Tumatakbo ako papalayo sa mga humahabol sa akin. Sila ‘yong mga estudyante na humahanga sa Elites. Inutusan daw silang dakpin ako kaya heto ako at patuloy na tumatakbo. Ang Elites ang namumuno sa paaralang pinag-aaralan ko. Naging rank 2 ako sa ranking ng buong school at hindi matanggap ng iba iyon kaya nila ako binubully, besides isa lang akong basura sa paaralan na ito na nakapag-aral lang dahil may nag-sponsor sa akin. Nang malaman ng lahat na hindi kami mayaman ay sinimulan na nila akong bully-hin. Hindi iyong bully na nalalaman ninyo. Mas malupet pa sa iniisip niyo.
Kumaliwa ako sa hallway at bumaba sa hagdanan. Wala ng masyadong estudyante na naglalakad sa hallway kasi dumidilim na. Narating ko ang ground at hindi ko inisip kung saan ako tatakbo kaya kung saan-saan ako pumunta, dahil na rin siguro sa nagpa-panic na ako. Napadpad ako sa likod ng Commerce building. Patuloy pa rin akong tumatakbo habang tinitingnan kung may nakasunod ba.
Hinihingal na ako. Malapit nang mawalan ng hangin sa pagtakbo ko. Pinahid ko ang pawis na tumulo sa aking noo at leeg.
May nakita akong nag-iisang room na naka-open ang pinto. Parang isang gymnasium pero maliit ito kumpara sa gym. Wala nang pumapasok dito kasi nilipat na ang gym at malaki na iyon kumpara rito. Hindi pa ako nakakapasok dito kasi isa ito sa mga ipinagbabawal na pasukin at ang Elites ang nagbabawal doon, hindi ko alam kung bakit.
Naghahanap ako ng matataguan maliban sa mini gym. Nilingon-lingon ko ang paligid. May mga malalaking punuan ang nakapalibot at may mga bushes sa gilid na bahagi nitong gym.
“Nasa'n na ang loser na 'yon?”
Papalapit na sila rito kaya kailangan ko nang magtago. Sa taranta ko ay nagtago ako sa likod ng mga bushes tsaka doon humiga. Wala na akong choice.
Takot na takot ako habang pinapakinggan ang mga footsteps na papalapit. Marami sila base sa tunog ng mga footsteps. Hindi ko na ininda ang mga langgam na nagsimulang gumagapang sa binti ko at tinikom pa rin ang aking bibig.
“Boss hindi namin nakita.”
“Sigurado lang akong nandito ang babaeng iyon. Nararamdaman ko ang presensya niya,” natunugan kong si Mia ang nagsasalita, isa sa myembro ng Elites.
Hindi ko alam kung bakit siya nakakaramdam ng presensya ko eh hindi naman siya makapangyarihan. Or sadyang...
”Aray,” mahinang sabi ko. Kinapa ko ang aking kanang binti kung saan kinagat ng langgam. Hindi pwedeng mahuli nila ako rito kaya kinagat ko nang maigi ang aking bibig para lang hindi ako makagawa ng ingay.
“Quiet,” natunugan ko ring si Jax iyon. Biglang tumahimik ang paligid at ang paghampas lang ng hangin sa mga dahon ang aking narinig. Maya-maya nakarinig ako ng footsteps na papalapit dito sa kinaroroonan ko.
H-hindi pwede!
Lalong bumibilis ang tibok ng aking puso habang namumuo ang pawis sa aking noo.
“Found you,” mahinang pagkakasabi niya tsaka hinawi ang halaman. Napuno ako ng takot nang makita ko ang ngisi na nakaplastar sa kanyang mukha. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko sa posibleng mangyari pagkatapos nito.
Tumalikod siya sa at lumakad palayo. Nanatili pa rin ako sa pwesto ko habang umiiyak, nanginginig sa takot na parang nawalan ako ng lakas sa katawan. Nawawalan ng pag-asa. Hindi ako kumikilos.
“Get her and bring her inside!”
“Roger boss!” sagot ng mga estudyanteng humahabol sa akin kanina.
Dinumog nila ako at kinaladkad. Wala akong ibang magawa kundi ang sumigaw...
“WAG!”
1. Prologue