Babysitter of a Playboy (Book 2)

Chapter 1

THIRD PERSON'S POV

Hindi mapigilan ni Haila ang magalit nang makita ang taong 'yun na hindi niya inaasahan. Nakaparami ng atraso ng taong 'yun sa kaniya kaya naman gano'n nalang ang galit niya. Para siyang nabingi sa ingay ng paligid pagkarinig sa boses nito. Malaking pasalamat niya't nakaya niyang tumakbo palabas ng kanilang munting bahay.

Para bang may tumusok sa dibdib niya sa hindi malamang dahilan. Gusto niyang magwala sa galit at ipakita rito ang sakit na kaniyang naramdaman. Hindi niya akalain na magtatagpo sila ngayon. Nawala pa sa isip niya ang pang-iinsulto ng Kuya nito sa amo. Naglaho lahat dahil sa isang tao lamang.

"Haila, pakiusap, huminahon ka.." usal ng kapatid nito ng hinabol siya. Kahit pa man gaano siya kabilis tumakbo ay nagawa pa rin siya nitong abutan. Napansin niyang sinundan siya ng kaniyang kapatid. Kumukulo ang dugo niya pagkatapos makita ang ama.

"Ano to, Kuya? Bakit may gano'n? Ha?"

Hinawakan ni Gino ang magkabilang balikat ng nakababatang kapatid." Haila, alam kong magagalit ka pero sana intindihan mo naman ako. Gusto kong naroon si Papa sa kasal namin ng ate Marie mo. Gusto kong kasama siya papunta sa altar." Depensa ng binata.

Napailing si Haila. Hindi niya akalain na uunahin pang isipin ng kapatid nito ang kagustuhan kesa sa kaniyang nararamdaman. Kahit na sino yata ang ilagay sa sitwasyon niya ay galit ang mananaig.

"Kuya, no'ng tumawag ka sa'kin at sinabing hindi na makabangon si Lola, narito na siya no'n?" Pilit pinapakalma ni Haila ang sarili. Ayaw na ayaw niyang nagagalit dahil nakakapagbitiw siya ng masasakit na salita.

Tumango si Gino. Halos wala siyang mukha na maiharap sa kapatid. Alam naman niyang hindi ito matutuwa pero ginawa niya pa rin. Pero gusto niya lang naman maayos ang alitan sa pagitan nila sa ama. Matagal niyang ninais na ayusin ang lahat alang-ala sa ikakapanatag ng kaniyang loob.

"So, ginamit mo lang si Lola para umuwi ako't makita siya? Gano'n ba?" Prangka ni Haila. Tanging tango ang naisagot ng Kuya nito na noon ay nakayuko na. Tinapik ni Haila ang kamay ng Kuya nito na nakahawak sa kaniyang balikat.

Napahawak ito sa sentido at pakiramdam niya at pinagtaksilan siya ng mundo. Gusto niyang umiyak sa inis pero hindi niya magawa. Para siyang binuhusan ng maraming pako't nagsitusok iyon sa kaniyang puso.

"Patawarin mo ko, Bunso. Wala na kasi akong maisip na paraan para mapauwi ka. Matagal ko ng nakakausap si Papa. Binalak namin na umuwi rito para sa inyo ni Lola. Kaya ko lang naman nagawa 'yun ay para magkaayos na kayo ni Papa. Alang-ala sa kasal ko."

Napabuntong-hininga ang dalaga." 'Yung tungkol kay Lola ay napagbigyan kita, Kuya. Pero tungkol sa taong 'yun, pasensiya na, hindi ko kaya."

"Lala, nagbago na siya. Ramdam at nakita ko 'yung pagbabago ni Papa. Parang awa mo na, kahit ngayon lang."

"Nagbago? Sa'n ka bumase, Kuya, sa mga salita niya? Psh! Nakalimutan mo na ba 'yung ginawa niya sa'tin? Kuya, bata pa 'ko nun. Sariwang-sariwa sa utak ko 'yung araw na iniwan niya tayo. Tapos ngayon ganiyan ka? Gano'n kadali sayong itapon lahat ng sakit na ipinaramdam niya sa'tin? Kuya, kung tutuusin, hindi niya deserve ang kapatawaran."

