
189.8K
Views
42
Chapters
Ratings
"Kau! Tara na malapit nang magsimula!" Napatingin ako sa labas ng bintana, saktong nakita ko doon si Betty, ang bestfriend ko. Dali-dali kung sinuot ang hoodie ko at nag lagay ng kaunting liptint sa labi. Napag-pasyahan naming magkakaibigan na mamasyal sa Amusement Park lalo na't may fireworks ngayon, Festival kumbaga. Taon-taon naman itong nangyayari at sa mga ganitong panahon rin ay nakakapag-enjoy ako.
"Si Kevin?" Tanong ko sa kanya nang makalabas ako sa bahay. Si Kevin naman ay iyong isa pa naming kaibigan, kaming tatlo ay malapit sa isa't-isa na halos ayaw na naming humiwalay.
"Syempre bhe nauna na! Sure akong kasama niya girlfriend niyang napulot sa tabi-tabi."
"Grabi naman... Pero maganda naman si Jirah, sadyang hindi lang naglilinis ng katawan."
"Nako! Ayoko pa rin sa kanya! Ito naman si Kevin na uto-uto, jinowa agad. Iwan ko na lang." Hindi na lang ako nagsalita pa. Si Jirah iyong bagong girlfriend ni Kevin, broken hearted siya noong mga nakaraan buwan pero ngayon may girlfriend na ulit.
At kontrang-kontra si Betty, kasi nga raw masama ang ugali at dugyot. Hindi ko naman siya masisisi totoo rin naman! Hindi naman ako nanglalait, pero sa tuwing nakakatabi ko siya amoy na amoy ko talaga iyong putok niya. Tapos pag-nagsasalita siya gusto ko na lang takpan ang ilong ko dahil amoy kanal ang hininga niya. Idagdag mo pa iyong ngipin niya na akala mo ilang buwang hindi na toothbrushan, at ang huli ay ang buhok niyang magulo pa sa buhay ko. Hindi ako laitera ah? Nagsasabi lang ng totoo.
"Betty gusto ko sa kitang-kita talaga 'yong fireworks!" Sigaw ko at sumunod sa kanya. Hindi naman malayo ang Amusement Park sa tinitirhan namin, kaya nilalakad na lang namin para makatipid.
"Anong gusto mo? Pasanin kita para mas makita mo?" Napasimangot ako. Kasalanan ko bang pandak ako? Hindi naman siya naturally pandak, pero mas matangkad kasi siya sa akin. "Oh panis! Hindi talaga ako nagkakamali! Ayon si Kevin oh, nakiki-paglandian sa jowa niya." Tinignan ko ang tinuro niyang direksyon.
Tama nga siya kasi nandoon si Kevin, kasama si Jirah. Sakto ring napatingin siya sa pwesto namin at mabilis na kumaway. Akward kung tinaas ang kamay ko at kinawayan siya pabalik.
"Pupunta ata sila dito sa pwesto natin, Betty." Usal ko, naglakad kasi ang dalawa at mukhang papunta sa amin. Kaya halos maging balisa kami ni Betty at dali-daling nilabas ang mask na palagi naming dinadala. For safety purpose.
"Ayos na ako,"
"Ako rin."
"Hello! Kamusta!" Sabay kaming umiwas ni Betty nang tuloyan silang makarating sa pwesto namin. "Bakit kayo naka-mask? May sakit kayong dalawa?"
"Iwas virus bhe." Walang ganang sagot ni Betty. Halatang naguluhan si Jirah sa sinabi niya. "Hindi mo gets? 'Yang hininga mo viru-"
Pinutol ko ang sasabihin niya. "May ubo kasi kami Jirah, kaya nag mask kami para alam mo na, hindi namin malanghap ang masamang amoy ng bibi – Ibig kung sabihin hindi namin malanghap ang alikabok."
"Nako ganoon ba? Pagaling kayo, oo nga pala.... Kau, 'di ba interesado kang mag trabaho doon sa café na nakadestino sa bayan?" Tumigil ako at tumango.
"Ah, oo. Kaso hindi pa sila nag hi-hire."
"Mali! Nag hi-hire na sila! Kanina lang nakita ko! Nag date kasi kami ni Kevin doon!" Nanlaki ang mata ko at dali-daling tinanggal ang mask na suot.
