501.3K
Views
6
Chapters
Ratings
“Ate! Ate gising na!” Rinig kung sigaw ng kapatid ko sa labas.
Bumaba ako sa kama habang humihikab at binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakabusangot kaya taka siyang tinignan.
Ano’ng nangyari sa kaniya?
“Hoy! Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit ka nakabusangot diyan ha?” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
Matalim niya ako’ng tinignan kaya napakurap ako. May ginawa ba ako’ng masama sa kaniya? Inaalala ko ng mabuti hanggang sa nag-salita siya. Nakabusangot pa rin ang mukha niya.
“Ang tagal-tagal mo, ma la-late na ako sa klase.” Inis niyang sabi.
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil may pasok pala kami ngayon. Sinenyasan ko naman siya na susunod na ako, tumango lang siya at bumaba na. Sinarado ko na ang pinto at pumunta na ng banyo para maligo.
Hayy, wala ako’ng ganang pumasok. Nakakatamad. Pero kailangan kung pumasok sa paaralan para maganda ang kinabukasan ko. Ayokong matulad sa mga ka edad ko na may mga asawa’t anak na.
At isa pa, ayoko na namang lumipat ng ibang paaralan. Kailangan ko na talagang ayusin ang pag-aaral ko sa lilipatan ko dahil baka masapak na ako ni Kuya.
Maya’t-maya lang ay natapos na ako. Bumaba ako at pumunta sa dinning area para kumain. Nandoon na si Kuya, Mommy at kapatid kung sunod-sunod na sinubo ang ham.
Patay gutom lang.
“Bakit hindi niyo ako hinintay?” Nakanguso kung tanong sa kanila.
Umupo ako sa tabi ni Dexter at kumuha na rin ng pag-kain. Sigurado ako’ng masarap ang mga ito. Si Mommy ang nag-luto e. The best kaya siya pag-dating sa pag-luluto!
“Kanina pa kami gutom.” Sagot naman ni Kuya.
“Ikaw lang, takaw mo kasi.”
Tumingin naman sya sakin ng masama inirapan ko nalang, totoo naman kasi ang takaw-takaw. Pero infairness hindi tumaba si Kuya kahit palaging kumakain.
Gwapo siya, mabait minsan at babaero. Gabi-gabi kasi siyang pumunta sa bar. Ewan ko ba kung bakit ang hilig niya’ng pumunta doon. Sinasayang niya lang ang pera sa mga babae.
Wala kasing Girlfriend kaya ayan, malayang nagagawa ang mga gusto niya. Sarap itapon sa mars. Naku, kung ako lang ang Girlfriend ni Kuya baka kanina ko pa pintay, syempre joke lang ‘yun. Kahit ganyan si Kuya loves na loves ko iyan ‘no!
Siya na kasi ang tumayong Tatay samin ng kapatid ko. Wala na ang Daddy namin, hindi pa naman siya patay. Sumama lang talaga siya sa kabit niya. Yeah, kahit may asawa na siya at mga anak nambabae pa ‘din.
Nag-hahanap ng ibang putahe.
Kaya nga takot ako mag Boyfriend e, takot ako’ng masaktan.
“Hoy Alice! Bakit ka na naman tulala diyan? Wala ka bang balak kumain?”
Agad naman akong napatingin kay Kuya dahil bigla niya nalang akong binatukan. Wala naman ako ginawa para batukan niya ako ah? May sumapi na naman sa kaniyang demonyo.
“Ano ngayon kung hindi ako kakain?” Tanong ko sa kanya.
“Ako na ang uubos.” Sambit niya na nag-patigil sa akin. Tumingin ako sa plato niya at nakita ko doon na wala ng laman. Ang lakas talaga niya’ng kumain!
“Kuya, Ang dami mo na kayang kinain!” sabi ko sa kaniya.
Aba, pati ba naman pagkain ko kukunin niya? Meron pa namang ham e. Kailangan talaga na ang pag-kain ko ang kukunik niya? Paano ako makakain nito?!
“Gutom pa ako, akin na ang ham mo!” Parang bata niyang sigaw sa akin. Mabilis nyang nakuha ang ham na nasa plato ko tsaka kinain. Napanganga nalang ako dahil sa inasta nya. Walanghiya! Patay gutom ang Kuya ko! Parang isang taon siyang hindi naka-kain ah?
Narinig ko naman ang mahinang tawa nina Mommy at kapatid ko. Napasimangot nalang ako. Napatingin ako sa plato ko. Wala ng laman, tumingin ako sa nilagyan ng ham. Wala na rin, mukhang kinuha na ni Dexter.
Pinag-tulungan ako ng dalawa! Kapatid ko ba talaga sila?!
“Pabayaan mo na iyang Kuya mo anak, minsan lang naman sya maging ganiyan.” Bulong sakin ni Mommy
Tumango nalang ako dahil tama sya. Minsan lang maging ganiyan si Kuya, mostly kasi masungit siya tsaka pilosopo.