"Pero tatay natin siya. Nangungulila tayo sa kaniya diba? Narito na siya para punan lahat ng pagkukulang niya noon, Bunso.'Wag ka namang magmatigas ng ganiyan oh."

"Isipin mo rin sana 'yung sakit na dinulot niya sa'kin, Kuya, hindi 'yung puro sarili mo lang ang iniisip mo. Pagkatapos ng pang-iiwan niya sa'tin, magpapakita sya na para bang walang nangyari? Ano 'yun, wala lang sa kaniya? Wala siyang pakialam sa dinanas nating hirap sa pang-iiwan niya. Gano'n ba?"

Gustong ipaunawa ni Haila sa kapatid nito kung gaano kasakit ang pang-iiwan na ginawa sa kaniya ng ama noon. Napakabata niya pa noong iwan sila. Napakasariwa 'yun sa utak niya't kailanman ay hindi niya makakalimutan. Halos gabi-gabi kung umiyak siya noon. Naranasan rin nilang magutom dahil sa kawalan ng pera. Wala pa namang disenteng trabaho noon ang kanilang Lola Sonia.

Naranasan nilang magdildil ng asin sa hirap ng buhay noon. Sinubukan noon ng batang Haila na wag magalit sa ama pero habang tumatanda siya at tumitigas ang puso niya. Noon ay hindi niya tanggap ang pang-iiwan ng kanilang ama pero kalaunan ay nawalan na siya ng pake. Naging bato ang puso niya na dati ay kasinglambot ng mamon. Kinamumuhian na niya ang ama at mula noon ay nagalit na siya.

Sinisisi kasi niya ang ama kung bakit niya naranasan ang hirap ng buhay sa mura nitong edad. Iniisip niya noon, kapag hindi sila nito iniwan ay hindi niya mararanasang maging kasambahay. Siguro ay nakapagpatuloy ito ng pag-aaral at ineenjoy ang pagiging dalaga. Lahat ng pangarap niya ay mukhang nawala mula ng iniwan sila. Ipinangako niya sa sarili na hindi niya ito mapapatawad kahit kailan.

"Akala ko masamang magtanim ng sama ng loob, bunso?" Linapitan na nya ang kapatid. Hinawakan ang mukha nito't inayos ang magulo nitong buhok.

"Pero, hindi sa ganitong sitwasyon, Kuya. Hindi pa'ko handa na patawarin siya."

"Naiintindihan kita pero gusto kong maintindihan mo na hindi habambuhay 'yung galit natin sa kaniya. Bunso, matatanda na tayo. Gusto mo bang magkaroon ng pamilya na hindi kayo nagkakaayos ni Papa? Hindi ba't pangit 'yun tignan? Hindi ko ginagawa ito para sa kasal kundi para sayo lang din. Para sa pamilya natin."

"Sana gano'n kadaling magpatawad, Kuya."

"Alam kong mahirap. Hayaan mong ipakita ni Papa na nagbago na siya. Pangako, hindi ka niya bibiguin."

"Pero---"

"Shhh! Bunso, hindi natin malalaman, kung hindi natin susubukan. Magtiwala ka." At ginulo nito ang buhok ng kapatid. Niyakap niya pa ito't hinayaan na humagulgol sa iyak ang babae.

Naiintindihan ni Gino na hindi madali sa kaniyang kapatid na patawarin ang kanilang ama. Pero hindi naman niya hahayaan na wala siyang magawa. Gagawin niya lahat upang maayos ang pamilya na nasira noon. Gagawa at gagawa siya ng paraan kung kinakailangan.

* * * * * *

"Mauna na ho ako." Paalam ni Rhaiven. Tumayo ito kaya naman napunta sa kaniya ang paningin ng lahat ng naroon.

Nakabalik na kasi sina Haila at Kuya nito. Nabalot ng katahimikan ang buong sala. Pinapatahan ni Gino ang kapatid. Wala namang magawa si Miguel kundi panoorin ang anak na babae. Kinakausap niya ito pero wala siyang natatanggap na sagot. Galit nga ito sa kaniya at kailangan niyang tanggapin 'yun.

