My Husband's Temptation (Affection Series #2)

Status: OnGoing
My Husband's Temptation (Affection Series #2)

619.8K

Views

16

Chapters

1.0

Ratings

MATURED CONTENT | SPG | R-18 |

GUSTO lang naman ni Luxary Navarro na ma-enjoy ang pagiging binata niya ngunit pinipilit siya ng kaniyang ama na ipakasal sa anak ng business partner nito. Ayaw niya ang kagustuhan ng ama kaya ang ginawa niya ay nagpakalasing siya sa bar at doon niya unang nakilala si Britney Serrano, isang babaeng bartender ang magpapatibok sa kaniyang puso. Hindi lang sa kaniyang puso kundi, pati na rin sa kaniyang sandata.

Para kay Britney, isang malaking tentasyon si Luxary sa kaniya dahil sa tuwing malapit at hahalikan siya nito ay hindi niya mapigilang hindi matukso sa lalaki. Lalo pa't kinukulit siya nito parati kaya sa huli ay kusa na siyang bumigay at nahulog na nang tuluyan sa lalaki.

• My Pervert husband is a boss (Affection Series #1) [Completed]

• My Husband's Temptation (Affection Series #2)

MATURED CONTENT | SPG | R-18 |

© 2021 by Cutie_sell08

All Rights Reserved.

Disclaimer

This is a Tagalog language story.

This is a work of fiction. Names, Characters, business, place, events and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events are purely coincidental.

Summary

MATURED CONTENT | SPG | R-18 |

GUSTO lang naman ni Luxary Navarro na ma-enjoy ang pagiging binata niya ngunit pinipilit siya ng kaniyang ama na ipakasal sa anak ng business partner nito. Ayaw niya ang kagustuhan ng ama kaya ang ginawa niya ay nagpakalasing siya sa bar at doon niya unang nakilala si Britney Serrano, isang babaeng bartender ang magpapatibok sa kaniyang puso. Hindi lang sa kaniyang puso kundi, pati na rin sa kaniyang sandata.

Para kay Britney, isang malaking tentasyon si Luxary sa kaniya dahil sa tuwing malapit at hahalikan siya nito ay hindi niya mapigilang hindi matukso sa lalaki. Lalo pa't kinukulit siya nito parati kaya sa huli ay kusa na siyang bumigay at nahulog na nang tuluyan sa lalaki.

• My Pervert husband is a boss (Affection Series #1) [Completed]

• My Husband's Temptation (Affection Series #2)

MATURED CONTENT | SPG | R-18 |

© 2021 by Cutie_sell08

All Rights Reserved.

Disclaimer

This is a Tagalog language story.

This is a work of fiction. Names, Characters, business, place, events and incidents are either product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events are purely coincidental.

Prologue

"KUYA, pinababalik na tayo ni Dad sa France," sambit ni Lucas.

"Hayaan mo siya," walang pakeng sabi ko.

"Ano bang plano mo?" usisa niya.

Nandito kami sa sala at nakaupo sa long sofa habang nakatingin ako sa litrato ni Britney. Samantalang, nanonood naman ng anime si Lucas at kumakain ng popcorn.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko pa siya nakukuha," sagot ko sa kaniya.

"Do you love her that much?" bumaling na si Lucas sa akin.

Nagkibit ako ng balikat sa kaniya kaya kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko.

"Hindi ka sigurado--"

Bago pa siya makapag-apila ay nagsalita na ako.

"Yes, I do love her," nakangiting sabi ko sa kaniya bago ko ulit tingnan ang litrato.

"But it's just a one night kiss. Actually a dare kiss," aniya.

"I don't even care if it is one night kiss or rather it is just a dare, Luc. I just want her to be mine and that's it."

"How I wish, someday I found my woman too."

Inakbayan ko ang nakakabatang kapatid saka tinapik ang balikat niya bago umapila sa kaniya.

"'Wag kang mag-alala bro dahil lahat tayo deserve ang magmahal at mahalin. Kaya lang, handa ka na bang magsakripisyo at magtiwala sa pag-ibig? Kasi once na pinana ka na ni kupido ay handa ka ng magmahal at dapat handa ka ring masaktan," paliwanag ko.

"Gano'n ba ang pagmamahal? Parang horror?"

"Horror?" takang tanong ko sa kaniya.

"Oo. Kasi nakakatakot. Nakakatakot magmahal."

Napailing ako sa tinuran niya.

"Well, you are such a playboy kid," ngumisi ako.

"Kuya! Don't you dare called me a kid," iritableng sabi niya.

I chuckled. "If you're a real man . . . hindi ka matatakot sa pag-ibig at kung masaktan ka man handa mong ialay ang mga luha mo sa babaeng mamahalin mo. But if you are just a playboy then, you are not a man."

Tiningnan niya ako na parang may nakakagulat sa sinabi ko.

"Y-you . . . you're not my kuya, where he is? Please, comeback kuya! Kuya where are you?! No. No, you're not my Kuya!" Pag-hy-hysterical niya.

"Sira*lo ka pala e! Ang oa mo. Dinaig mo pa si Mommy, manang-mana ka talaga sa kaniya. Alam kong g*go ako pero hindi ako g*go pagdating sa pagmamahal! Ayokong masumpa. 'Di ako katulad mo, babaero na nga, mambobola pa."

"No! I'm not!" defensive niyang sabi.

"Yes you are, but if you said so then believe in yourself," nagkibit ako ng balikat.

Ilang minuto kaming natahimik bago niya basagin ang katahimikan.

"Do you want some ice cream?" tanong niya.

"Libre mo ba?" paniniguro ko.

"Yup. Pero do'n tayo sa dirty ice cream 'yong nasa cone," nakangising sabi niya.

