62.8K
Views
9
Chapters
Ratings
𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘
PROLOGUE
"Ang pogi naman!" nag-niningning ang mga matang paghanga ko sa aking pinapanood. "Kaso pogi din ang hanap."
Nanonood kase ako ng Thai BL Movie sa Youtube. At heto nga, inlove na inlove na ako kay Sarawat pero walanjo na yan, inlove din sya kay Tine. Nakakaiyak lang talaga.
"Bakit kaya marami ng pogi ngayon na pogi din ang hanap? Mygosh! Sayang naman ang lahi nila kung hindi pararamihin, diba?"
Parang yung kasama ko ngayon.
"HOY BABAENG MAHAROT PA SA MAHAROT! SAAN MO NILAGAY YUNG BAGONG BILI KONG MATTE LIPSTICK?"
"Aaayyy kabayong maharot-- ANO BA? KUNG MAKASIGAW AKALA MO NASA ANTARTICA ANG KAUSAP."
Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong ipod dahil sa sumigaw na halos mawasak na ang lalamunan dahil sa lakas.
Seriously? Nakalunok ba sya ng mega phone?
Tumaas ang kilay ko ng nameywang sya sa aking harapan tapos tinaasan pa ako ng kilay.
Aba't! Ang taray ng lola nyo.
"Where na nga kase? Sabihin mo na lang, h'wag mo na akong paghanapin. Jusme ka!" pagtataray neto sa akin.
I rolled my eyes on him. Tama kayo ng narinig. He talaga sya, as in HE/HIM/HIS. Hindi sya SHE at HER.
Pinause ko muna ang aking pinapanood. Ibinaba ko ang hawak kong ipod sa table na nasa aking harapan bago tumayo at pinagtaasan din sya ng kilay.
"For your information Julian Travis Lacoste-Kim. Hindi ko kinukuha ang imported mong lipstick noh! At para sabihin ko sa'yo, I can own my own. Duh!" pagtataray ko sabay flip ng mahaba at wavy kong buhok.
Teka-- parang kanta yata yun ah. Yung kay Donnalyn Bartolome ba? Aisssttt! Ewan! Back to the topic na nga.
Inemphasize ko din ang pagkakabanggit ng buo nyang pangalan. Huh! Kalalaking tao ang arte-arte. Dinaig pa akong babaeng-babae.
Umawang ang labi nito sa sinabi ko bago nagtitili na para bang may nakita syang nakakadiri sa harapan nya.
"AAAHHHHHH! WAAAHHHHHHH! THE HECK WITH YOU BABAENG MAHAROT?"
Pinaglapat ko ang aking labi, nagtitimping h'wag syang masapak bigla dahil sa kaartehan nya.
Akala mo maganda, hindi naman. Feeling nagmamaganda lang. Mas maganda pa rin ako, syempre!
"Ang ingay mo! Tumahimik ka nga muna. Ano bang pinuputok ng butchi mo dyan, hah?"
Nagdabog sya sa harap ko gamit ang mga paa.
"I told you, stop calling me by my full name. Bitch! Hindi sya nakakaganda, nakakasira sya ng pagkababae."
Napairap ko.
"Hoy lalaking maarte. Hindi ka kaya maganda at mas lalong hindi ka rin babae. Duh!"
He bite his lower lip because of frustration. Nginisihan ko pa sya para mas lalong mainis.
"How dare you! Maganda ako! Mas maganda pa nga ako sa'yo eh. At para sabihin ko sa'yo, babae po ako. Hindi man sa physical, pero babae ako by heart. HMP!"
Nagawa pa nya akong irapan harap-harapan. Tusukin ko eyeballs mo eh. Baklang 'to!
"Ewan ko sa'yo! Basta lalaki ka pa rin at hindi ka magiging babae. Wala ka kayang flower, duh!"
Mas lalo syang nainis saka ako binato ng hawak nyang hair brush. Muntik na akong masapul sa mukha buti na lang nailagan ko kaagad.
"Ang sadista mo naman. Nagsasabi lang ako ng katotohanan."
Inismiran nya ako.
"CHEEE! Yang burara mong bibig itikom mo na lang kung wala kang sasabihing maganda sa pandinig."
"Maganda ako."
Naging straight ang kanyang expression na para bang may nasabi akong hindi maganda. He even act like he want to vommit at what I said. Ampuchek talaga!
