Gateaway Paradise

Status: OnGoing
Gateaway Paradise

375.3K

Views

16

Chapters

3.0

Ratings

What if she lands in a paradise by accident?

She would recognize the man living there who was forcing her to leave.

Can she still leave the paradise she is in?

Summary

What if she lands in a paradise by accident?

She would recognize the man living there who was forcing her to leave.

Can she still leave the paradise she is in?

PROLOGUE

I kept on running without looking at my back, I pull my dress up to prevent me from tripping. "Damn this dress!" I hissed. I don't care about the dirt on my bare feet, I just want to escape.

Escape in this world.

My heart dropped when I saw the guards heading towards to my direction.

"Stop right there! You always do this!" he screamed.

Oh no.

He's walking towards me.

"Hindi kaba napapagod Emerald? Wala kana bang ibang gagawin kundi ang takasan ako?" naiirita niyang sabi.

I slowly step backwards and thinking a way to escape.

Ayoko na, hindi ko na kaya ang buhay na meron ako. Gusto ko nang takasan ang mga tao sa paligid ko, gusto ko nang umalis mundong ito.

He smirked, "Hindi ako nag pakahirap na kunin ka sa tatay mo para lang ganito ang gawin mo! Sinasayang mo palagi ang oras ko!"

Tumulo ang luha saaking mata, dala na ng kaba, takot, at galit.

"There's no way you can get---

"ARAAAY KO!!!" sigaw ko at napahawak saaking puwetan.

Narinig ko ang mga daing nila.

"CUT!!!! Diyos ko naman Ruth! Feel na feel ko na yung scene niyo! Bakit ba napaka lampa mo????!" sigaw ni Rhea.

Psh! Kasalanan ko bang maapakan ko yung bato?! Edi sana chineck niyo muna paligid!

"Need help?"

Umangat ako ng tingin at nakalahad ang kamay ni Joseph. Napabuntong hininga na lamang ako at tinanggap ito.

"Kaasar ang sakit" bulong ko at pinag pagan ang aking puwetan.

"Infairness, ang galing mo doon kanina." he said.

I sarcastically laughed. "Seryoso kaba?? I was just running and making a nervous face. Anong magaling doon?"

Tumingin tingin siya sa paligid, "Ang galing nga din nila Rhea eh, nakahanap sila ng ganitong lugar para sa film natin."

We are currently in a forest, since yung plot namin is about sa run away princess. And obviously I am playing the Princess Emerald role and he's Prince Ruz. Ang corny nga eh, sana ginawa nalang nila na patayan yung film. Bakit love story pa?

"Huy, are you listening? Mag break daw muna for 30 minutes tapos shoot na uli." imik ni Joseph.

Napakamot ako saaking ulo, "Ah sorry I was thinking about something. Excuse me."

Nagpunta ako sa pwesto kung saan nakalagay ang aming mga gamit, kinuha ko ang aking cellphone at earphone. Gusto ko munang maupo, sobrang peaceful ng ambiance at ayokong sayangin 'to.

Lumayo ako ng kaunti sa kanila para naman mabawasan ang ingay.

May nakita akong malaking puno at naupo ako sa ilalim, "Finally, fresh air." bulong ko.

I opened my phone at pinunta ko sa camera, I captured some photos and took some selfies.

Ang ganda ng paligid, may iilan na puno na malapit na matuyo ang dahon pero marami rami padin naman ang puno na mukhang mag tatagal pa ng ilang taon. Kagaya na lamang nitong sinasandalan ko.

Nag angat ako ng tingin at tiningnan ang galaw ng mga dahon, kung tititigan mo ito ng matagal paniguradong aantukin ka. Nakaisip ako ng ideya at mabilis na tinaas ang damit kong suot at kinuha ang bagay na hinding hindi nawawala sa bulsa ko. My knife.

Humarap ako sa puno at sinimulan itong ukitan.

G... E... T... L... O... S... T...

"Ang bigat niya sobra." nabitawan ko ang aking kutsilyo nang may marinig akong maliit na boses sa likudan ng punong ito.

"Sobrang sakit nga e, bumagsak pa siya saakin." dinig ko.

"Halika nga nga, umuwi na tayo at lalagyan ko ng gamot yang bali sa braso mo. Hay nako! Bakit ba kasi lumapit ka sa mga tao?"

"Baka mamaya mapagalitan tayo ni Amo."

"Huwag mo naman akong isumbong.."

Pinulot ko ang aking kutsilyo at sinundan kung saan nang gagaling ang mga maliliit na boses na iyon.

