Pauwi na si Eliza ng tanghaling iyon galing sa isang business meeting. Masaya siya ngayon dahil na-close niya ang deal nila ni Mr. Zee. Malapit na siya sa intersection ng biglang may papalabas na kotse roon. Naapakan niya bigla ang preno na dahilan para sumasadsad siya. Salamat sa seatbelt na suot niya dahil hindi siya nasubsob sa dashboard.
Nagpupuyos sa galit na lumabas siya ng kinalulunanang sports car at tinungo ang kotse saka kumatok sa windshield nito.
"Hey! Lumabas ka riyan!" inis niyang sigaw habang kinakatok pa rin ang windshield ng kotse. Sino ang hindi maiinis! Muntik na siyang madisgrasiya! Lumayo siya ng bahagya ng bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas mula roon ang isang lalaki.
Napalunok siya ng makita kung gaano kagwapo ang lalaki. Matangkad at may kayumangging balat. Idagdag pa ang makakapal nitong kilay at manipis na labi na mas dumagdag sa kagwapuhan nito. Itinaas niya ang kilay.
"Say sorry," maldita niyang utos sa lalaki. Aba! Dapat lang na humingi ito ng tawad sa kaniya dahil muntik na siyang madisgrasiya! Nagsalubong ang makakapal na kilay ng lalaki.
"Say sorry? For what?" Sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nilingon din nito ang kaniyang sport car. "Wala naman nangyari sa iyo at hindi naman nagasgasan ang iyon sasakyan," tugon nito. Mas lalong uminit ang ulo niya sa tugon ng lalaki. Wala man nangyaring masama sa kaniya pero dapat humingi pa rin ito ng tawad sa kaniya! Tinaasan niya ito ng kilay.
"Muntik ng may mangyaring masama sa'kin tapos hindi ka hihingi ng sorry? Bakit? Kabawasan ba iyon sa pagkalalaki mo? O baka naman bading ka?" tudyo niyang tanong nito. Gusto niyang asarin ito dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Mas lalong nagsalubong ang kilay nito.
"Bakla pala, huh?" anito at kinabig siya palapit sa katawan nito at siniil ng halik sa labi. Mabilis ang mga pangyayari kaya hindi siya nakatutol. Napako siya sa kinatatayuan ng putulin na nito ang halik.
"Next time isipin mo mga sinasabi mo. Nahalikan ka tuloy ng wala sa oras," tudyo ng lalaki sa kaniya at dali-daling nagtungo sa kotse nito at pinausad iyon palayo. Nang makabawi siya ay agad niyang ipinalibot ang tingin sa kalsada. Ang iba ay napapatingin sa kaniya.
"Napaka-antipatiko talaga! Mayabang!" sigaw niya habang tikom ang bibig at kuyom ang kamao dahil sa galit. Padaskol siyang pumasok sa loob ng sport car at pinausad iyon pauwi sa kanila.
"Masarap din pala ang halik ng lalaking iyon. Iyon nga lang hindi na kami ulit magkikita," bulong niya sa sarili. Mas mabuti na rin iyon dahil ayaw niya ng makita pang muli ito pero may bahagi ng isip niya ang tumututol sa ideyang iyon.
Nang gabing iyon ay sabay na nagsalo-salo sa hapag-kainan si Eliza at ang kaniyang ama. Namatay ang kaniyang ina ng ipanganak siya. At ang kaniyang ama ang nagsilbing ina niya. Hinihiwa niya ang karne na nasa kaniyang plato ng magsalita ang kaniyang ama.
"May ipapakilala ako sa iyo anak. Nag-iisang anak ng isa sa mga business partner ko na si Mr. Clavier. Bukas ko siya—" Pinutol na ni Eliza ang iba pang sasabihin ng kaniyang ama.
"Dad, alam mo namang ayaw ko sa lahat ang inerereto ako," aniya sa naiinis na boses.
Minsan na kasi siyang ipinakilala ng kaniyang ama sa anak ng kaniyang kasosyo sa negosyo. My gosh! Magdidikit pa lang sila, nandidiri na siya. Ang lakas ng putok sa kili-kili! Mayaman naman ang lalaki o sadyang hindi lang concious sa sarili.
"Ipapakilala lang kita sa kaniya, anak," anang kaniyang ama. Wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa gusto ng kaniyang ama para hindi na humaba pa ang usapan.
Hindi maiwasang mapaisip ni Shane kung sino ang babaeng ipapakilala sa kaniya ng kaniyang ama habang nakaharap sa salamin at inaayos ang kurbata. Anak na babae ito ng business partner ng kaniyang ama.
"Hays! Kung kani-kanino ako nirereto ni dad," bulong niya sa sarili at napabuntong-hininga. Nang matapos sa ginagawa, lumabas na siya ng silid at nagtungo sa salas kung saan nadatnan niya ang kaniyang ama na nagbabasa ng magazine. Bumaling sa kaniya si Charles saka tumayo.