Maganda naman sa pandinig yung sinabi ko ah. Maganda ako! Maganda naman talaga ako. Huh!
"KAFALLLLLLMOKS!"
Padabog na tinalikuran nya ako at nagsimula ulit maghanap ng nawawala nyang liptisck. Tsk!
Nakakatawa lang isipin na diring-diri ako dati sa mga napapanood kong BL Movies, pero ngayon kinikilig pa ako. Bakit nga ba? Siguro dahil sa kanya.
Napangiti ako habang pinapanood syang mainis sa paghahanap ng kanyang lipstick.
Minsan pa nga nakikita ko na lang ang sarili kong nakatulala sa kanya. May times pa nga iniimagine ko pa yung mga asaran namin tapos matatawa na lang ako habang iniisip ang nakabusangot nyang mukha.
Walong taon na simula ng magkakilala kami. Anak sya ng kaibigan ni Daddy na kapartner din nito sa negosyo.
He's one of those elites out there. Isa ba namang Lacoste at Kim pa. Yayamanin diba? Pangalan pa lang mamahalin na....
At mamahalin mo rin. Charot!
Noong una akala ko talaga straight na straight sya at walang sayad pero time pass by nakikita ko na ang tunay nyang katauhan na hindi nakikita ng iba. Sabi nina Mommy masyado daw akong observant sa paligid ko o sa mga taong nakakasama ko, kahit sa mga sitwasyong napapasama ako. Malakas din ang pakiramdam ko kaya naman nalaman ko agad na may kakaiba sa kanya. 'Nung una, hindi ko iyon binigyan ng atensyon at pinagsawalang bahala ko na lang. Pero habang tumatagal na nakakasama ko sya, napapansin ko na ang kakaiba.
Walang ibang nakakaalam tungkol doon, ako pa lang, I guess.
Wala namang problema sa akin ang bagay na 'yun basta hindi nakakapinsala ng iba. At isa pa, hindi naman ako tutol sa kung anong gender meron ang isang tao. Yun ang gusto nya, then be with it. As long as masaya ka at hindi mo ikinakahiya ang sarili mo na nasa puntong ikakasakit mo na.
Since nalaman ko ang totoo, naging mas close pa kami sa isa't isa. Sya na rin ang nagsabi sa patents namin na sa iisang condo na lang kami titira pagdating namin ng college. At heto na nga, we're still together. Takot nya lang na ipagsabi ko sa iba ang sikreto nya, na hindi ko naman gagawin. I want is sya mismo ang magsabi nun sa iba.
Since highschool magkasama na kami at hanggang ngayong college ay ganun pa rin.
And up until now, hindi pa sya umaamin sa parents nya. Hindi ko naman pinipilit dahil alam kong hindi pa sya handa. Palagi ko lang pinapaalala na, walang sekretong hindi nabubunyag at kapag ready na sya magsabi lang sya. I'm willing to help him naman.
Still, he prepare He or Him. Ayaw nya daw ng She, pero babae daw sya.
Tsk! Gulo nya. Ewan ko ba, basta alam ko lang lalaki pa rin sya. May lawit pa rin eh. HAHAHAHAHA! CHAROT!
Hindi sya yung tipo ng gay na lantaran ang pagkabakla. Sya, nagtatago ang tunay na katauhan sa gwapong mukha. Kapag kaming dalawa lang doon na lumalabas ang pagiging malambot at maarte nya. At pagdating sa labas maging kapag nasa harap ng parents namin, lalaking-lalaki sya. Wala man lang bakas ng pagkababae daw kuno.
"AAARRGGGHHHHHHH! PAGOD NA'KO MAGHANAP PERO WALA PA RIN," reklamo nya.
"Alin ba kase yun? Yun ba yung may pulang takip? Aayyyy, sorry! Naitapon ko yata sa basurahan kanina. Akala ko kase kung ano eh."
Nanlaki ang kanyang mga mata at umawang ang labi habang dahan-dahang humarap sa akin.
"Oppssiiiee!"
Kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo bago sumama ang mukha dahil sa inis. Naiimagine ko din ang pag-usok ng kanyang ilong at tenga dahil sa sinabi ko.
"CHARM JHAZMINE ACOSTA! IPAPALAPA KITA KAY COOPER! WALANG HIYA KAAAAAA! LIMITED EDITION PA IYON."