Tumayo ako at hinarap siya ng masamang tingin bago ako namewang sa harapan niya.

"You're so unfair! Nilibre kita sa mamahaling ice cream parlor tapos sa akin diyan lang sa naglalakong dirty ice cream?!" Iritang sabi ko.

"Why? Ayaw mo ba ng ice cream? Mas masarap kaya 'yong dirty ice cream kaysa sa ibang mga ice cream parlor," paliwanag niya.

Kung sabagay mas nasasarapan kami sa dirty ice cream kaysa sa mga ice cream parlor diyan.

"Fine! Basta kahit ilan ang gusto ko babayaran mo."

"Sure! No problem," masiglang sabi niya.

"Tsk!"

Ginamit namin ang kotse niya at siya ang nag-drive papuntang park na siguradong nandoon ang naglalako ng dirty ice cream at hindi nga kami nagkamali dahil nandoon si manong ang madalas naming nabibilhan.

Halatang pagod na pagod na siya sa pagtutulak ng kaniyang sorbetes dahil naupo siya sa isang bench at nagpunas ng pawis. Tanghaling tapat pero nagtitinda pa rin siya ng sorbetes kahit may edad na.

Nagpupunas siya ng pawis gamit ang towel na nakapatong sa balikat niya.

Nilapitan namin si manong saka kami bumaba sa kotse, kumuha muna ako ng mineral water na nasa bote at hindi pa iyon na babawasan saka ko ibinigay kay manong ang tubig.

"Uminom ho muna kayo. Nakakapagod ho ang paglalako ng sorbetes."

Kinuha niya ang bote ng tubig saka iyon ininom at halatang uhaw na uhaw na nga siya.

"Bakit po kayo naglalako ng tanghaling tapat?" tanong ni Lucas.

Nagpasalamat muna siya sa amin bago ngumiti ng pagod.

"Para pag-uwi ko mamaya ay mayroon ng makain ang mga anak ko," paliwanag ni manong.

"E, bakit ho paglalako ng sorbetes ang itinitinda niyo?" tanong ulit ni Lucas.

"Ito lang kasi ang alam kong gawin. Ang pag gawa ng sorbetes at ang paglalako."

"Mahirap po ba?"

"Oo mahirap, pero para sa pamilya ko gagawin ko ang lahat matustusan lang ang lahat ng pangangailangan nila."

Nagkatinginan kami ni Lucas at handa na siyang magtanong ulit pero umiling ako para pigilan siya.

"Dahil diyan libre ko na itong dalawang apa ng sorbetes."

Naglagay si manong sa dalawang apa ng ice cream at ibinigay niya sa amin iyon.

"Salamat sa tubig mga hijo."

Handa na ulit maglako si manong nang pigilan ko siya sa paglalakad at nag-offer sa kaniya.

"Manong, kami na lang ang magbebenta nito. Antayin mo na lang po kami rito. Heto ho 'yong susi ng kotse. Sa kapatid ko ho iyan, kapag hindi pa kami nakabalik dito ng tatlong oras, sainyo na 'yan."

"Kuya!" Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Lucas.

"Don't worry bro babalik naman agad tayo rito bago mag-tatlong oras," natatawang sabi ko.

Bumaling ako kay manong at nginitian siya.

"Kami na pong bahala sa pagtinda babalik ho agad kami para makauwi na kayo ng maaga sa pamilya niyo."

"Maraming salamat mga hijo pagpalain kayo ng may kapal," madamdaming sabi ni manong habang nagpipigil ng luha.

Tumango lang kami ni Lucas bago kami nag-umpisang maglako ng sorbetes.

Hindi naman nagtagal ang paglalako namin ng sorbetes dahil dinagsa ng mga kababaihan ang aming tinda. Napapa iling-iling na lang ako habang niyayakap kami at pini-picture-an ng mga kababaihan kapag nakakabili sila ng sorbetes.

Walang emosyon naman ang mukha ni Lucas sa mga yumayakap sa kaniya na halatang ayaw na ayaw niya. Natawa na lang ako sa hitsura niyang hindi maipinta kaya, pinukol niya ako ng masamang tingin.

Nagkibit lang ako ng balikat sa kaniya saka ko siya nginisihan at ipinagpatuloy ang paglalagay ng ice cream sa apa.

Nang maubos na ang ice cream nang wala pang-isang oras. Naghanda na kami para bumalik kay manong sa parke pero may isang babae ang lumapit sa amin at nagtanong.

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa kaniyang biglaang pagdating. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko na siya ngayon. Bumilis ang pagpintig ng aking puso kasabay no'n ang mabibigat kong paghinga.

"Mayroon pa bang ice cream?" tanong niya kay Lucas na hindi man lang ako napansin.

Napatingin sa akin si Lucas at bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

Ang matagal ko ng hinahanap ay nandirito lang pala.

Ang babaeng nagpabaliw sa akin gabi-gabi.

Ang babaeng gumugulo sa aking isipan araw-araw.

Ang babaeng handa kong kunin para lang tuluyan na siyang mapa-sa'kin.

Hindi sinasadyang nagkatinginan kaming dalawa, halatang nagulat siya nang makita ako dahil nanlaki pa ang kaniyang mga mata.

Alam naming dalawa na hindi lang isang halik ang nangyari noong gabing 'yon. Isang matamis na pag-iisa ang nangyari sa aming dalawa kaya hanggang sa panaginip ko ay dala-dala ko 'yon. At halos mabaliw ako kakaisip sa kaniya, kaya ito ako ngayon. Nagkakandarapang mahanap siya at hindi ko inaasahan na dito ko lang pala siya matatagpuan.

1,0

Read Now

Favorite