Exclusively For The Mafia

Prologue

NAPAHAGULGOL AT NANGINGINIG sa labis na takot si Naya. Hindi maampat ang kanyang luha habang mahigpit ang pagkakasabunot ni Rio Costor sa kanyang buhok. Hindi lamang iyon, ang isang kamay nito ay may hawak na baril at nakatutok sa kanyang sentido.

"One wrong move at tutuluyan ko ang misis mo, Astin!" Mariing banta nito na lalong nagpanginig kay Naya.

Marahan namang itinaas ni Damielle Astin ang kanyang kamay na may hawak na baril. He was left with no choice but to surrender himself. Kaagad namang sinamantala iyon ng tauhan ni Rio upang kunin ang hawak niyang baril.

"Love will ruin you. Sayang ka, Astin!" Umiiling na turan nito kasabay ng pabalyang pagbitaw nito sa lumuluhang si Naya Faith Sevestre-Villacorda. Napaigik na lamang si Naya nang bumagsak ang pang-upo niya sa sahig.

Bago pa tuluyang makahuma si Astin ay nakatanggap siya ng malakas na sipa sa tiyan mula sa tauhan ni Rio Costor. And dalawa naman sa kanila ay salitan siyan

g pinagsususuntok sa mukha at sikmura. Hindi pa nakuntento roon nga tauhan ni Rio. Pinalo nila ng baril ang ulo nito dahilan upang mapaluhod ito sa sahig.

Mahina namang napahalakhak si Rio.

"Mahina ka, Astin. Hindi na ako magtataka kung bukas bagsak na ang Red Majesty. At kasalanan mo iyon, kasalanan ng pinuno nilang pulpol." Mapang-uyam na turan nito kasabay nang paglapit at pagsipa ng ilang ulit kay Damielle Astin Villacorda.

"Astin." Muli na lamang napahagulgol si Naya habang pinapanood niya ang kanyang mister na pinahihirapan ng mga lalaking dumukot sa kanya.

Nang magsawa si Rio sa kasisipa at kasusuntok sa walang kalaban-laban na si Damielle Astin ay napabaling ang tingin nito kay Naya Faith na umiiyak.

"You're too beautiful to choose the wrong man. Sayang ka! Dahil nasa side ng kalaban."

"Ano bang kailangan niyo sa amin?" Lumuhang tanong ni Naya.

"Really? You're asking that?" Gumuhit ang ngisi sa labi ni Rio Costor.

Hindi naman naiwasan ni Naya Faith ang lalong pagkabog ng kanyang dibdib. Nahihinuha niya ang dahilan kung bakit siya dinukot ng mga ito. Ngunit gusto niyang ilihis ang takbo ng kanyang isipan. Gusto niyang isipin na dahil galing sa mayamang ang kanyang mister kaya sila dinukot. Ngunit mukha namang hindi ransom ang habol ng mga dumukot sa kanila.

Lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Rio Costor nang makita niya ang takot sa mukha ng babae. Nang mapunta ang tingin nito kay Damielle Astin ay lalong nagbunyi ang kanyang kalooban.

"Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong asawa?"

Agad namang napunta ang tingin ni Naya sa kanyang mister. Sa isang iglap ay lalo siyang naguluhan sa totoong hangarin ni Rio Costor. Bago pa makaimik si Naya ay sumagot si Damielle Astin.

"Be a true man, Rio! Sa pagitan lang natin ang gulo kaya huwag mong idamay ang asawa ko." Pinilit nitong bumangon sa kabila ng panghihina dahil sa sugat na kanyang natamo ngunit muli siyang sinuntok at sinipa ng mga tauhan ni Rio dahilan upang muli nitong mapadukdok sa sahig.

"Astin!" Gusto mang lapitan ni Naya ang kanyang mister ngunit hindi niya magawa.

"Parte rin ng organisasyon ang asawa mo, Astin. Kaya damay siya sa gulo natin."

Nangunot naman ang noo ni Naya Faith sa narinig.

"Organisasyon? Anong organisasyon?" Kitang-kita ang pagtataka sa mukha nito.

"Look likes your wife knows nothing."

Mahinang napahalakhak si Rio Costor. " Kawawang Naya, pinagmumukhang tanga ng kanyang asawa."

Umiling-iling ito bago siya nagsalita.

"Sige, dahil masaya ako na nakikita kang gumagapang sa harap ko, bibigyan kita ng regalo." Ngumisi ito ng nakakaloko bago tumingin sa kanyang mga tauhan.

"Patayuin niyo 'yan!"

Lumingon rin ito kay Naya nang mapatayo ng kanyang mga tauhan si Damielle Astin.

"At ikaw naman babae, bibigyan kita ng pagkakataong tumakas."

Napalunok naman si Naya. Awtomatiko rin siyang napalingon sa kanyang mister na nakayuko at halos wala nang lakas.

"Kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka or else pasasabugin ko ang ulo mo!" Mariin itong tumitig sa babae bago nagpatuloy. "Do you understand?"

Puno naman ng takot na tumango si Naya Sevestre-Villacorda.

"Tumayo ka!" Umagos ang luha ni Naya. Hindi niya mawari ang kanyang nadarama. Tila naghahalo ang takot at pag-aalinlangan sa kanyang isip.

"Tayo na!" Malakas na wika ni Rio dahilan upang lalo siyang manginig sa takot. Tila naging hudyat rin iyon upang mapilitan siyang tumayo.

"What are you planing, Rio?"

Ngumisi naman ang lalaki.

"Ayaw mong bang patakasin ko na ang misis mo? Ayaw mo ba no'n, pagkatapos nito, malaya na siya."

Umusbong naman ang kaba sa dibdib ni Damielle Astin lalo na at nakaguhit sa labi ni Rio ang ngisi.

"Astin!" Tawag ni Naya sa kanyang mister. Tila ba humihingi ito ng saklolo.

"Walang maitutulong sa'yo si Astin, Naya. Wala!"

Lalo namang napaluha ang babae.

"Ngayon kung gusto mong umalis sa lugar na ito, bilisan mo ang pagtakbo."

Napakurap naman si Naya. Aniya, kung walang magagawa si Astin para maligtas sila, baka maaaring siya ang makagawa no'n. Naisip niya, sa oras na makalabas siya ng lugar ay maaari siyang makahingi ng tulong para mailigtas ang kanya mister.

"Takboooo!"

Humahagulgol na humakbang ang kanyang paa. Pakiwari niya ay maiihi siya sa labis na kaba. Ngunit Sa kabila nito ay sinikap niyang tunguhin ang pinto ng bahay. Ngunit ang paghakbang ni Naya ay natigil. Sa sikmura nito ay bumulwak ang dugo. Kasabay ng kanyang pagluhod ay ang paglabas ng dugo sa kanyang bibig.

"Nayaaaaaa!"

1. Prologue