"Tara na anak. on the way na raw si Mr. Marquez," wika ng kaniyang ama na nauna ng naglakad.
Walang nagawa si Shane kundi ang sumunod sa ama. Tutol man siya pero wala siyang magawa. Nasa poder pa siya ng kaniyang ama kaya dapat lamang siya sumunod sa mga utos nito. Sabagay, ipapakilala lang naman siya.
Nang marating nila ang Gogi's Restaurant at mai-park niya ang mamahaling Sedan sa parking area ay lumabas na sila ng kaniyang ama at tinungo ang entrance ng restaurant. Binati sila ng crew pagpasok nila.
"Mr. Clavier!" mahinang sigaw ng isang lalaki na sa tantiya ni Shane ay nasa edad singkwenta'y syete. Sandali! May pagkakahawig sila ng babaeng hinalikan niya sa gitna ng daan dalawang araw na ang nakakaraan. O baka namamalikmata lamang siya?
"Mr. Marquez, nice to meet you again," bati ng kaniyang ama sa matandang lalaki at nilapitan ito sa inookopang mesa di kalayuan sa entrance. Binalingan siya ng kaniyang ama.
"Shane," tawag nito sa kaniya. Lumapit naman siya at nagpakilala kay Mr. Marquez at nakipagkamay rito.
"Asaan ang dalaga mo?" tanong ng kaniyang ama.
"Nasa comfort room. Hintayin lang natin saglit," tugon ni Mr. Marquez at inilahad ang kamaq sa upuan.
"Upo muna tayo," paanyaya ni Mr. Marquez sa kanila na ginawa naman nila.
Nag-usap ang dalawa patungkol sa negosyo. Ilang minuto ang hinintay nila hanggang sa nakita niya ang babae na naka-engkwentro niya sa kalsada at patungo sa mesang inookupa nila. Napakunot ang noo ng makita siya.
"Oh, hayan na pala si Eliza!" bulalas ni Mr. Marquez. Kitang-kita niya ang pagtalim ng mga mata nito na nakatitig sa kaniya. Galit ba ito?
"Ang ganda pala ng anak mo, Mr. Marquez," puri ng kaniyang ama sa dalaga. Nang mga sandalin iyon, nakatuon lamang ang atensiyon niya sa dalaga na naglalakad palapit sa kanila. Hind maipagkakaila ang gandang taglay ito.
"Dad," ani Eliza ng makalapit ito sa kanila. Nawala na rin ang matalim nitong titig sa kaniya at napalitan iyon ng maamong mukha.
"Hello po, Mr. Clavier, ikinagagalak ko po kayong makilala," magiliw na sabi ni Eliza sa kaniyang ama.
"Ikinagagalak din kitang makilala, Ms. Eliza Marquez," magiliw ding tugon ng kaniyang ama. Tiningnan siya ng kaniyang ama at binigyan ng makahulugang tingin. Tumayo na siya saka inilahad ang kamay sa dalaga.
"Hello, Shane Clavier nga pala. Nice to meet you, Ms. Marquez,"
Pinakatitigan lamang ni Eliza ang kaniyang kamay.
"Hindi ako magiging mabait dahil narito ang iyong ama. Pasensiya na pero hindi ko ikinagagalak na makilala ka," anito habang matalim ang tingin na nakatitig sa kaniya. Napatanga siya sa ipinakitang ugali ng dalaga sa harap ng kanilang ama.
"Eliza! Be nice," ma-awtoridad na sabi ni Mr. Marquez.
"Dad, he ki—" bago pa man masabi ni Eliza ang bagay na iyon ay dali-dali niyang tinakpan ang bibig nito. Mabuti nalang medyo malapit siya rito.
"Ahm, aksidente po kasi na muntik ng magkabanggaan ang sasakyan namin noong nakaraang araw at hindi ko po sinasadya na masabihan siya ng hindi maganda," paliwanag niya habang nakatakip pa rin sa palad niya ang bibig ni Eliza na pilit na kumakawala. Tinanggal na ni Shane ang kamay sa bibig ni Eliza kaya nakatanggap siya ng masamang tingin rito.
"Ah, iyon pala ang dahilan. Pasensiya ka na iha sa inasal ni Shane," hinging-paumanhin ng kaniyang ama. Pilit na ngumiti si Eliza sa kaniyang ama.
"Ayos lang po, Mr. Clavier," tugon nito. Tumayo si Eliza.
"Please excuse me," anito at nagmamadaling nagtungo sa comfort room. Ilang sandali lamang ay nagpaalam si Shane sa dalawa at nagtungo sa comfort room.
"Mukhang hindi na tayo mahihirapan sa dalawa, Wilbert," ani Charles na may matagumpay na ngiti sa labi habang tinitingna si Shane na naglalakad patungo sa comfort room.
"Kaya nga eh. Ngayon pa lang ay hindi na ako makapaghintay na maging balae ka," ani Wilbert. Natawa sila pareho hanggang sa napunta sa negosyo ang usapan nila.
1. Chapter 1 Taming A Grumpy Girl