Harmino: Wrecking Miss Promiscuous (Les Tendres Series #5)

Status: Completed
Book Cover

119.8K

Views

20

Chapters

3.0

Ratings

Mnemosyne Zcimin Crosette was born with four other siblings. They're all girls... And identical quintuplets. From America where they were born by their mother who abandoned them, they were raised by a Filipina stranger, their Aunt Claire. Until their aunt passed away, the quintuplets had to separate and move to the house of their aunt's close relatives.

She felt that she had caught all the bad luck in the whole world when she found out that she was going to live in the house with Nirca Elaine Harmino, the girl known in the university for being a promiscuous lesbian who only likes to wreck gorgeous girls inside or outside the campus.

Summary

Mnemosyne Zcimin Crosette was born with four other siblings. They're all girls... And identical quintuplets. From America where they were born by their mother who abandoned them, they were raised by a Filipina stranger, their Aunt Claire. Until their aunt passed away, the quintuplets had to separate and move to the house of their aunt's close relatives.

She felt that she had caught all the bad luck in the whole world when she found out that she was going to live in the house with Nirca Elaine Harmino, the girl known in the university for being a promiscuous lesbian who only likes to wreck gorgeous girls inside or outside the campus.

Harmino, Prologue

Author's note : please read the series in order to avoid spoilers. Read at your own risk. Thank you!

-------

Have you ever feel so unwanted that you wonder what the hell is wrong with yourself that you can't fit in anywhere?

I was born with four sisters. We're identical quintuplets from New Jersey. Ang magkaiba lang sa amin ay height. Si Mason ang pinakamatangkad at si Maxea naman ang pinakamaliit. Ako ang pinakapayat, si Miraya ang chubby. Three year old lang kami nung iwan kami ng ina namin sa tabing kalsada. Walang nag-isip na magmagandang loob sa amin bago dumating ang tinuturing naming ina ngayon. Their judging stares... Like we did something wrong. Inabot kami ng apat na araw roon nang walang kain. Until Aunt Claire appeared.

Growing up, she took care of us. Five year old na kami nang isama niya kami rito sa Pilipinas. Hanggang sa nag-dalaga na kami sa puder niya. Dito na rin kami sa Pilipinas nag-aral at nagkaroon ng bagong pangalan.

Kailanman ay hindi namin narinig ang pangalan ng totoong ina namin. Hindi nga namin maalala ang mukha niya dahil bukod sa bata pa kami noon, alam kong hindi talaga kami nito inalagaan. Even one scene, one memory... Lahat kami, walang maalala.

We got everything we ever wanted from our Aunt Claire that we considered as our mom. However, she refused to be called 'mom'. Said she doesn't want to get the credit since she's not our biological mother, but still, she's a mom for us. Naging extra workaholic siya dahil sa amin. May business company siya, and I think she's handing it to Miraya or me since my course is related to Accountancy and Finance at Management naman kay Miraya.

I never wanted it. But for her, I would do it. Marami kaming utang na loob sa kanya. Pati ang kalusugan niya ay sinakripisyo niya para sa amin. Kaya ngayong nasa Ospital siya at hindi pa nagigising, I pushed myself through the limits. I'm working hard. For her.

"Huwag kang tumingin sa babaeng 'yan, Malax." Si Miraya agad ang una kong narinig.

Sinundan ko ang tingin ng kapatid ko. She's looking at the girl who's currently flirting with another girl. Nakasandal sila sa pader. Ang babaeng tinitingnan ni Malax ay hinahawakan ang hibla ng buhok nung nilalandi niyang babae at pinapaikot ito. While she's doing that, she looked at her sexually. Lagi ko siyang nakikitang pakalat-kalat sa campus. Her clothes are always sexy and fit. Ngayon ay nakasuot siya ng fitted black dress, kita ang perpektong hubog ng katawan niya. Ang buhok niya ay palaging nakababa at kadalasan ay naglalakihan ang kanyang mga hikaw.

"Why not?" I can see Malax smirking while staring at the girl. Nawala lang ang tingin niya roon sa babae nang sumakay ito sa mamahaling kotse. Hawak nito ang susi kaya siguradong siya ang may-ari at magd-drive.

"She's a lesbian." Ako na ang nagsabi at nag-iwas ng tingin dahil tumingin sa direksyon namin ang babaeng 'yon.

Palagi ko kasing naririnig ang babaeng iyon sa mga kaklase ko.