Kahit pa man marami ng katanungan sa isip ni Rhaiven ay minabuti niyang manahimik. Wala siyang masabi sa mga narinig na sinabi ni Haila ng panoorin nila ang pagtatalo nilang kapatid. Noo niya lang nakita si Haila na gano'n magalit. Sa tagal nilang magkasama ay hindi niya pa nakita ang dalaga na ganoon magalit. Hindi niya alam kung tama na sumama siya kina Lola Sonia kanina na pakinggan ang usapan ng magkapatid sa di kalayuan.

Wala siyang ibang masakit kundi ang sakit. Nababasa niya kasi sa mata ni Haila 'yung sakit. Hindi niya akalain na ganito ang maaabutan niya. Nakita niya rin kung paano tumulo ang luha ng ginoo habang pinapanood kanina ang dalawang anak ma magtalo. Alam niyang narinig nito ang bawat detalyeng lumabas sa bibig ni Haila. Hindi niya alam pero nasasaktan siya habang unti-unting nalalaman ang totoong meron sa pamilya ng babaeng mahal niya.

"Magpalipas nalang po kayo ng gabi rito, Sir." Muntik pang mautal si Gino ng pigilan ai Rhaiven na umalis. Nagulat silang lahat sa inakto ni Gino. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ipagpabukas na ang pagluwas.

Nasa hapag kainan na sila pero nanatili pa rin na walang imik si Haila. Hindi niya maiwasang sulyapan ito. Kahit pa man gusto niyang kausapin ang dalaga ay hindi niya magawa. Bigla kasi siyang nahiya na mangulit kaya minabuti niyang hayaan na muna ito. Sa lagay ni Haila ay mukhang kailangan niya ng panahon para makapag-isip.

"Kain ka lang ng kain, Hijo. Ang nanay ko ay magaling magluto kaya magpakabusog ka." Pambabasag ni Miguel sa katahimikan. Napapansin kasi niyang nalalamon ng katahimikan ang hapag. Paraan na rin niya 'yun para mapansin siya ng babaeng anak. Ngumiti nalang si Rhaiven. Akma siyang sasalinan ng ulam ni ginoo ay agawin ito ni Haila. Nagulat silang lahat.

"Ako na." Malamig na wika ng babae at tumayo ito upang asikasuhin ang amo. Pipigilan sana siya ng ama ng senyasan siya ni Lola Sonia na hayaan nalang. Napatingin si Rhaiven kay Haila na hindi pa rin nagbabago ang kaniyang aura. Napakaseryoso pa rin ng mukha niya gaya kanina.

"Ahh, Anak, akala ko kanina nobyo mo siya 'yun pala amo mo. Buti naman at wala pa sa isip mo ang makipagrelasyon." Mungkahi ni Miguel na pilit kinukuha ang atensyon ng anak.

Nagkatinginan silang lahat matapos ang sinabi ni Miguel. Naiintindihan naman nila kung bakit kinukulit nito si Haila. Malamang ay sabik siyang makausap ito. Hindi naman maikakala na may lungkot sa mata ni Miguel. Nakikita niya kasi kung paano pilit lamang na sumagot ang dalaga sa kaniya.

Nakapagpakilala na si Rhaiven kanina. Ang akala pa ng ginoo ay nobyo siya nito kaya sinabi niya na amo lang. Nagkwentuhan sila at nagtanong sa kaniya kung gaano ba kabait ang babaeng anak. Lahat naman ay sinabi ni Rhaiven. Sinabi niya lahat sa ginoo ang mga katangian ni Haila na nagustuhan niya. Hindi niya maiwasan ang matuwa kapag nakikita niyang sabik ito sa pakikinig tungkol sa anak. Mukhang uhaw na uhaw ito sa presensya ng anak. Kahit saglit lang sila na nagkakilala, pakiramdam ni Rhaiven ay napakagaan na ng loob niya sa ginoo na ikinatutuwa niya.

"Uhmm." Tipid na sagot ni Haila.

"Anak, may pasalubong pala ako sa'yo. Teka lang kukunin ko." Tumayo si Miguel ng hindi manlang siya tinapunan ng tingin ni Haila. Nasasaktan man siya ay kailangan niya 'yun tiiisin. Naiintindihan naman niyang galit ito sa kaniya.

Kinuha ni Miguel ang isang supot ng ubas na naroon sa refrigerator sa di kalayuan. Masigla siyang lumapit sa dalaga't itinaas ang dala. Natuwa ang lahat maliban kay Haila na nanatiling nakatuon ang pansin sa plato. Pilit siyang kinakalabit ni Gino upang tignan ang dala ng kanilang ama pero pilit niya itong sinusuway. Tahimik lang din na nanonood si Rhaiven at pinapakiramdam si Haila.

