm si Ashton sa matalik na kaibigan.

Nakangisi na humarap si Jeydon sa kaibigan. "Same to you, Bro, isa ka nang ganap na doctor!" Niyakap niya ito bago sinuntok ng mahina sa balikat. Magkaiba sila ng kurso pero hindi iyon naging hadlang sa oras ng kanilang samahan.

Pareho silang magkaibigan na mahilig sa thriller at nag-aaral ng palihim ng self-defense. Si Jeydon ay magaling mag-control sa pag bali sa leeg ng kaaway nang hindi tinutuloyan. Si Ashton naman ay magaling kumapa ng ugat kung saan ididiin ang daliri upang maparalisa ang kaaway sa loob ng ilang minuto na tumatagal hanggang tatlumpong minuto. Katulad niya, hindi din buo ang mga magulang.

"Hello, Babe! Congratulations!" bati ni Rhea, isa sa babae na may gusto kay Jeydon.

"Ako ba hindi mo babatiin, Babe?" maloko na tanong ni Ashton sa babae. Babe din ang tawag dito dahil naging ex niya rin ito. Inirapan lang siya ng dalaga at tinawanan niya iyon.

"Thank you, Rhea, good luck sa iyo at sana next year maka graduate ka na." Sagot ni Jeydon sa babae. Puro lalaki ang pinagkakaabalahan nito kung kaya bagsak sa board exam.

Nakalabi na tumabi si Rhea kay Jeydon. Alam niyang babaero ito pero ito lang ang hindi niya nakukuha pa sa lahat ng nagustohan niyang lalaki.

"Mauna na ako sa inyo mga anak," ani Mang raul sa dalawang binata. Si Ashton ay hindi na iba ang turing niya dito.

Hindi na nagtagal doon si Raul dahil pupunta sa beer house ang barkada ng anak bilang pag-celebrate sa pagtatapos. Alam niyang babae ang makakasama ng mga ito roon pero hinayaan lang ang anak dahil matalino ito at binata na. Umuna na siya ng uwi sa tinutuloyan ng mga ito.

"Ingat ka papa sa pag-uwi!" Inakbayan niya ang ama at tinapik sa balikat.

"Ingat po, Tito Raul, baka mapikot ka sa daan." Biro ni Ashton sa ama ng kaibigan. Madalas niya itong biruin na mag-asawa muli habang malakas pa ang tuhod ngunit pumapalatak lamang ito at umiiling. Alam niya ang kwento ng pag-ibig nito at hindi niya alam kung saan nagmana ang kaibigan sa pagiging manyak at babaero.

"Oh, anong klaseng tingin iyan?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ni Jeydon sa kaibigan nang tumingin ito sa kanya at nakakunot ang noo habang nag-iisip.

"Iniisip ko lang kung saan ka ba talaga nagmana?" seryoso ang mukha ni Ashton at hindi nawala ang pangungunot ng noo.

"Gago! Wala sa dugo iyan, nasa mukha ko na kasing guwapo ng exo." Mayabang na pagbubuhat ni Jeydon sa sariling bangko at ngumiti nang nakakaloko.

"Putcha, tara na at baka biglang bumagyo!" palatak na ani ni Ashton dahil sa kayabangan ng kaibigan. Totoo namang guwapo ang kaibigan—katulad niya.

Tumatawa na sumunod si Jeydon kay Ashton kasama ang iba pang kaibigan. Pagdating ng bar ay kanya-kanyang kuha ng babae ang mga kasama maliban sa kanila ni Ashton dahil may partner na sila at paparating na ang mga ito.

Mula sa private room, pinapanuod ni Cloud ang magbabarkadang kalalakihan. Madalas doon tumambay ang dalawang lalaki kung kaya pamilyar na sa kanya ang mga mukha nito. Nawala ang tingin sa screen monitor nang tumunog ang kanyang mobile.

"Ano ang kailangan mo?" tanong niya agad dito pagkasagot sa tawag ng pinsan na si Micko.

"Kahit sa tawag ang sungit mo, wala manlang ba hello muna?" palatak na sagot ni Micko mula sa kabilang linya.

"Tsk!"