"Who's that girl, anyway? I mean, she's hot. No wonder she got many hoes."

"They're not hoes, Malax." I glared at her.

Nagsimula akong maglakad, hawak ko ang aking notebook. Mahaba ang vacant namin dahil hati-hati sa bawat room ang iba't ibang course dahil maliit lang ang university. Pupuntahan ko si Mama Claire ngayon. Balita ko ay pupunta sa Lesbian club si Malax at Maxea. Bisexual si Malax pero mas gusto niya ang mga babae. Si Maxea naman ay isang lesbian.

It's not that I'm hating on lesbians, but I don't like them either. Ang partner ni Mama ay isang lesbian na iniwan din siya pagkatapos ng tatlong taon nilang pagsasama. Isa iyon sa naging dahilan ng pagkastress niya kaya siya nabangga ng kotse ilang linggo na ang nakakaraan.

Mabilis ang paglakad ko, tumakbo pa ang mga kapatid ko para lang mahabol ako pero mabilis akong maglakad kaya hindi nila ako naabutan. Alam nila na pupunta ako sa Ospital pero hindi sila sumama. Akala kasi nila, favorite ako ni Mama. Mas close lang kami.

Naglakad ako nang kaunti hanggang sa makita ko na ang aking motorsiklo. Sinuot ko ang helmet at umupo roon. Aalis na sana ako ng school nang hindi ko makapa sa bulsa ko ang aking susi. May nahulog sa aking bulsa na sinubukan kong hanapin pero 'di ko nakita. Mabuti na lang at sa malapit ko lang nahulog iyong susi kaya nahanap ko rin. Pero ano 'yung isa pang nahulog?

Umalis na ako roon gamit ang motor. I'm wearing skinny jeans and a white polo tucked in. Nakaponytail ang aking maalon-alon na buhok.

Pumunta muna ako sa isang fast food chain para magtake out ng pagkain. Wala pa akong kain dahil nag-iipon ako para sa aking sarili. Sa paraang ito, pumapayat din ako. I used to get bullied for being fat. Kaya ayos lang ako sa ganito dahil nasanay na naman ako. Naalala ko tuloy ang red ribbon ko na suot-suot ko dati nung bata pa ako. Someone defended me from my bullies so I gave that kid my ribbon as a form of gratitude.

"Order po, ma'am?"

"Three burgers and a spaghetti and medium fries please. Take out." Ngumiti ako. Tinanguan ako nung babae. Kinuha ko naman ang wallet ko sa bulsa ko pero hindi ko ito mahanap. Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa babae. "Uhh... Teka lang po."

Sinubukan ko 'yon hanapin sa shoulder bag ko pero wala rin doon. Shit, iyon ba ang nahulog ko kanina? Fuck!

"Miss, Mnemosyne ba ang pangalan mo?" Kinalabit ako ng babaeng nasa likod.

Her voice is very feminine and seductive, just like a voice you'll hear in the morning. I can smell her musky perfume and her dark aura.

Pagkaharap ko sa kanya ay bumungad sa akin ang babaeng may kalandian kanina sa University. Ngayong nasa malapitan, nakikita ko ang malaki niyang mata at mahabang pilikmata. Makapal ang kilay na may ahit pa. Nakapula itong lipstick, ang tanging makeup na suot niya. Mas matangkad siya sa akin, kahit nakaheels pa ako.

"Do I... know you?" Taka ko siyang tiningnan. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang tingin ko sa kanya.

"Ma'am, two hundred fifty pesos po." Sabi nong nasa cashier.

I awkwardly smiled and nodded. "O-Okay po."

"Miss, pakibilisan naman." Sabi nung nasa likod nung babaeng nagtanong sa akin.

"Wallet mo." Binigay nung babae sa akin ang wallet kong nawawala. Nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit nasa 'yo 'to? Saan mo nakita? Salamat!" Sabi ko naman at agad na bumunot ng pera para magbayad. Naghintay ako saglit hanggang sa makuha ko na ang order ko. Humarap ako sa babaeng nagbalik ng pera ko. "May gusto ka bang kainin? Uh... Libre ko na."

Umiling siya at ngumiti bago naglakad paalis sa aking harapan. Kumekembot pa ang pwet niya, para siyang modelo maglakad.

Bumalik ako sa motor ko. Habang nakasakay do'n, nakita kong naglalakad sa tabing kalsada iyong babaeng nagbigay ng wallet ko.

