How To Tame A Monster?

Simula

Once a year lang ako kung payagan ng mga kapatid kong lumabas kasama ang mga kaibigan, dahil narin sa maagang namayapa ang mga magulang namin at ako ang bunso kaya kailangan nilang protektahan.

Kahit kailan hindi ko naramdaman ang sinasabi ng mga kaibigan ko, never akong nasakal dahil sa pagiging mahigpit nila sa'kin at sa katunayan pa nga niyan natutuwa ako pag naghihigpit sila, dahil alam kong para din naman sa'kin ang ginagawa nila.

Kagaya nalang ngayon, my sister allowed me to hang out with my friends pero ang hindi niya alam nag lalaro lang naman kami ng online game pag magkakasama. May bagong online game na nilabas ngayong year at ngayong gabi lang sinabi sa'kin ng mga kaibigan kong may ganito pala.

"Hindi mo pa na-install?" tanong ni Angel sa'kin. Sa aming mag kakaibigan si Angel ang always updated sa mga bagong release na online games.

"Mahina ba wifi namin?" tanong naman ni Pauline na bida tuwing k-pop songs naman ang usapan.

Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang mga 'to dahil sa aming tatlo ako lang ang outdated sa mga nangyayari dito sa mundo, kung hindi pa nila ako sasabihan hindi ko malalaman na may nag divorce na naman na singer sa ibang bansa.

"Ilang hinga nalang matatapos na."

Nauna silang mag-log in dahil nauna naman nilang na-discover ang laro kaya ako ito nag hihintay parin matapos ang loading para maka-log in narin at masama silang mag laro.

"Ano ba kasi ang larong 'to at bakit ang daming rules?" curious kong tanong sa dalawa.

"Online game yan, mag aalaga ka lang ng monster para makakuha ka ng diamond. Bonus narin kung pogi sa reality ang monster mo," ngising sagot ni Angel.

Sabi na, kung tungkol talaga sa mga games hindi na nag kakamali ng nilapitan kung si Angel ang pinuntahan mo, bukod sa kaya niyang mag explain sa mga taong wala talagang alam, mabilis lang din maintindihan pag siya na ang nag sasalita.

"Tapos na."

Binigay ko ang cellphone kay Angel dahil sabi niya kanina siya na ang gagawa ng paraan para ma-register ang account na gagamitin ko. Wala din naman akong alam kung ano ang mga dapat kalikutin kaya hinayaan ko na.

"Anong name ang gusto mong ilagay ko?" tanong nito.

Gusto ko yung pangalan na hindi makikilalang akin, yung related parin sa'kin o connected parin sa mga pangalan ko? Hindi naman sa pagmamayabang pero tatlong pangalan muna ang isusulat ko bago ko maisulat ang apelyido.

"Ano sa tatlong pangalan ko ang hindi alam ng ibang tao sa school? Yung never ko pang nasulat sa paper at never na-mention ni Teacher?"

Nag ning-ning agad ang mga mata ni Pauline dahil alam niya kung anong pangalan ko ang tinutukoy ko, at alam kong ito ang pinaka-favorite niya sa lahat ng pangalan ko.

"Shexien! Shexien! Haianna Xoain Shexien! Wang!" banggit niya sa chinese full name ko.

Natatawa nalang ako sa paraan ng pagbanggit niya, tama naman kaso nga lang minsan nabubulol siya pati narin ang ibang tao pag sinasabi ang pangalan ko. Hayana Shawyen Shaysen Wang ang tamang pronunciation ng pangalan ko at bihirang tao lang ang nakakakuha ng tamang pagbanggit non.

"Sounds good," agree naman ni Angel at nag type ng kung ano sa keyboard ko.

"Pwede din ba sa laptop ang game na'to? I mean, mas madalas kong gamitin ang laptop ko kaysa sa mobile phone."

Nilabas naman ni Pauline ang laptop niya at pinakita sa'kin na naka-log in din pala ang account na gamit niya doon, ibig sabihin lang niyan na kahit saan pwedeng i-log in basta alam mo ang password at username mo.

After a minutes natapos narin si Angel at binigay sa'kin ang phone ko. Maraming choices kung anong profile ang gagamitin ko, kailangan din ng kaunting information para malaman ang age, birthday and sex ng user.

"Welcome to How To Tame A Monster? Enjoy playing!"

Natawa pa 'ko dahil sa subrang tinis ng boses, ang sakit sa tenga pero cute naman pakinggan. Sino kaya nag voice over non? I want to advice her lang na next time wag ipitin ang boses.

"What should i do next?"

Grabe naman kasing games 'to, wala man lang step by step instructions para sa mga first time mag lalaro.

"Wait for the matchmaking," tipid na sagot ni Pauline.

Kagaya ng sinabi niya, hinintay kong may mag notify sa'kin para malaman ko kung sinong monster ang pumili para maging master ako.

(Bzz! Bzz!)

Kung hindi pa nag-vibrate ang phone ko hindi ko malalaman na nag notify na pala sa'kin ang HTTAM para sa update.

"Cold choosed you as his master, enjoy taming.."

Inistalk ko kung sino nga ba ang Cold na 'to at kung bakit ganyan ang pangalan niya, may nakita lang akong mga update about science at kung ano-ano pang related sa studies.

"Sure ba kayong safe 'to?" nag aalangan kong tanong.

"Bakit? Patingin nga kung sino ang pumili sa'yo."

Inagaw ni Angel ang phone ko at siya na mismo ang tumingin sa lalaking nag ngangalang Cold.

"OMG! Halatang matalino sis, hindi ko lang masabi kong pogi."

Natawa si Pauline dahil sa komento ni Angel, "Pogi naman halos lahat ng bookworm ah, sabay mo narin si Code na hari ng library."

Tinimbang ko muna kung kilala ko ba ang Code na sinasabi ni Pauline at don ko lang naalala ang lalaking pinagalitan ako dahil hindi daw tama ang ginagawa ko, for heaven sake, ang library ay para sa mga students na nag aaral at nag re'research so normalize na gumamit ako ng laptop aside sa libro.

"I really hate that guy," ako naman ang nag bigay ng bad feedback.

"Kasi mas gusto mo yung hot guy than sa mga cute."

Natawa naman ako. "Anong cute don? Mas mukha pa siyang halimaw kung magalit kaysa sa mga hot guy na sinasabi mo."

Nawala sa laro ang atensiyon ko at napunta iyon sa lalaking nag ngangalang Code, ang lalaking sumira sa unang araw ko sa library. Imagine, it's my first time borrowing book at tumambay sa library then ganon ang magiging welcome niya sa'kin?

Mas gugustuhin ko pang mag alaga ng totoong halimaw kaysa ang makipagkaibigan sa halimaw na 'yon, nakakainis siya at ang sarap niyang tirisin na parang kutong pagapang-gapang.

1. Simula