Napailing si Micko nang marinig ang palatak ng lalaki sa kabilang linya. "Sasama ka na ba sa club namin ng kaibigan ko?" ang Eagle Wings Secret Detective Agency ang kanyang tinutukoy na kakatayo lamang nila magkaibigan na si Dexter.

"Huwag mo ibuhos ang galing mo sa paghawak ng kaso. Maari mong ituloy ang iyong mithiin ng palihim kapag nag-join ka sa club namin." Pang-eengganyo niya dito. Tulad niya ay abogado din ito at magaling sa self-defense.

"Pag-isipan ko," maiksing sagot niya kay Micko at agad en-end ang tawag nito.

Pagtingin ni Cloud muli sa screen monitor ay mayroo nang gulong nagaganap sa dance floor. Pinanuod niya muna ang grupo ng dalawang lalaki na nakipagsuntokan sa kabilang grupo ng kalalakihan. Ang dalawang lalaki ay kampanti na nakaupo lang. Nagulat pa siya nang may sumugod na limang lalaki sa dalawa ngunit walang kahirap-hirap na napatumba ito ng dalawa. Mabilis siyang lumabas sa kaniyang opisina upang alamin at makita kung totoo ang nakita niya mula sa surveillance camera.

"Leave them!" Utos ni Cloud sa kanyang mga bouncer na may hawak sa dalawang lalaki. Humupa na rin ang gulo pero ang lalaki na hinawakan kanina ng isa sa dalawang nakakuha ng kaniyang interest ay tila tulog na nakatayo sa harapan niya.

"Hindi kami ang nagpasimuno sa gulo." Kinakabahan na paliwanag agad ni Ashton sa kaharap na halatang may-ari ng naturang bar. Marami ang nabasag at nasirang gamit kung kaya malaki ang danyos na kailangan nilang bayaran pero wala silang sapat na perang dala.

"Paano mo nagawa iyon?" sa halip ay tanong ni Cloud sa lalaki.

Hindi agad nakuha ni Ashton ang ibig sabihin ng tanong ng lalaki. Pero nang makita niya kung saan ito nakatingin ay napangisi siya. "Sekritong malupit, Pare. Kapag inabswelto mo kami, tuturuan kita kung interesado ka."

"Sumunod kayo sa office ko," anyaya ni Cloud sa dalawa. Ibinilin sa tauhan na ayusin ang kalat na naiwan at panagutin ang kabilang grupo na siyang nagpasimuno sa gulo.

Nagpakilala si Jeydon at Ashton sa may-ari ng naturang beer house. Ang akala nila ay kakasuhan sila nito pero hindi naman pala.

Ang akala ni Cloud ay may makuha na siyang bagong impormasyong sa dalawang bagong kakilala. Nagkamali pala siya at mga ordinaryong mamayaman lamang ang mga ito. Dahil maayos namang kausap ay naging kaibigan niya ang mga ito. Bukod doon ay regular customer niya ang mga ito doon.

Lumipas ang mga araw at nainip na sina Jeydon at Ashton na makahanap ng trabahong gusto nila.

"Kailangan ko nang maghanap ng trabaho, sayang ang pinag-aralan ko kung puro babae ang intindihin ko."

Tahimik lang nakikinig si Cloud sa hinaing ni Jeydon habang magkakasama silang umiinum.

"Gawin mo na lag kami na bouncer dito, Bro." Biro ni Ashton kay Cloud.

"Baka mawalan ako ng costumer kapag kayo ang naging bouncer dito." Napapailing na sagot ni Cloud.

"Hindi pala ganoon kadali maghanap ng trabaho kahit tapos na sa pag-aaral at nasa top ten pa." Hinaing ni Jeydon bago muling tumagay ng alak.

"May kaibigan ako na kakabukas lang ng kanilang agency. Bagay kayong dalawang pumasok doon dahil sa galing ninyo sa self-defense." Alok ni Cloud sa dalawa nang maisip ang pangungulit sa kanya ng pinsan.

"May babae ba kaming makakasama roon?" Nakangising tanong agad ni Jeydon kay Cloud.

Binatukan ito ni Ashton, "aray!" reklamo niya dahil napalakas ang batok sa kanya ng kaibigan.