"Charan! Ubas para sa aking munting prinsesa." Ani Miguel at iniabot sa dalaga ang hawak na ubas. Pero nasaktan siya ng hindi manlang tumingin si Haila sa kaniya.

"Bunso,'yan na ang paborito mong ubas o, binilhan ka ni Papa. Para sayo lahat 'yan." Wika ni Gino. Gusto niyang tulungan ang ama na paamunin ang kapatid nito. Pero sa nakikita niya ay mukhang nahihirapan sila.

Ngumiti ng pilit si Haila at hindi nag-abalang abutin ang ubas na bigay ng ama. Pinagpatuloy niya ang paglamon na hindi manlang niya ito sinulyapan.

"Balita ko kasi, paborito mo ang ubas kaya binilhan kita. Ngayon ko lang alam na parehas kayo ng paborito ng Mama mo noon. Nakakatuwa." masiglang ani Miguel.

"Talaga, Papa mahilig din si Mama noon sa ubas?" Makikita sa mata ni Gino ang gulat sa nalaman.

"Oo, anak."

"Alam niyo, apo, noong binata ang Papa niyo, lagi siyang humihingi ng pera noon sakin,'yun pala ipinambibili niya ng ubas para sa Mama niyo." Pagkwekwento naman ng matanda at bahagya pang natawa.

"Hahaha!"

"Totoo ang sabi ni inay, sa kaniya ako humihingi ng pera noon kasi wala pa akong disenteng trabaho."

"Tama, at isa pa natutuwa ako sa kanilang dalawa noon. Tumino kasi ang Papa niyo ng makilala ang inyong ina."

"Kapag lalabas kami ng Mama niyo noon, hindi kami kakain sa mamahaling restaurant. Ugali naming bumili ng ubas at mga kakanin tapos pupunta kami sa parke at doon kami tatambay. Napakasimple lamang ng Mama niyo, hindi siya mahilig sa mga materyal na bagay. Ubas lang ay sapat na sa kaniya. Kaya ko nga siya nagustuhan ay simple lamang siya na babae." Paliwanag ng ginoo.

"Wow! Hindi ko akalain na magkaugali kayo ni Mama, bunso." Masayang ani Gino sa kapatid na nanatili pa ring nakatuon ang pansin sa plato.

"Kaya ngayon, natutuwa akong malaman na paborito mo rin ang ubas, anak. Parehas na parehas kayo ng Mama mo. Hindi nalalayo ang mukha mo sa kaniya. Napakaganda mo, Haila." Masayang usal ni Miguel ng tinapunan ng pansin si Haila.

Naaalala kasi nito ang namayapang asawa na paborito rin ang ubas noon. Mahilig rin kasi ito sa ubas. Kapag aakyat siya ng ligaw noon ay ubas ang lagi niyang dala. Hindi ito mahilig sa materyal na bagay kundi ubas lang ay sapat na. Kaya naman natutuwa siyang malaman ngayon na paborito rin ng babaeng anak ang ubas. Nakikita niya rito ang namayapang asawa.

"Kaya bang burahin ng ubas na 'yan lahat ng sakit na pinaranas mo sa'min?" Sarkastimong wika ni Haila na ikinagulat nilang lahat.

Para bang nabingi si Miguel pagkarinig sa sinabi ng dalaga. Napayuko siya at pinipigilan maging emosyonal. Alam niya kasing sinusubukan lamang siya ni Haila. Nahihirapan siya kaya gusto niyang umiyak pero hindi nito magawa. Kinakailangan niya 'yun balewalain alang-ala sa ikabubuti nila. Iintindihin nalang niya si Haila.'Yun ang nararapat niyang gawin ngayon.

Hindi naiwasan ni Rhaiven na mamangha sa mga nalaman. Kung tutuusin ay nakakatuwa ang papa ni Haila. Pero, hindi maiwasan ni Rhaiven na mag-alaa dahil kinamumuhian ni Haila ang ama. Gusto niya tuloy gumawa ng paraan upang magkaayos silang dalawa.

1. Chapter 1