Hininto ko sa gilid niya ang motor at tinanggal ko ang helmet ko. "Saan ka pupunta? Maybe I can give you a ride there. I'm thankful you gave my wallet back to me."

"No thanks." Hindi niya ako tiningnan pero sinundan ko lang siya ng tingin.

"Then, do you want to eat these instead?" Pinakita ko ang dala kong pagkain. Ako lang din naman ang kakain no'n.

Huminto siya at humarap sa akin. "Fine." Lumapit siya at umangkas sa likuran ko. Ibinigay ko sa kanya ang helmet, tinanggap niya naman. Akala ko susuotin niya pero sinuot niya lang sa akin. "You should keep it."

"Where to?" I asked.

"Hospital." Aniya.

Dahil iisa lang naman ang Ospital dito sa amin, hindi ko na tinanong kung saang Ospital.

"May dadalawin ka? Sakto, doon din ako papunta." Sabi ko naman.

"Really?" She sounds sarcastic.

Hindi na ako nagsalita. Pagkarating namin sa Ospital, pagkahintong pagkahinto ko ay bumaba na agad siya. Ni hindi manlang nagpasalamat. Pero ayos na rin. Quits na kami.

Rumampa siya papasok doon. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Lalaki man o babae dahil sa magandang katawan at mukha niya. Idamay mo pa ang style niyang talagang mapapalingon ka.

Nagtaka ako nang umakyat siya sa taas. Doon din kasi ang daan papunta sa kwarto ng mama ko. Baka coincidence lang? Parehas pa talaga ang floor ng bibisitahin namin.

Pero mas lalo akong nagtaka dahil pumasok siya sa parehas na dinadaanan papunta sa kwarto ni mama. Patakbo tuloy akong lumapit doon para masundan ko siya at masiguradong tama ang nakikita ko. Pumasok siya sa kwarto ni mama!

"Hey! You-You entered the wrong room!" Sinubukan ko siyang pigilan pero nakapasok na siya sa loob.

Pumasok din ako sa loob. Saktong pagpasok ko, narinig ko ang nakabibinging pagtunog ng monitor. Nahulog ko ang dala kong pagkain dahil sa gulat. Narinig ko pa ang tunog ng plastic spoon sa sahig.

"Oh my god! Oh my god!" Nataranta iyong babae tsaka tumingin sa akin. "What are you staring at, bitch? Call the doctor! The nurse!" Utos niya sa 'kin.

Nataranta rin ako. Mabilis ang kalabog ng puso ko. I want to ask who is she. Anong ginagawa niya sa kwarto ng mama ko pero hindi ko magawa. Mas importante ang buhay ni mama.

"Doc! Doc!" Rinig kong sigaw niya sa kwarto. May pinindot-pindot pa siya roon. Napatakbo naman ako sa malapit na nurse, sinundan naman nila ako papasok.

Pumasok kami sa kwarto. Umaalingawngaw pa rin ang nakakabinging monitor. Napatakip ako ng bibig para pigilan ang aking paghagulgol nang makita ko roon ang flat line.

No... No way! She's not dead. She's not dead!

"No! Fuck! Fucking save her!" Napasabunot sa buhok niya iyong babae. "She's not dead, f-fuck!" Napaupo siya sa sahig at napatakip sa kanyang mukha.

Sinubukan pang isalba ng doctor iyong mama ko.  Kinuha niya ang defibrillator. "Clear!" Malakas nitong sabi. "Clear!"

Pero hindi tumigil ang pagtunog.

"Time of death. 1:16 pm."

Nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig.

Nanginginig ang aking kamay habang nagtitipa ng mensahe sa group chat naming magkakapatid. Ang isa kong kamay ay nasa bibig ko, para mapigil ang aking pag-iyak.

Ako:

Wala na si mama. Kinuha na siya ni Lord.

Umiyak lang ako sa gilid. Nakita ko ang lungkot sa mata nung doctor. Bata pa lang siya, mukhang ngayon lang niya naranasan mawalan ng pasyente dahil maluha-luha ang mga mata niya.

I cried silently.

Niyakap ko ang aking tuhod, tinago ko ang mukha ko roon at umiyak.

"What are you doing here?" I heard the girl's voice.

"Ikaw, bakit ka nandito?" Mahina kong tanong.

