Ecstasy Of The Heart (TAGALOG)

Status: Completed
Ecstasy Of The Heart (TAGALOG)

542.7K

Views

17

Chapters

3.0

Ratings

Mula sa mundo ng mga tao, isang hamon kay Tina ang pagbabalik niya sa kung saan siya nabibilang—sa mundo ng mga engkanto. Matapos ng mga paghihirap niya sa mundo ng mga tao, ay tuloyan na siyang lumisan at sumama sa kaniyang amang engkanto.

At sa pagdating niya sa bagong mundong gagalawan niya, isang maharlikang binatang engkanto ang makikilala niya. Ang prinsipe ng kahariang Azra, si prinsipe Fenris. Mula sa pagkabigo ng puso sa mundo ng mga tao, ito na nga ba ang magiging sagot para makalaya na siya mula sa masakit na kahapon? O isa na naman itong hamon para sa kaniya? At bibiguin na naman siya sa huli at maiiwan na naman siyang luhaan?

Summary

Mula sa mundo ng mga tao, isang hamon kay Tina ang pagbabalik niya sa kung saan siya nabibilang—sa mundo ng mga engkanto. Matapos ng mga paghihirap niya sa mundo ng mga tao, ay tuloyan na siyang lumisan at sumama sa kaniyang amang engkanto.

At sa pagdating niya sa bagong mundong gagalawan niya, isang maharlikang binatang engkanto ang makikilala niya. Ang prinsipe ng kahariang Azra, si prinsipe Fenris. Mula sa pagkabigo ng puso sa mundo ng mga tao, ito na nga ba ang magiging sagot para makalaya na siya mula sa masakit na kahapon? O isa na naman itong hamon para sa kaniya? At bibiguin na naman siya sa huli at maiiwan na naman siyang luhaan?

Chapter 1

TINA

NGAYON na ang araw na ipapakilala ako ni ama sa kaniyang nasasakupan. And I heard that there are other royal bloods attending this banquet that was made by my father. Kaya naman bahagya akong kinabahan at napagdesisyonang maglibot libot muna sa labas ng kaharian.

At ngayon nga’y nakasakay ako sa isang kabayo habang nakasuot ng kulay tsokolateng cloak na may hoody na siyang nasaklob sa ulo ko para kung may makasalubong ako ay hindi agad ako mamukhaan. Baka malagay pa ako sa panganib dahil makikita kaagad ang kaibahan ko sa mga engkanto. Hindi patulis ang aking tenga ar mas lalong hindi ako sobrang kaputian katulad ng sa kanila.

Mula sa ilang minutong pagpapatakbo sa kabayo ay pinahinto ko na ito nang makuha ng atensiyon ko ang tanawin mula sa kinatatayuan ko. Bumaba ako mula sa pagkakasakay at namamanghang pinagsawa ang tingin sa harapan kung saan kitang kita ko ang kabuoan ng kaharian mula sa pwestong kinalalagyan ko, nasa isang mataas na parte ng gubat.

Napaka-presko ng paligid dito, bawat lingon mo ay may puno. Likas silang mapagmahal sa kalikasan, hindi katulad sa mundo ng mga tao, napakalala na ng polusiyon. I breathe in the fresh air and a big smile creep on my face. Ngunit agad napawi ang ngiti ko ng makarinig ako ng pagtikhim mula sa aking likuran.

Napalingon ako’t napasinghap, unti akong napa-atras na muntik ko nang ikinapahamak. Dahil kun’di lang sa binatang engkantong nasa harapan ko, ay baka nagpagulong gulong na ako pababa sa bangin. Nahila ako nito, his strong hand laced on my waist and pulled me towards his hard chest. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko, mula sa muntik na pagkahulog at dahil sa lalaking sumagip sa akin.

Bahagya akong bumuwag dito nang may maramdaman akong kakaiba dahil sa mga kamay nitong nakapwesto sa aking bewang. Ang hindi ko napansin ay nakababa na pala ang hoody sa aking ulo, kaya kita ko ang gulat sa mukha ng binata sa aking harapan.

“Isang mortal… Isang napakagandang mortal…” ngunit ang boses nito’y hindi takot o nagtataka. His voice sounded like he just saw something precious. Something beautiful. Ako rin ay napatitig sa mukha nito, hindi maipagkilala ang kagwapohan nito. From his thick brows to his green eyes that’s starting to bewitched me, down to his red lips. Now, my eyes trailed on his body. Nakasuot siya ng pataas na tela na siyang karaniwang sinusuot dito. Ngunit napansin ko ang pagkakahawig ng tela nito sa mga sinusuot ng mga kapatid ni ama.

