617.7K
Views
42
Chapters
Ratings
It was summer that time, I was sixteen back then. Halos hindi pa rin ako makapaniwala nang sabihin ni Nanay na aalis na kami sa aming buhay na kinagisnan para pumunta sa mas marangyang buhay. Siyempre natuwa ako, sino ba naman ang hindi? Noong una ay kinabahan din ako at umayaw nang malaman namin ni Kuya na may kalaguyo na si Nanay. Masaya naman kami dahil matapos sa mahabang pagmumukmok magmula nang mamatay si Tatay ay noon lang namin ulit siya nakitang masaya. Iyon lang, hininantakutan kami nang malaman kung sino ang kalaguyo niya at kung gaano kataas ang estado nito sa buhay.
Sariwa pa sa alaala ko ang gabi na nagtalo sila ni Kuya dahil doon.
“Nay, tanggap ko naman! Kaso sa iba na, huwag lang do’n! Masyadong mataas, Nay, hindi natin maaabot ‘yun!” si Kuya.
“Ano ka ba naman, Jamile? Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ganoong tao ang Tito Elton mo! Oo noong una may pagdadalawang-isip din sa akin, ngunit pinatunayan niya naman sa atin na puro ang intensiyon niya, hindi ba? Isa pa, nagmamahalan kami! Hindi ito tungkol sa yaman o ano! Minahal niya ako kahit isa lang akong hamak na katulong!”
Kitang-kita ko na mas nalukot ang mukha ni Kuya. Nagpabalik-balik ang lakad niya sa harap ni Nanay. He’s really frustrated. Pakiramdam ko nga ay tumanda kaagad siya bigla. Ganoon siya kaproblemado.
“Ang akin lang naman ay ang kapakanan natin, Nay. Kung ano ang sasabihin ng mga tao kapag nalipat ang pamilya natin sa lugar na iyon. Nay, hindi lang basta-basta ang barrio na iyon! Kung ang atin pugad ng mga kahig at isang tuka, ang Ezperanza ay pugad ng mga taong tumatae ng ginto!”
Ezperanza. Ang napakagandang barrio ng Ezperanza. Sa gitna ng pakikinig sa pagtatalo nina Nanay at Kuya, kaagad namang lumayag ang diwa ko sa lugar na noo’y sa mga kwento ko lang naririnig. Minsan ay nakita ko na rin ang kaunting pasilip ng lugar na iyon sa telebisyon at hindi ko maiwasang mahalina sa sinabi ni Tito Elton na dadalhin niya kami roon ni Nanay para manirahan kasama niya. Naguguhit ko na sa aking kaisipan ang isang magandang lugar na may mga magagarang kabahayan. Matatanaw ang mga masaganang palayan, maisan, at asukalan sa paligid. Magkakaroon ako ng mga kakilala o mas masaya ay mga kaibigan na hindi pangkaraniwan sa mga kaibigan ko lang dito sa amin.
“Hindi hahayaan ni Elton iyon, Jamile! Aldivar siya! Makapangyarihan at tiyak na ang seguridad at proteksiyon sa buhay natin!”
“Iyon na nga, Nay! Aldivar! Ikalawa sa pinakamayaman sa Ezperanza! Ayos kung si Tito Elton lang, paano ang buong angkan niya? Ang ibang angkan na nakapaligid sa kaniya? Tsaka bata pa si Jamila at nag-aaral, Nanay! Ayokong maranasan niyang apihin at kutsahin sa papasukan niyang paaralan doon na hindi niya kailanman naranasan dito!”
Sa narinig kong sinabi ni Kuya ay tila usok na naglaho bigla ang kanina ay masaya kong paglalayag sa aking isip. Dahan-dahan akong ginapangan ng kaba at napababa ang tingin sa kahoy naming sahig.
Tama si Kuya. Kung si Tito Elton ayos sa amin dahil mahal niya si Nanay, paano ang mga tao roon? Tsaka baka hindi ako magkaroon ng kaibigan doon dahil tama si Kuya, baka kutsain lang ako. Ang taong mukhang putik, linisan man at bihisan para ihanay sa mga mukhang ginto, magiging mukhang putik pa rin dahil sa umpisa, hindi naman tunay na ginto.
Ngunit walang nagawa si Kuya, buo na ang desiyon ni Nanay.
“Nay, bakit po hindi mo pinilit pa si Kuya? Paano na siya, Nay?”
Umiiyak ako ngayon habang nasa byahe na kami patungong Ezperanza. Sakay sa mamahalin at magarbong kotse ni Tito Elton, maaga pa lamang ay tumulak na kami. Nagpaiwan si Kuya na siyang kinaiyak ko. Ayaw niya talagang sumama sa amin.
