"Halika bilis!"
Mahigpit ang pagkakahawak ng kaibigan ko sa aking kamay na para bang ayaw ako nitong makatakas. Mabilis siyang tumakbo kaya pati ako ay napatakbo na rin. Ang bilis! Buti hindi kami nabubunggo sa mga estudyante na nadadaanan namin.
Huminto kami sa harap ng room. Habol ko ang hininga dahil sa layo at bilis ng pagtakbo namin. Ano ba naman kaseng gusto niya? Napabusangot ako at kinuha ang kamay sa kaniya.
"Bakit ba kase?" inis kong tanong.
Kinalabit niya ako saka ngumuso. Hindi man lang niya ako tinignan.
Tinignan ko ang tinuturo ng nguso niya. Nandoon 'yong transferee naming kaklase. Nakikipag-away kay Patrick the bully.
"Tulungan mo siya, beshie."
Binubunggo niya ang balikat ko gamit ang balikat niya. Tinignan ko ulit sila Patrick. Kung ano-ano ang sinasabi nito doon sa transferee. Nakakarindi pero hindi ko naman sila kayang awatin.
Dapat hindi ako ang tinawag ni Beshie. Dapat si Ma'am para matigil na sila. At isa pa baka masama pa ako sa away nilang dalawa.
Lumapit 'yong kaibigan ni Patrick at nilagyan ng juice ang pagkain n'ong transferee. Sumo-sobra na sila!
"Tawagin mo si Ma'am, bilis." Bulong ko kay Shobe.
Tumakbo na siya paalis. Ako naman ay nanatili sa kinatatayuan at tinitignan sila na nag-aaway. Nang lumapit si Patrick sa transferee at akmang ibubuhos ang hawak nitong chocolate pero sumigaw na ako.
"Patrick!" Tawag ko sa pangalan niya.
Napunta sa akin ang atensyon nila. Pati ang mga classmates namin na pinapanood lang silang nag-aaway.
"Bakit ka ba nangbubully? Alam mo bang bad 'yan?"
"Bakit ka ba nandito, Fort? Umalis ka nga kung ayaw mong madamay."
"Damay-damay na 'to! Ipapa-guidance kita." Banta ko sa kaniya.
Tinaas niya ang kamay niya na may hawak na baso ng chocolate syrup. Akala ko ibubuhos niya sa amin iyon pero tinumba niya lang sa sahig kaya nagkalat ang chocolate sa tiles.
"Hindi pa ako tapos sa 'yo," ani nito at masamang tinignan ang taong nasa likod ko.
Hindi pa sila nakaka-alis ng dumating si Shobe kasama si Ma'am. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Ma'am sa aming apat. Si Shobe naman ay nanlalaki ang matang tinitignan ako.
"Sinong nagsimula ng away?" tanong ng principal.
Walang sumagot sa amin. Hindi ko naman alam kung sinong nagsimula ng away. Ayaw kong sabihin si Patrick kahit na alam kong bully siya, hindi ko naman alam ang nangyari.
Bumukas ang pinto ng guidance office at pumasok ang isang babae at ang yaya ni Patrick. Bakas sa mukha n'ong babae na nag-aalala siya sa katabi ko, sa transferee.
"Ayos ka lang ba, anak?"
Walang ibang sinagot ang katabi ko kundi tango lang. Wala ba siyang boses? Kanina pa siya tahimik. O baka mabaho ang bibig niya? Baka hindi siya nagto-toothbrush?
"Patrick, ano ba'ng nangyari?" tanong ng yaya ni Patrick.
"Mind your own business, yaya. Bakit ka nandito? Parent ba kita?"
Hindi na sumagot ang yaya niya. Pinunasan na lang nito ang pawis sa noo ng alaga pero itong si Patrick mismo ang nagtaboy ng kamay ng yaya niya.
Ganiyan naman siya parati.
Nag-usap ang parent ng transferee at yaya ni Patrick. Pinag-ayos nila ang dalawang bata pero kutob ko hindi pa talaga tapos si Patrick sa pambubully niya.
Mukhang may balak pa siya sa katabi ko. Alam kong masusundan pa ito at baka sa susunod madamay na ako. Si Shobe kase e, nananahimik akong naglu-lunch tapos bigla akong tinawag.
Baka mapatawag na si Mama sa susunod. H'wag naman sana. Ayaw kong mag-alala pa sila.
Sinalubong ako ni Shobe sa labas. Kumakain pa siya ng ice-cream kasama 'yong pinsan niya na taga ibang section.
"Anong nangyari?" tanong niya sa akin. "Gusto mong ice-cream?"
"Okay na sila." Nginitian ko siya saka kinuha ang inaabot nitong ice-cream.
"Ikaw, okay ka lang?" Tumango ako. "Ba't parang hindi?"
"Ba't hindi mo tanungin iyang sarili mo? Bakit mo pa kase ako dinala sa room?" Nag-peace sign lang siya at pinagpatuloy na ang pagkain niya ng ice-cream. "Balik na tayo sa room."
Hindi na kami pinapasok sa room dahil naglilinis 'yong janitor doon. Ang dami kaseng kalat ni Patrick sa sahig pati sa mga mesa. Uwian na rin kaya naghintay na lang ako sa lugar na parati kong pinaghihintayan.
Nilalaro ko ang bato na nasa aking paanan habang naghihintay kay Mama na dumating.
Nahinto ako sa pagsipa ng bato ng makita ang pares ng paa sa aking paanan. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatayo at nakangiti sa akin iyong na-guidance kanina, iyong transferee. Sa likuran niya ay nandoon ang mama niya, nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako.
"Salamat kanina," sabi nito. Unang salitang narinig ko sa bibig niya. "Gusto mo ng ice-cream? Libre kita."
Ang ganda ng boses niya. Pero mas maganda iyong alok niya sa akin. Pero may inihintay pa kase ako. Baka dumating si Mama at wala ako dito, mag-alala pa iyon.
"Baka kase hanapin ako ni Mama, salamat na lang po."
Lumingon siya sa likuran at bumalik ng tingin sa akin. "Sige, bawi ako bukas. Salamat ulit!"
Ang gwapo!
"Shad nga pala, ikaw si Fort, 'di ba?"
"Kilala mo 'ko?"
Tinuro niya ang name tag ko. May name tag pala. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya at inabot ang kamay nito. Nakipag-shake hands ako.
"Fortis, fort na lang."
"Halika na, Shad. Naghihintay si Daddy," sabi ng Mama nito. "Mauuna na kami, Hija."
Kinawayan ko sila. Nagpa-alam si Shad sa akin at ganoon rin naman ang ginawa ko. Ngunit bago sila makasakay sa sasakyan nila ay tinawag ko pang muli si Shad.
"A-Ano?"
"Pwede bang maging friends tayo?" Alok ko.
Hindi ko inaasahan na ang araw na ito ang makapagpapabago ng buhay ko. Ang dating tahimik ay gumulo. Nagkaroon ako ng panibagong kaibigan na naging sandalan ko. Aaminin kong duwag ang tingin ko sa kaniya dahil hindi siya pumapatol kay Patrick at sa iba pa, ngunit ang sabi niya sa akin; mas mabuting umiwas sa gulo kaysa dumalo.
He become my bestfriend. My soldier.
1. Prologue