Napatayo ang ng tuwid dahil sa galit at malakas nyang sigaw. Halatang kayang-kaya nya talaga akong ipalapa kay Copper. Sino si Copper? Yung aso naming Golden Retrevier. Cute sya pero minsan nakakatacute.
"WAAAAHHHHHHHHH! MOMMY! DADDY! HELP ME! RAPE! NI-RAPE AKO NI JULIAN! AAAHHHHHHHH!"
Nagsimula na akong magtatakbo paikot sa sala ng bigla na lamang akong hablutin ni Julian. Nakalapit na pala ito ng hindi ko manlang namamalayan.
"Anong rape? Kapal ng feslak hah. Baka nga ako pa ang gahasain mo dyan. Sa gwapo kong 'to, hindi yun malabong gawin mo."
Hmmmm.... may point sya.
"Ayyy teka nga muna. Bakit ba tayo napunta sa rape?"
"M-Malay ko say— WAAAHHHHHHHH!"
"Lapastangan ka! Ang mahal mahal ng bili ko dun tapos itatapon mo lang? Wala kang kwenta! How dare you do this to me?"
Ehhh?
"Teka nga muna! Huminahon ka."
"Paano ako hihinahon kun--"
"Mayaman ka naman. Anong pinuproblema mo dyan? You can buy anything you want kahit gaano pa man yan kamahal."
"This is not about the money or how much is that. Ang gusto kong sabihin ang mahal nun, sayang ang pinambili ko. Maraming naghihirap ngayon noh!"
Hindi sya maramot na tao. Kapag may pwede syang maibigay o maitulong sa kapwa ibibigay at gagawin nya. Hindi man halata sa pagkatao nya, pero makikita mo iyon sa bawat kilos nya.
Isa din yan sa mga nagustuhan ko sa kanya-- oppss! Oh oww!
Yes, i like him! Gusto ko sya hindi bilang kaibigan ko. I like him more than that. Pero hindi nya 'yun alam. Alangan namang umamin ako, pagtatawanan ako 'nun. Ayoko pang mareject ng maaga. Sayang beauty ko.
Kahit anong gawin kong pang-aakit sa kanya, waley na waley. Hindi ko nga alam kung may effect ba ako sa kanya kahit slight lang. Nakakasira ng pagkababae. Nakaka-baba ng pride bilang isang dyosang maganda sa balat ng earth.
Sarap dukutin ng mata para palitan ng bago, yung makikita na ako, hindi bilang kaibigan/bestfriend kundi bilang isang babaeng pwedeng mahalin ng panghabang-buhay.
Sa loob ng walong taon na magkasama kami, nahulog ako sa kanya. At hindi ko alam kung makakaahon pa ako mula sa pagkakalunod.
Nakakatawa! Ako? Magkakagusto sa isang beki? B. I? Gay? No way! Pero....
I don't know what's got into me. Basta alam ko lang, isang araw nararamdaman ko na yung mabilis na pagtibok ng puso ko everytime na malapit sya sa akin. Alam ko naman ang limitasyon ko kaya nakakaya kong itago iyon sa kanya.
Kelan ako aamin?
I don't know. Really! Hindi ko pa alam. Bahala na!
"Samahan mo'ko! Magshoshopping tayo."
At isa pa, hindi ko nasabi sa inyo. Mahilig syang mamili ng kung anu-ano. Palibhasa mapera, kaya ganyan. Pero hindi naman sya gumagastos ng sobrang mamahal na gamit. Yung tama lang na prize. At....
Marunong din syang humingi ng tawad sa tindera.
HAHAHAHAHA! Hindi talaga halata sa kanya.
"Ano pa bang magagawa ko?"
"Wala! Wala kang magagawa kundi samahan ako."
Kahit naman saan mo gustuhing pumunta sasamahan kita. Kahit sa heaven pa.
Lihim akong ngumisi dahil sa kapilyuhan ng utak ko.
"Geeezzzz! You're creepy na naman. You're smiling even though there's no nakakatawa." Inirapan ko na lang sya sa ka-conyohan nya.
Kahit na ganyan sya, mahal ko yan. Kahit na kabilang sya sa pederasyon ni Eba. I will stay by his side no matter what it takes kahit pa kapalit nun ay ang masaktan kapag nakikita syang may kalandiang ibang lalaki.
Read Now
Favorite