Nakita ko ang pag galaw ng mga dahon na agad namang sinundan ng aking mga paa.

"Who the hell was that?" bulong ko nang makita kong wala namang ibang tao.

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na namalayan na umiikot lamang ang mga dahon na gumagalaw sa puno na sinasandalan ko kanina, na siyang aking sinusundan.

Para lamang akong tanga na umiikot sa punong ito.

May dalawang bato na napaulit ulit na gumugulong at-- sandali, ayon yung bato kanin--- "AAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"

Para akong hinihila pababa ng kung anong bagay.

"MAMA!!!!!!! TULONGGGGG!!!!!" sigaw ko.

Wala akong ibang makita kundi liwanag, hindi ko maimulat ang aking mata dahil nasisilaw ako. Pakiramdam ko ay paulit ulit akong nahuhulog, yung pakiramdam sa tuwing makakatulog ka at magugulat ka dahil pakiramdam mo mahuhulog sa malalim.

Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang pagbagsak ko sa isang malaking...

"KABUTE?!"

Seryoso ba 'to? Wala sa pinag aralan namin na may ganito kalaking kabute! Halos kasing taas 'to ng building namin sa school.

Napatingin ako sa paligid at... "Where am I?" kinusot kusot ko ang aking mata.

Ngunit hindi nabago ang naaninag ko. Isang napaka gandang tanawin, ang daming ibon na lumilipad at napakaganda ng mga bulaklak, sayang lang at allergic ako sa flowers. Ang mga dahon na berdeng berde na meron pang ilog na akala mo'y may diyamante dahil kumikinang ang tubig.

Paraiso.

Parang isang paraiso.

Agad kong kinuha ang aking cellphone at kumuha ng mga litrato.

*click*

*click*

"Shet! Ang ganda! Dapat dito nalang kami nag shoot!" imik ko.

"S-sino ka...?"

Napaangat ako ng tingin nang muli ko nanamang marinig ang boses na maliit.

"L-lagot tayo.. May mortal na nakapasok..."

Napaatras ako, "S-sino yan?? Kanina ko pa kayong naririnig." lakas loob kong sabi.

"Rhea? Joseph? Paul? Guys? Are you trying to prank me??" imik kong muli.

Napaatras ako nang biglang lumaki ang maliliit na bato na kanina kong sinusundan, kanina ay sinlaki lamang sila ng tansan na naapak apakan ngunit ngayon ay hanggang bewang ko na sila.

Halos lumuwa ang aking mata at isa lang ang naiisip ko.

TAKBO!!!!

Dali dali akong tumakbo palayo sa mga batong iyon, "What the fuck?!! Nae-engkanto ba 'ko?!!!"

Habang tumatakbo ako ay may mga iba pa akong nakakasalubong at parang gulat na gulat silang nakatingin saakin. Pero parang gusto ko na lamang mag laho dahil sa kanilang mga itsura.

May mga taong mahahaba ang tenga na parang kuneho.

Sa gitna ng aking pag takbo ay nasasagi ko ang ilang halaman at napuputol ito.

Merong akala mo'y higante na maraming mata ngunit walang ilong. Diyos ko, binabangungot ba ko?!

May nabangga akong babae na may dalang likido na kulay asul at natapon ito.

"Sor-- hihingi sana ako nang paumanhin ngunit nag bago agad ang aking isip nang makita kong wala itong mukha.

"AAHHHHH!!!'

May mga batang may pakpak at lumilipad, ang iba naman ay kalahating tao at kalahating kabay--

"ARAY!!' napatigil ako sa pag takbo at muli nanamang naupo, may nabangga akong matigas. Ang sakit na ng puwetan ko!

Please. Please... Sana normal na tao na 'tong nasa harapan ko. Please. Sinimulan ko nang imulat ang aking mata.

May paa siya, dalawang paa.

Nag angat pa ako ng tingin.

May tuhod, may hita.

Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Sino ka?" malamig niyang sabi.

Naaninag ko ang kaniyang mukha, "The fuck?" bulong ko.

Para siyang isang character. Ikaw ba si Malakas? Si Adan? Si Tarzan?

"Anong karapatan mong pasukin at manira sa lugar ko?"

Hindi ko na namalayan napatulala ako sa mukha niya. Parang nakita ko na siya somewhere.

Napabalik ko saaking sarili nang may lumapat na malamig at matalas saaking leeg, isang espada.

"Kinakausap kita, sumagot ka kung ayaw mong kunin ko ang buhay mo."

---

3,0

Read Now

Favorite