Inutusan ni Mommy ang kasambahay namin na kuhanan ako ng panibagong ulam. Mabuti nalang pala at marami silang naluto. Kung wala, sila ang kakainin ko.
Pagkatapos kung kumain ay nag-paalam na ako sa kanila na aalis na. Hinalikan muna ako ni Mommy bago umalis.
“Bilisan mo Ate! Chill-chill-chill ka lang diyan tapos ako eto! Kinakabahan dahil late na ako!” sigaw sa’kin ng kapatid ko.
Walanghiya ‘to sigawan ba naman ako. Umirap ako bago siya sinagot. “Hindi ako bingi kaya tigilan mo na iyang kaka-sigaw mo sa’kin.”
Sumakay na ako sa kotse ni kuya at mabilis naman siyang nagmaneho papunta sa school namin. Rinig na rinig ko pa kung paano nag-maktol si Dexter. Kasalanan ‘din naman nila. Hindi ako ginising ng maaga e.
4rt Year Student na ako at yung kapatid ko naman 2nd Year Student, Nag-aaral kami sa Waldroop National High School. Habang nagmamaneho si Kuya bigla nalang tumunog ang phone niya. Napatingin ako doon at mabilis na nag-taas ng kilay.
Sino naman kayang babae ang tumawag sa kaniya?
“Fuck off Drake!” sigaw ni Kuya sa tumawag sa kanya.
Drake? Sino naman ‘yun? Isa ‘din ba siya sa mga babae ni Kuya? Wait--- Drake? Oh my ghod! Napatakip ako sa bibig ko at tinignan si Kuya. Kita ko kung paano siya nainis.
Lalaki ang bagong jowa niya? Hindi babae?! Pumatol si Kuya sa lalaki? Ganun na ba talaga sya ka-adik sa ***?
“Oo na! Oo na! Pupunta na ako! Bwesit ka! Nag- d-drive ako!” Inis niyang sigaw at binaba na ang phone.
“Pumatol ka sa LALAKI?!” Sabay naming sigaw ng kapatid ko.
Tinignan kami ng masama ni Kuya atsaka niya kami binato ng tissue. Napa ‘aw’ nalang kami ng kapatid ko dahil doon.
Habang hinihimas ko ang aking ulo ay nakita ko na may ngiti na sumilay sa labi ni Kuya. So it means jow---ay hindi! Hindi ‘yun totoo! Hindi papatol ang Kuya ko sa lalaki.
Ganun naba talaga sya ka adik sa *** kaya pumatol ‘din sya sa lalaki? Nag-sasawa na ba siya sa mga babae? Paano kapag mag-sawa na siya sa lalaki? E’di hayop naman ang aanuhin nyia?
Sinamapal ko ang mukha ko. Ano ba itong iniisip ko pati hayop isinama ko pa. Hindi naman siguro masama kung tatanungin ko siya ano? Natural lang ‘yun dahil kapatid niya kami.
Tinignan ko muna ang kapatid ko mukhang alam na niya kung bakit ako tumingin sa kanya. Tumango lang siya at nag-approve sign. Pareho kaming mag isip ng kapatid ko Haha.
Kinulbit ko naman si kuya, tumango lang sya. Okay self, be ready. Sana naman ‘di siya magalit.
“Kuya hehe.”
“Ano?” Masungit niya’ng tanong.
Bakit ba ang sungit niya? Napakamot nalang ako sa ulo dahil kinabahan ako. Natatakot ako sa magiging reaction ni Kuya. Baka masakal niya ako. Itutuloy ko pa ba?
“J-jowa mo ba ‘y-yun?”utal-utal kung tanong.
“Hindi, crush ko lang siya.”
Napako ang tingin ko kay Kuya na nakangiti habang nag-mamaneho. Wait! Totoo ba ang narinig ko? Crush niya? Putek, may crush siyang lalaki? Ay hindi ko pa naman tinanong kung Babae ba o Lalaki ‘yun e.
Baka naman kasi babae tapos name nya lang is Drake di’ba?
“Lalaki siya.” Nakangiti niya pa rin na sabi.
Hindi ako makapaniwala na nag-kagusto siya sa isang lalaki! Akala ko ba straight si Kuya? Ano ng nangyayari sa kaniya? Nasubrahan ba siya ng alak? Tulog? Puyat?
“H-huh?” Gulat kung tanong. Rinig ko rin ang pag-singhap ng kapatid ko sa likod. Hindi ‘din makapaniwala na may crush si Kuya. Sa lalaki pa. Seryoso ba talaga si Kuya? May crush talaga siyang lalaki?
Ano ng nangyari sa mundo?!
“Gusto ako ng crush ko.”
E’di wow! Wala ako’ng pake! Napa-irap nalang ako at binalik ang tingin sa daan.