Nakita kong sumulyap si Nanay sa harap kung saan nakaupo si Tito Elton katabi ng driver niya bago pilit na ngumiti sa akin. “Jamila makinig ka. Bukod sa pagmamahal ko sa Tito Elton mo, heto na ang tsansa nating makaahon sa buhay, anak. Kaya tayong buhayin ng Tito Elton mo, pinangako niya sa akin iyon. Kung ayaw ng kuya mo ay wala na akong magagawa. Malaki na rin siya para buhayin ang sarili niya.”
Nakaramdam ako ng habag sa nakatatanda kong kapatid. Nasa isip ko pa ang sinabi niya bago namin siya iniwan. Na maging matatag lang daw ako at malakas. Kapag daw nakaipon siya ng sapat ay kukunin niya ako sa puder ng mga Aldivar. I felt so torn. Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng matatawag na pirmanenteng tahanan. Hati sina Nanay at Kuya at ako’y nagpapatianod lang kung sino ang hihila sa akin.
“She’s still not calming down?” Nakangiting bumaling si Tito Elton sa banda namin ni Nanay. “I’m sure kapag nakita niya na ang lugar ng Ezperanza ay kakalma na siya. You’ll come to love it there, ija. That’s for sure.”
“Naku, naninibago lang ito Elton at hindi pa nakaalis sa ibang lugar bukod sa kinalakihan. Masasanay rin ito,” si Nanay.
“I’m just sad about Jamile.” Bumuntonghininga si Tito at kitang malungkot talaga sa hindi pagsunod ni Kuya.
“Iniwanan ko siya ng address. Kapag nahimasmasan, susunod rin ‘yun.”
Panaka-naka pa rin ang pagsinghot ko habang nasa byahe. I wouldn’t look outside the window. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko. I was nurturing my own feelings. Hindi ko ipagkakaila na masaya naman ako sa paglalayag namin na ito at sa pag-ahon namin sa mahirap na buhay, ngunit kung ang kapalit noon ay pagkawatak ng aming pamilya, huwag na lang. Noong nawala si Tatay, masakit na. Ngayong pati si Kuya, hindi ko na alam. Gusto kong makiusap na bumalik na lang kung saan namin naiwan si Kuya. Hindi bali nang mahirap, basta kumpleto lang kami at masaya.
“Look, ija. We’re going inside Ezperanza now,” si Tito Elton.
Naramdaman ko ang pagsiko ni Nanay sa akin. Sumisinghot na tiningala ko siya. Nginuso niya ang labas ng kotse at labag man sa loob, pinilit kong tignan ang lugar kung nasaan na kami ngayon.
Dahil sa panhahapdi ng mga mata mula sa pag-iyak, nasilaw pa ako sa liwanag ng araw na makikita sa paligid. The first thing I saw was the greeneries. Hindi ako nagkamali sa mga puno at palayan na makikita roon. Nakakita ako ng mga bata na naglalaro sa mga dayami sa palayan at may mga ibang nagbibisikleta sa payapang daanan. Hindi ko namalayan na lumapit na pala ako sa bintana.
“Ang ganda…” wala sa sarili kong sambit.
“Hindi ba?” si Nanay sabay hagod sa aking buhok.
Naglikot ang aking mga mata. Ang Ezperanza na nakita ko lang noon sa telebisyon ay doble ang ganda ngayong nasa harap ko na! Pakiramdam ko ay sobrang sariwa ng hangin sa labas. Tuwing umaga ay amoy na amoy ang bagong luto na mga pandesal sa paligid at mainit na mga kape. Simple lang ang mga kabahayan sa paligid, ngunit nagsususmigaw pa rin ng karangyaan ng Ezperanza. May mga kambing, baka, at mga kabayo na noon ko lang nakita ng personal. Nakangiti ang lahat ng mga tao at tila lagi ay may bayanihan. Para akong nakalutang sa isang napakagandang panaginip. Paghanga. Iyan ang matagal ko nang nararamdaman para sa barrio ng Ezperanza. Katuwa at sa isang iglap, ang mabigat kong nararamdaman kanina ay kaagad na nawala.
Kuya, sayang at hindi mo ito nakikita ngayon.
“Do you like it?”
Nahihiyang tumingin ako kay Tito Elton bago kay Nanay na malawak nang nakangiti sa akin. Tumango ako sa kanila.
“Welcome to Ezperanza, Jamila.”
Read Now
Favorite