554.5K
Views
38
Chapters
Ratings
“Broken-hearted ka pa rin ba hanggang ngayon, Rowan?” Nakasimangot ang kaibigan ni Rowan Dalida. Si Marion. Madalas ay tinatawag niyang Marionette dahil para itong puppet ng sobrang mahal nitong nobyo. Kahit ano ang gusto nito ay ibinibigay ng kaibigan.
Sandaling tumigil sa paglalakad sa bangketa ang beinte y singko anyos na si Rowan upang titigan ang kaibigan. Napaingos pa siya rito dahil sa katatanong nito tungkol sa kaniyang love life.
“At bakit, Marionette? Makakapag-move din ako, makikita mo! Kita mo naman ako, hanggang ngayon ay buhay pa rin kahit wala siya.” Inisnab pa niya ito at nauna na sa paglalakad.
Hinabol naman siya ng kaibigan hanggang makapasok na sila sa maliit na opisina niyang landscaping services na tinatawag na “Organic Gardens.” Nirentahan nila ang maliit na opisinang iyon sa unang palapag ng isang malaking gusali sa Makati. Salamin ang nasa harap na dingding pati na ang pinto. Nakaprinta ang pangalan ng kaniyang maliit na business sa dingding at may creative na design ng garden sa salaming dingding at nakalista ang kanilang services sa pinto.
“Tinatanong ko lang kung totoo ngang naghiwalay na kayo ng boyfie mong hunk na si Riff para makapag-move on ka na.”
Lalo pa siyang nakasimangot nang marinig ang pangalan ng kaniyang ex-boyfriend na isang modelo at endorser ng iba’t ibang brands. Padabog pa niyang ipinatong ang kaniyang bag sa kaniyang desk bago muling hinarap ang kaniyang kaibigan slash assistant manager. Simula noong college pa sila ay magkaibigan na sila ni Marion kaya malapit sila sa isa’t isa.
“Ano ba? Ang kulit mo, Marion! Bakit hindi ka na lang kasi umaktong parang Marionette ngayong kailangan ko ng katahimikan, space, at panahon para hindi ko na maisip ang malanding Riff na ‘yon?” galit na aniya sa kaibigan. Nanggigigil talaga siya kay Riff kapag naiisip niya ito.
‘Isa siyang salawahan! Grr!’ Kulang na lang ay isumpa niya ang lalaki. Sobrang sakit sa puso kasi ang ginawa nito.
Medyo napaurong naman si Marion sa lakas ng boses niya.
“At kailangan bang itanong kung broken-hearted pa ba talaga ako? Ha? Gusto mo bang i-espeling ko pa iyon sa harapan mo, ha?” Pinilit niyang huwag mapaiyak.
‘Ang katulad ni Riff na isang malandi ay dapat na hindi iniiyakan!’ Napakuyom siya ng mga palad habang nakatiim-bagang. Bumaon ang kaniyang maikling kuko sa kaniyang palad. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib dahil sa matinding emosyon. Kung bakit kasi ito tinatanong ng kaniyang kaibigan gayong alam naman na nito na ayaw niyang pag-usapan ang kaniyang ex-boyfriend.
“S-sorry na. Kasi ‘di ka nagkukuwento at hindi ko na rin napapansin ang syota mong bumisita rito kaya concerned ako sa ‘yo… kaya gano’n. Hayaan mo, magiging okay ka rin. Ikaw pa? Matatag kang tao, Rowan.” Inilapag nito ang isang styro na baso na may lamang kape sa desk na gawa sa tabla at salamin.
Galing sila sa isang coffee shop para sa kanilang break sa hapong iyon. Malapit lang ang coffee shop na iyon kaya madalas silang bumibili roon.
Hindi kumibo si Rowan. Tumunog naman ang landline at si Marion na ang sumagot para sa kaniya samantalang umupo siya sa kaniyang swivel chair na naghimutok pa rin.
“Ah, yes. Yes, sir. Ano po ang address ninyo?”
Narinig niyang wika ni Marion sa telepono ilang sandali ang nakalipas habang may isinusulat ito sa isang papel.
Napatingala siya rito nang maibalik ng assistant manager sa cradle ng telepono ang receiver. Pero hindi siya nagsalita.
“Bagong kliyente at gusto ng bagong landscape sa lawn niya,” pagpaalam ni Marion. “Kung hindi ka busy, puwede mong puntahan mamaya, hindi naman kalayuan ang address niya. Maghihintay raw. Pero… kung ayaw mo munang magtrabaho, ako na ang bahalang⸺”
Itinaas niya ang isang kamay kaya natigil ito sa pagsasalita. Ininom muna niya ang kaniyang kape bago muling tumayo.
“I’ll go, Marionette. You stay here. Ako na ang kakausap sa kliyente. This way… I can take my mind off that… that dick!”
“Riff dick!” sang-ayon nitong tumango. “Tama ka nga. Bagay sa kaniyang tawaging gano’n.” Napabuntong-hininga na lang si Marion na nakatingin sa kaniya habang nilaru-laro ang mga kamay nito.
Kinuha na ni Rowan ang kaniyang susi sa loob ng bag at bitbit din ang bag sa kabilang kamay. Lumabas na siya ng opisina para puntahan ang sasakyan sa parking lot.
Hinabol siya ulit ng kaibigan upang ibigay sa kaniya ang papel ng address ng kliyente. Ngumiti ito nang alangan at napaihip siya sa sariling mukha.
“Right!” aniyang tinanggap ang papel.
“Sigurado ka bang⸺?” pag-uulit ng kaibigan na naudlot sa pagsasalita.
Pinukulan niya ito ng isang matalim na tingin. “I’m fine, Marion! Don’t be such a nag! Dapat kasi iyon ang ginagawa mo sa boyfriend mo at hindi ka na lang basta-bastang sumusunod sa gusto niya.”
Umismid naman ito sa kaniya. “Ikaw ang may problema. Bakit mo ba ako pinagdidiskitahan?” Inikot ang mga mata.
Humugot siya ng isang malalim na hininga. “Tama ka. Sorry na. Gotta go.”
Tumalikod na siya at nagpatuloy sa pagtungo sa parking lot. Nang makapasok na siya sa kaniyang mini-van ay tiningnan niya ang address na isinulat ng kaibigan saka pinaandar na niya ang sasakyan.
‘I hope my afternoon will get better somehow. Hindi ‘yong minamalas na lang ako palagi, thanks to that jerk, Riff! Ugh! I hope he’ll catch some STD! Grr!’
Hindi na niya talaga mapigilan ang sariling huwag isumpa ang loko niyang ex. Pero napausal siya ng paghingi ng tawad sa taas habang tumatakbo na ang kaniyang kotse.
Read Now
Favorite