
215.3K
Views
53
Chapters
Ratings
Celeste's POV
I wake up in unfamiliar place. Ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Sinubukan kong yakapin ang sarili ngunit agad namilog ang aking mga mata nang makita ang kamay ko. Ang hugis nito'y hugis ng paa ng isang aso or should I say paa talaga ng aso? Paa ng aso?!
Gusto kong tumili ngunit tahol ang lumabas sa aking tinig. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata. Tahol? What the heck happenned to me? Where I am?
Ang huling naalala ko'y ang pagkabunggo sa isang kotse at ang dugong pinuno ang aking katawan. Hindi ko alam kung paano nangyari ngunit nakita ko ang malamig na katawan na nakasubsob sa manibela ng kotse. What a disgusting sight of me. I didn't plan to die that way. I plan to die in a beautiful way. Wait, Did I die?
But I can still remember my name, I can still remember every single thing that happenned in my past life. So it's still me, right?
Napatingin ako sa isang salamin, pinagmasdan ang kabuoan ko. I look like an annoying puppy, my eyes still the same but my whole face and my whole body isn't! No! It's not me! This is not me, right? This thing can't be me! How come a gorgeous and fine lady will fucking turn in this thing?!
Tinignan ko 'yon ng masama, bumalik din naman sa akin, ibig bang sabihin ay ako talaga ito?! No! No way!
Agad akong napaatras nang may kamay na sumubok dumampot sa akin. Nakangisi pa ito na tila may pinaplanong masama. Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako. Hindi ko alam kung anong lugar ito kaya hindi ko alam kung saan ako tutungo.
"Arf!" Agad naman akong napaatras nang may mga malalaking aso na nasa harap ko. I turned into a dog, right? How come I can't understand anything that they're saying?
Dahan dahan pa akong umatras nang subukan nilang lumapit sa akin.
Omg! Omg! Don't even come near me! You stinky creatures.
Halatang hindi napapaliguan ang mga ito at mukha ring pagala gala na lang dito sa kalsada. Mga asong kalye. Wait, if they were askals, how about me? I know that I'm a little bit cute compare to them pero katulad nila ay mukhang wala ring nag-aalaga sa akin, so it means I'm an asong kalye?
Napangiwi naman ako sa ideyang 'yon. Nang nakita naman nilang natatakot ako ay mas lalo pa silang nanakot, napatakbo ulit ako, I never run this way in my entire life.
Napatigil naman ako nang may makitang pamilyar na bulto, tinignan ko ito hanggang sa ulo ngunit hindi ko nakita ang kanyang mukha, ang amoy nito'y pamilyar na pamilyar, akalain mo nga naman na kahit malayo ito ay naamoy ko pa rin siya. It's Lyle! I'm sure about that!
Agad ko itong sinundan ngunit nawala siya sa paningin dahil sa dami ng tao sa paligid. Agad akong napalibot ng tingin ngunit hindi ko na siya mahanap pa.
Napasulyap naman ako ng may humahawak sa aking ulo, napatingin ako sa isang batang babae na nakangiti sa akin. Hindi ko naman maiwasang masaktan sa paraan ng paglalaro nito sa akin, aba't gusto na atang ihiwalay ang paa ko sa katawan. Napatahol naman ako sa kanya kaya naibalibag niya ako.
Lokong batang ito, ang sakit ng likod ko dahil sa pagkabagsak ko sa semento. Agad akong tumakbo para hanapin ulit si Lyle. Naamoy ko pa rin ang amoy nito kaya sinundan ko lang 'yon ngunit habang naglalakad ay agad naman akong natakot nang makita ang mga puntod sa paligid.
Baka mamaya ay may biglang magsilabasan dito. Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap ng amoy ni Lyle hanggang sa may makita akong pamilyar na pangalan.
Celeste Fay Cruz
Born: Nov. 26, 20**
Died: May 13, 20**
Sa gilid no'n ang maliit na litrato ko, so I really died, ha?
"She's really pretty, right?"tanong ng isang pamilyar na tinig at pamilyar na amoy. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang kanina pang hinahanap na si Lyle. My boyfriend. He's still my boyfriend cause it's me! I'm still alive!
Nakangiti naman itong umupo sa tapat ko at hinaplos ang ulo ko, napapikit ako dahil doon.
"So where's your guardian?"nakangiti niyang tanong.
I'm stray dog, idiot!
Hindi niya naman 'yon naiintindihan kaya tumahol ako at lumapit sa puntod. Pilit na gumagawa ng paraan para sabihin na ako 'yon. Hindi ko naman maituro ang sarili kaya pilit na hinahawakan ang puntod kaya lang ay agad niya akong nilayo doon.
"Hey, bad,"sabi niya at ngumuso pa sa akin. Is this really my boyfriend? Ang cute naman.
"Don't scratch it, paniguradong magagalit 'yan, mumultuhin ka no'n,"natatawa niya pang sambit.
Paano ko mumultuhin kung nandito ako ngayon? Kung wala akong magawa kung hindi ang tumahol tahol?
"So, where's your owner?"ang kulit din talaga nito, wala nga!
"Paanong wala kang owner kung ganitong ang cute cute mo?"natatawa niyang saad na hinawakan pa ulit ako. Nakangiti pa siya sa akin. Sinubukan niya akong amuyin ngunit agad na natawa.
"You're really stinky, little one,"sabi niya. Napangiwi naman ako. How come I can't smell my own self?
"Should I take you home?"tanong niya sa akin. Agad naman akong tumahol at pati ang buntot ay winagayway pa.
Binuhat niya naman ako na nakangiti pa rin hanggang ngayon.
"Did you give her to me, Celes?"rinig ko pang bulong niya bago tumayo na para umalis. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito habang hinahawakan ako.
That's the day I started being my boyfriend's pet... or not?
Read Now
Favorite