Nakatitig si Louise Fernan sa kanyang monitor. Isang e-mail ng masayang mag-asawa ang tumambad sa kanyang inbox, sa office account niya. May isang Amerikano na nasa late forties at isang Pinay na nasa kanyang early thirties ang nasa larawang naka-attach nito. Magkayakap ang dalawa, sobrang sweet at nakakainggit.
“How are things going at your travel agency? We hope you can visit us one of these days and will surely take you anywhere you want, Louise. You’ll enjoy it for sure.”
Iyon ang sabi ni Emily Walker sa kanya. Naging kaibigan niya ito simula noong tinulungan niyang magkaroon ng fiancée visa ang babae at makapunta sa Washington DC kung saan nakatira ang asawa na nito ngayong si Matthew. Isang taon nang mag-asawa ang mga ito.
Napangiti si Louise habang nakatunghay sa mga bagong larawan ng dalawa kung saan gumala ang mga ito sa Orlando, Florida. Ilang saglit ay naramdaman na lang niyang may isang taong nakatingin din sa kanyang monitor. Paglingon niya ay si Marcia iyon. Ang isa sa mga tauhan niya sa kanyang sariling travel agency na tinatawag na Travel Queen.
“Hmm… Bakit ayaw mong magbakasyon kahit ilang araw lang?” ang tanong naman nitong umalis na pagkuwan. Nagpunas na ito sa sariling desk.
Dalawa pa sa kanyang mga tauhan ay hindi pa dumating. Kunsabagay, hindi pa naman oras para magbukas sila ng opisina. May sampung minuto pa at araw yaon ng Miyerkules.
Napalingon siya ritong nakataas ang kilay. “Bakit naman ako gagastos ng malaki? Puwede naman akong magbakasyon dito sa loob ng Pilipinas at magaganda rin ang mga lugar.”
“Hmm… ‘Di ba’t nag-offer naman si Emily na siya ang gagastos para sa ‘yo? Naghihintay lang naman siyang sabihin mong gusto mo nang magbakasyon, eh,” ang sabi ni Marcia, medyo nagtataray habang nagpatuloy sa pagpupunas gamit ang isang wet wipe.
Louise snorted, sat back in her swivel chair, and looked around her office. Isang thirty square feet lang ang office niya at kasama na roon ang CR at mini kitchen.
Umiling siya. Nakita niyang pumasok si Nicholas na mas gustong tawaging Nicole dahil sa kabaklaan nito. Sumunod naman si Stella rito. Binati siya ng mga ito at ngumiti lang siya sa dalawa bago bumaling muli kay Marcia na ngayon ay nakaupo na sa upuan nito at ini-on ang sariling PC.
“Nagbakasyon na ako last year sa Baguio kaya hindi ko ‘yan kailangan ngayon, Marcia,” ang sagot niya rito.
Sumulyap naman siya sa kanyang monitor at nakitang muli ang mag-asawang nakangiting magkayakap at nakaharap sa camera. May kung anong sumundot sa kanyang puso na ayaw niyang pagtuunan ng pansin.
“Talaga lang, ha? O kaya naman ay nawiwili ka lang sa manliligaw mong si Anthony kung kaya ayaw mong umalis?” tukso pa ni Marcia sa kanya.
Ganoon siya ka-close sa kanyang mga tauhan. Kapag nag-uusap sila, hindi maaaring hindi mapag-usapan ang tungkol sa love life niya.
She raised an eyebrow. “I’m not into him, and I never will. Hinding-hindi ko siya sasagutin kahit kailan, kahit puputi pa ang buhok ko,” ang pahayag niya rito at saka naiiling na ibinalik ang atensyon sa kanyang inbox.
Anthony was truly out of the question. Hindi niya ito type. Isa pa, wala siyang panahon para sa mga lalaki ngayon. All she could remember was her bitter past. She fell in love and was betrayed. She might not fall in love, ever again. Whether she wanted to admit it or not, she still could not forget that man who broke her heart. That man…
She momentarily closed her eyes to shake off his handsome image from her mind. She wanted to forget the way she felt whenever she was with him, the way he kissed her, the way he made her feel, the way his hands touched her lips and body, and the way they made love…
Napalunok siya at pilit niyang itinuon sa kasalukuyan ang kanyang atensyon. Nag-iinit ang mga sulok ng kanyang mga mata pero hindi. Hindi siya iiyak. It was already three years ago. She was already mature. She was already twenty-five, and she was not that naïve anymore. Two years of being with him gave her some lessons that she would never ever forget in her entire life!
“Talaga bang ayaw mo kay Fafa Anthony, Louise?” ang sabat ni Nicole na nagtitimpla ng kape sa mini kitchen. Sumilip pa ito sa kanya.
“Ayoko nga, Nicholas. Alam na niya iyon pero makulit pa rin siya,” ang tugon niya at nag-browse ng ilan pang e-mails sa kanyang inbox. Pero kahit malapit siya sa kanyang mga tauhan ay ni isa’y walang nakakaalam tungkol sa kanyang nakaraan. She was not ready to tell anyone about it. And she did not intend to tell anyone about it. Gusto niya lang kalimutan iyon at mabuti na iyong walang makapagpaalala sa kanya tungkol doon kahit sabihing aksidente lang. Besides, she believed this was for good… for her own good, rather. She had to admit it to herself, at least.
“Love ka niya talaga,” ang sabi naman ni Marcia. Sumulyap ito kay Stella na palaging tahimik. Minsanan lang ito kung umimik dahil tila may sarili itong mundo. “’Di ba, Stella? Sumagot ka!”
1. Chapter 1