"Talaga ba!? Walang halong biro!?"
"Oo nga! Puntahan mo bukas – Teka ayos ka lang?" Muntik na ata akong mawalan ng malay dahil langhap na langhap ko ang amoy ng bibig niya, buti na lang at nahawakan ako ni Betty kaya nakatayo ako ng maayos.
"Bakit mo kasi tinanggal mask mo? Suot mo dali!" Tumango-tango lang ako at sinuot ulit ang mask. Pare-pareho lang kaming napatigil ng may biglang lalaki ang pumunta sa gitna tapos may dalang gitara.
"Ang pogi, kakanta ba iyan?" Rinig kung bulong ni Betty. Karamihan rin ay nakatingin sa lalaki, at hindi nga nagkamali si Betty dahil nagsimula itong magsalita.
"Hello goodevening everyone," panimula ng lalaki. "I'm having a trouble right now with my girlfriend," dagdag pa nito.
"May jowa, tignan mo oh may tinitignang babae." Si Jirah.
"Alam ko hindi ako bulag at hindi ako bingi, tsaka dumistansya ka sa akin, Jirah baka masikmuraan kita." Napailing na lang ako at binaling ang tingin doon sa lalaking nagsimulang kumanta. Pero higit na naagaw ng atensyon ko ang dalawang pigura na pamilyar sa akin.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto nila at tinanggal ang suot kung mask, sumunod ako para siguradohing tama nga ang nakita ko, mas lalo ko pa silang sinundan habang hindi nila ako nahahalata. At nakompirma ko nga, hindi ako nagkamali, sila nga. Dali-dali kung kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa.
Calling Boyfriend....
Ilang segundo lang ay nag ring ito.
"Angelo? Nasaan ka ngayon?" Pinakalma ko ang boses ko.
"Babe, nasa office ako ngayon. Why? Is this about the Festival? I told you I can't come with you, marami akong tinapos." Sinungaling talaga.
"Sigurado ka ba? Marami ka ba talagang tinapos?" Nagsimulang tumulo ang luha galing sa mata ko. Wala siyang kaalam-alam na nakatingin ako sa kanila ngayon, nakasunod ako sa kanila.
"Oo nga. Let's talk tomorrow okay? Marami talaga akomg ginagawa ngayong gabi Kaury." Hindi ko binaba ang linya bahagya ko lang nilayo ito sa akin dahil baka marinig niya ang hagulhol ko. "Babe? I'll hang up now." Wala akong sagot.
Mahigpit lang ang pagkakahawak ko sa cellphone ko, at hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa. Ni hindi ko rin namalayan na bumangga na pala ako sa matigas na bagay, pero teka? Bagay nga ba?
Inangat ko ang tingin ko at agad na bumungad sa akin ang dalawang pares ng kulay asol na mata.
"A-Ah s-sorry...." pinunasan ko ang pisnge ko dahil nagkalat ang luha ko.
"Babe? Ibaba ko na 'to, huwag mo muna akong disturbohin ngayong gabi." Bumalik ang tingin ko sa cellphone ko. Akmang ibaba ko na ang linya ng biglang agawin sa akin ng lalaki ang cellphone ko.
"Who's this? Are you talking to someone?" Nanlaki ang mata ko. Teka anong ginagawa niya!?
"Sino ito? Kaury?" Boses ni Angelo sa kabilang linya pa rin.
"A-Anong ginagawa mo?"
"Let's enjoy this night, hmm? I'll hang up this, don't talk to someone again." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinatay niya ang tawag at binalik sa akin ang cellphone ko. Hindi pa ako makapaniwala dahil sa ginawa niya.
"B-Bakit m-mo ginawa iyon?"
"Cheaters deserved to be played."
"What?"
"He's your boyfriend?" Tumango ako. "Consider him as your ex, from now on." Hindi ako nakasagot. Mas lalo pang lumapit sa akin ang hindi ko kilalang lalaki. "You don't deserve him." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad siya papalayo sa akin.
"Teka! A-anong pangalan mo?" Saglit siyang lumingon sa akin habang ang dalawa niyang kamay ay nasa magkabilaan niyang bulsa.
"Are you interested? Don't worry, we will meet each other again. For now, you can call me, yours."
.
Read Now
Favorite