“E’di ikaw na!” Inis kung sabi. Narinig ko siyang tumawa kaya hinampas ko siya. Wala na ako’ng pakialam kahit nag-drive siya!
“Inggit ka sis?” Nakangisi niyang tanong.
Eww, yuck, kadiri. Tunong bakla. Kadiri talaga si Kuya. Mamaya nga ay isusumbong ko siya kay Mommy. Sigurado ako’ng pagagalitan siya dahil sa ginawa niya! Hmp.
“Bakit nama ako mainggit?” Tanong ko sa kaniya.
“Kasi gusto ako ng crush ko, e ikaw? Gusto ka ba ng crush mo? Hindi di’ba?”
“Woah! First Blood!” Komento ng kapatid ko.
Hinarap ko sya at binato ng isa pang tissue. Bwesit ‘to! Pag-tulungan ba naman ako! Wala na talaga ako’ng kakampi dito! Palagi nalang!
“Lakong pake kung hindi niya ako gusto.” Inis kung sabi sa kaniya.
“Kawawa ka naman sis! Alam mo ba, nakita ko kanina si Dave. May kahalikan.”
“Double Kill!” Komento ulit ni Dexter.
Masyado na siyang na-a-adik sa mobile legend. Kung hindi COD ang pinagaabalahan niya, mobile legend naman. Baka mabaliw siya roon, hindi na siya maka-focus sa pag-aaral. Strict pa naman si Kuya pag-dating doon.
Hinawakan ko ang tainga nya sabay pingot.
“A-aray! Alice! Ano ba! Masakit! Bitawan mo ako! Bitaww!!” Pag-mamakaawa niya pero hindi ako nakinig. Patuloy ko pa ring piningot ang tainga niya hanggang sa namula ‘yun. Doon na ako tumigil.
“”Bwesit ka Kuya! Alam mo naman na crush ko siya di’ba?! Bakit hinayaan mo na lumandi siya sa iba?!” Inis kung singhal sa kaniya.
Ay, jowa mo ‘te? Jowa mo? Maka-asta ‘to. Crush mo lang naman siya! Syempre lalandi siya sa iba. Hindi naman kayo e.
Argh! Nasisiraan na ako ng utak! Kaunti nalang at madadala na ako sa mental hospital! Jusme. Sakit sa bangs.
“E ang sarap daw kasi ng babae na ‘yun. Kaya nilandi niya!” Sabi niya habang hinimas-himas ang tainga. Sa parteng piningot ko.
“E ikaw ba? Masarap ka ba? Hindi naman di’ba? Kaya mas mabuting mapunta nalang si Dave sa babae na ‘yun kaysa sa’yo!”
Aray ha! Ang sakit niyang mag-salita! Nasaktan ang bangs ko!
“Uh-oh triple kill.” Komento ni Dexter.
Hinarap ko siya at binato ng mineral bottel. Napadaing siya sa sakit. May laman pa kasi ‘yun. Tumama pa sa mukha niya.
Napa-isip naman ako sa sinabi ni Kuya. Hindi ba talaga ako masarap? Sabagay wala pa namang naka-kuha ng bataan ko kaya hindi nila alam kung masarap ba ako o hindi.
Virgin ako mga pre. Fresh na fresh. Ahihihi.
Pero…
“Crush mo talaga ‘yun Kuya?” Tanong ko.
Nagulat naman ako ng bigla syang tumawa with matching pa hampas hampas pa sa manibela ng kotse. Adik talaga. May saltik talaga ang isang ‘to. Mana kay Mommy minsan.
Hehehehe, peace!
“Bakit kaba tumawa diyan?” Inis kung tanong.
“Hahaha ang sarap niyong…” Hindi niya naituloy dahil tumatawa pa ‘din siya.
Kumunot naman ang ko at bahagyang tumaas ang kilay. Ang sarap niyong? Ano? Ano ang ibig-sabihin niya doon?
“Sa tingin niyo talaga papatol ako sa lalaki? Mga baliw kayo!”
‘Oo, kasi alam namin na malandi ka.’
‘Yan sana ang sasabihin ko pero hindi ko nalang tinuloy dahil baka magalit siya. Para pa naman siyang dragon kapag nagagalit. Bugahan pa ako ng apoy.
“Hoy Kuya! Late na ako! Bilisan mo kaya diyan!” Sigaw sa kaniya ni Dexter st dahil doon malakas niyang pina-takbo ang kotse niya.
May car racing ba?! Parang naiwan ang kalaluwa ko dahil sa bilis na pag-takbo ni Kuya sa kotse. Gusto niya bang mamatay?! Kung gusto niya, huwag niya kaming i-damay! Wala pa ako’ng first kiss at hindi ko pa napapalitan si Dave kaya hindi pa ako pwedeng mamatay! May misyon pa ako sa lupa!
Read Now
Favorite