"I asked you first, bitch." Matigas niyang sabi.

You're the bitch. Sana pala hindi na kita dinala dito. Nagsisisi akong tinulungan kita. Sana hinayaan ko na lang ang wallet ko sa 'yo.

"Huwag mo 'kong simulan." Kumulo agad ang dugo ko.

"Tita ko siya. Ikaw, sino ka?"

"My... mom." My voice broke.

And now the person I thought that would not leave me, just left us to join the after life. I have never felt unwanted after my biological mother left us on New Jersey. Maybe I'm that unlucky that even the only one who cares for me deeply left me, too.

Sa burol ni mama, ang daming pumunta. Karamihan ay mukhang mayayaman na kasosyo niya sa kanyang kumpanya. Nakaitim kaming lahat. Ako ay naka-sunglasses dahil tatlong araw na akong walang tulog at walang tigil sa pag-iyak. Hindi na rin maintindihan ang mga sinasabi ko dahil namaos na ang boses ko sa sobrang pag-iyak.

Tulala lang ako roon. Kahit mga kapatid ko ay hindi ako makausap.

"Condolence, Mnemosyne," si Kahel, kaklase ko sa majority ng subjects ko. Tinutulungan din niya ako at nung boyfriend niya sa accountancy kong subject.

Tumango ako at hindi na pinilit ngumiti pa.

Mas lalo akong nalungkot nang malaman kong paghihiwalayin kaming magkakapatid dahil seventeen pa lang kami. Malapit na maging legal age pero kailangan daw namin ng guidance kaya paghihiwalayin kaming lima at ipapaalaga sa mga kalapit na kamag-anak ni mama.

Pero ang alam ko, kaya sila pumayag dahil isa sa amin ang magmamana ng kumpanya.

"Para tayong laruan na pinamigay, tangina." Puno ng hinanakit ang boses ni Mason.

"Mas gugustuhin ko pang sundan si Mama kesa sumunod sa utos ng mga nakatatanda." Si Maxea naman.

"Same." Si Miraya naman na akala ko sasaliwain si Maxea pero sumang-ayon pa.

Si Malax ay wala ring imik. Hinagod ni Miraya ang kanyang likod.

"Magkasama kami ni Mason doon sa puder nung matandang lalaki. Narinig ko." Si Maxea na mataray ang tono kahit may bahid ng kalungkutan. "Si Miraya ibibigay don sa babaeng mukhang matapobre sa mga K-Drama. Kayo naman, Mnemosyne, Malax, doon sa babaeng hindi naman pumunta rito pero mayaman daw."

"Ayokong sumama." Sabi ko agad.

Pagkalibing ni mama, wala akong imik. Ni wala akong lakas na pumunta sa photoshoot namin para sa graduation. Namalayan ko na lang na nakatira na ako sa isang bahay.

"Mommy! I hate that bitch!" Rinig ko ang sigaw nung babae sa labas ng bagong kwarto ko sa ibang bahay.

"Nirca! Lower your voice! We need her! Bakit ka ba ganyan?"

"I hate her face!"

"Deal with it! She's living with us for the mean time!" Sigaw nung mommy niya sa kanya.

"Fuck, I'd rather live in the lesbian club than live with that bitch." Rinig ko ang pagbalibag niya ng kung ano sa labas. Nabasag iyon.

So that girl's name is Nirca. Ano bang ginawa ko sa kanya at parang galit na galit siya sa akin? Ako ang mas may karapatan na magalit dito. Sino ba siya sa tingin niya?

I felt unwanted when our biological mother left us, then mom's girlfriend, then mom herself. And now... In my new home. Dapat ko nga bang tawagin 'tong 'home'? Wala pa akong isang gabi rito pero iyan na ang nasaksihan ko.

Lumabas ako sa kwarto ko nang wala na akong marinig sa labas. Wala na 'ata ang dalawa. Narinig ko na palaging nasa opisina ang matandang babae at si Nirca naman ay nakatambay sa mga club.

Kumuha ako ng tubig. Iinumin ko sana ito nang bigla kong makita si Nirca na walang kahit anong saplot. Naka-tsinelas lang at nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Iyon ang unang beses na nagkaroon ako ng reaksyon after mawala ni mama. Nahulog ko ang hawak kong baso.

And then there's the famous promiscuous lesbian on the university. Nirca Elaine Harmino, naked in front of me.

3,0

Read Now

Favorite