“Mortal… Papaano ka napunta dito sa aming mundo?” Bumalik lang ang aking atensiyon sa mukha nito ng muli itong magsalita. At ngayon lang nag-si-sink sa aking isip na may nakakita sa aking isang engkanto. Kaya agad akong pumunta sa aking kabayo at sumakay doon.

“Sandali, ano ang iyong pangalan?” rinig kong sigaw nito. Ngunit hindi na ako nag-abalang sagutin ito at pinatakbo na ang aking kabayo. Nasapo ko pa ang aking noo dahil panandalian ko pang nakalimutan ang kaligtasan ko. Paano nalang kung kinidnap ako nun? Naku, Tina, nakakita ka lang ng gwapo ay nagkakaganito kana? Napailing-iling nalang ako sa aking sarili.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa tagong labasan at pasukan sa likod ng aming kaharian. Isa iyong kweba na lagi kong nilulusotan sa tuwing gusto kong mag-libot sa paligid ng kaharian. Pagkarating ko nga ay itinali ko ang kabayo sa may kahoy, may kukuha naman nito maya-maya. Agad na akong pumasok sa loob at sinalubong ako nang liwanag na mula sa mga lamp na nasa bawat gilid ng kweba. Sa kadulo-dulohan ay naroon ang papasok patungong basement ng kastilyo, at agad akong pumasok sa loob.

Ibinaba ko na ang hoody sa aking ulo at hinubad ang suot kong makapal na cloak. Tinahak ko ang hagdanan papunta sa kusina ng kastilyo, pagkarating ko roon ay agad nalanghap ng aking ilong ang napakasarap na amoy.

“Prinsesa Tina!” bati kaagad ng mga nagluluto pagkakita nila sa akin. Nag-bow din ako sa kanila bilang pagtanggap sa kanilang pagbati.

“Ang bango bango naman po ng inyong niluluto,” nakangiting papuri ko sa mga ito. Ginantihan din ako ng mga ito ng ngiti at akmang magtatanong ako kung anong niluluto nila ay biglang may tumawag sa akin.

“Prinsesa Tina, kanina pa po kita hinahanap!” It was my personal maid, na kung tawagin dito ay aking tagapangalaga. May katandaan na ito at isa sa ginagalang na tagapagbantay dito sa kaharian.

“Bakit, Divina?” Dito ay walang honorifics para sa mga dugong maharlika. Pinagsabihan ako nito nang minsang tinawag ko itong inang, maaari raw siyang mapagalitan kung may ibang makarinig ‘non. Kaya naman tinatawag ko lang ito sa kaniyang pangalan kapag maraming ka-uri sa paligid.

“Aba’y mag-a-alas sais na po ng gabi at hindi ka pa nakakapagbihis. Nakalimutan mo na bang alas sais magsisimula ang salo salo?” mahabang paliwanag nito sa akin. But of course, hindi ko naman nakalimutan iyon.

“Pasensya na, Divina. Napasarap ang aking pag-libot sa kaharian,” tugon ko rito. Hindi ko sinabing sa labas ako ng kaharian nag-punta, dahil tiyak na hindi na muli akong makakalabas dahil sobrang protective ng aking engkantong ama sa akin.

“Oh siya, sige, halika na, para makapaghanda ka na,” tanging tugon nito. Pina-una ako nitong maglakad patungo sa aking silid. At agad itong sumunod sa akin pagkatapos. Hanggang sa makarating na kami sa aking silid at nag-aantay na sa tabi ng pintuan ang dalawang utosan na siyang tutulong sa akin sa pag-aayos ng aking sarili.

At ilang sandali nga ay tapos na akong ayusan. Nakasuot ako ngayon ng isang uri ng kasuotan na siyang kadalasang sinusuot dito sa mundo. Ngunit ang akin ay de kaledad ang telang ginamit, mas malambot at mas komportableng suotin. Kung sa mundo ng mga tao, ito ay isang flowy dress na abot hanggang sahig ang haba.

Humarap ako sa aking full length mirror at muling tiningnan ang aking kabuoan. Napatitig ako sa aking mukha, na siyang kaparehas nang sa aking kakambal na si Nana. Ang tanging hiling ko lang ay maayos ang takbo ng buhay nito sa mundo ng mga tao. Bumuntong hininga ako at bahagyang ibinaba ang ulo nang lumapit sa akin ang isa sa mga katulong dala dala ang isang simpleng korona na nakapatong sa isang maliit na unan.

Inilagay nito iyon sa aking ulo at muli akong napatingin sa aking kabuoan. With the crown on the top of my head, it’s just the thing that makes me special here. Without this, paniguradong hindi na ako buhay dito sa mundo. But this is my fate. Ang maging prinsesa sa kaharian ng Oudwech. At ngayong gabi, opisyal na akong tatawagin bilang—Prinsesa Tina Oudwech.

3,0

Read Now

Favorite