"Trabaho ang kailangan natin hindi babae!"

"Alam mo naman na babae ang pang-exercise ko kapag nababagot sa buhay." Kumakamot sa batok na pangatwiran ni Jeydon sa kaibigan.

Napailing na lamang si Cloud sa kakulitan ng dalawa. Madali lang sa mga ito ang magbiro at ngumiti, hindi katulad niyang ipinaglihi umano sa ampalaya.

Nagustohan nila Jeydon ang alok ni Cloud nang malaman kung ano ang maging trabaho doon.

Kinabukasan ay isinama sila ni Cloud sa ahensya ng kaibigan nito umano. Hindi sila pumayag na hindi rin pumasok sa ahensya si Cloud kung kaya napilitan ito na sumali na rin sa ahensya ng Eagle Wings. Nagustohan nila ang pamamalakad at walang amo na tinuturing. Ang turing nila sa isa't isa ay magkakapatid o matalik na kaibigan.

Nakilala ni Jeydon si Dexter na siyang founder ng Eagle Wings at si Micko. Ang nobya nitong pasaway at si James. Bago sumabak sa trabaho ay nagpasya na muna siyang umuwi sa bahay ng ama upang ipaalam dito ang bago niyang trabaho.

"Hind ba delikado ang trabaho na papasukin ninyo, Anak?" may pag-aalala na tanong ni Raul sa binata.

"Kahit saan naman, papa ay may panganib kung hind maging maingat." pangatwiran ni Jeydon sa ama.

"Basta mag-ingat ka doon at umuwi ka dito kung may oras ka." Bilin ni Raul sa anak. Nangungupahan lang din sila sa lugar ng Batangas at pamamasada ng tricycle ang hanapbuhay niya ngayon.

"Naks, mami-miss mo ako, 'Pa?" biro niya sa ama dahil sobrang seryoso nito.

"Loko kang bata ka," palatak ng ginoo. "Pumaroon ka muna sa girlfriend mo bago umalis."

Napangisi si Jeydon pagkarinig sa sinabi ng ama. Ang akala ng lahat ay girlfriend niya ang boarder ng kanilang kapitbahay. Hindi niya ito niligawan, ito ang unang nagpakita sa kanya ng motibo na kanya namang pinatulan dahil maganda ito at sexy. Regular sa trabaho ang babae sa isang pabrika ngunit katawan lang nito ang kanyang habol. Hindi na ito birhen ng kanyang makuha kung kaya hindi na siya nakunsensya sa pakipag fling dito.

"Aalis ka na daw bukas?" Malungkot na tanong ni Dianne kay Jeydon nang bisitahin siya kinagabihan. Mag-isa lang siya roon dahil panggabi ang kanyang room mate.

"Kailangan ko na magtrabaho." Nakangiting sagot niya sa dalaga. Bagong ligo ito at nakasuot lang ng maluwag na bestida na maiksi.

"Kung sabagay, hindi bagay sa isang katulad mo ang magtrabaho sa company na pinagtatrabahuhan ko."

"Malapit lang naman ang Cavite." Sagot niya habang nakayakap mula sa likuran ng dalaga.

"Mas marami ka nang makilala na babae doon na higit pa sa akin." Malungkot ito na humarap sa binata.

Biglang nawalan ng gana si Jeydon nang makita na paiyak na ang babae at gusto pang magdrama sa kanyang harapan. Ang ayaw niya sa lahat ay demanding at ma-drama.

"Uuwi na ako."

"Ganoon na lang? Aalis ka nang walang linaw sa ating dalawa?" Tuloyan nang pumatak ang butil ng luha sa mga mata ni Dianne.

"Tsss, alam mong wala tayong pormal na relasyon na dapat linawin. Akala ko ba ay malinaw sa iyo ang bagay na iyan?" Iritado niyang sagot sa dalaga.

Tuluyan nang humagulhol ng iyak si Dianne at yumakap ng mahigpit sa likod ni Jeydon. Sobrang mahal niya ang binata kaya siya pumayag sa ganoong level ng relasyon na gusto nito.

4,0

Read Now

Favorite