Ang Boyfriend Kong Manyak

Chapter 1 Montreal University

Yhnna's Pov

"Mama ayoko talaga don" pagmamakaawa ko

"Hindi pwede! Tara na't naghihintay na ang papa mo sa labas!" Pasigaw na sabi ni mama

"Pero ma, ayoko po talaga don. Madami pa naman ibang magandang school na pwede kong pasukan basta wag lang sa Montreal University! Tsaka ma kahit sabihin pa natin na half scholar ako malaki pa din ang babayaran natin para sa tuition ko! Isa pa pambayad pa lang sa kuryente nga natin nahihirapan tayo. Kaya please mama wag na po don" pagpilit ko sa kanya.

"Huwag mong isipin yon! Problema na namin ng papa mo yon! Ang importante anak mag aral ka ng mabuti, para din naman sayo yan. Hala! Sige! Labas na! Baka mahuli kapa, Kakaumpisa pa lang ng klase ay late kana! Sige na't lumarga na!" Sabay hampas pa sa puwitan ko bago ako kinaladkad palabas ng bahay.

"Ang ganda naman ng anak ko bagay na bagay ang uniporme mo sayo" puri naman sakin ni papa habang pinupunasan ang tricycle na pinapasada niya.

"Ate! Sasabihin ko sa school namin na ang kapatid ko ay nag aaral sa Montreal University!" Sabi naman ng kapatid kong si Yael.

Pumasok na ako sa loob ng tricycle at sumimangot sa harapan ng magulang ko. Ang kapatid ko naman ay umupo sa maliit na upuan sa loob ng sidecar na siya namang ipinag taka ko.

"Bunso bakit ka dyan umupo? Ang luwang dito ha?" Sabi ko habang turo turo ang upuan sa tabi ko.

"Ayos na ako dito ate! Baka kasi malukot ang damit mo. Ang ganda pa naman! Bagay na bagay sayo" wika niya.

Tinignan ko siya ng masama at pilit na pinapalipat sa tabi ko ngunit sadyang matigas ang ulo niya.

Sumakay na si papa sa motor niya at tinawag si Yael. "Bunso dito kana sa likod sumakay baka malukot ang damit ng ate mo" sabi ni papa na siya namang ikinasimangot ko lalo. Agad namang bumaba si Yael at lumipat sa likuran ni papa at don sumakay.

Unang bumaba si Yael sa harap ng paaralan nila at agad sinabi sa kasabayang kaklase niya ata na ate niya yung nakasakay sa loob ng tricycle at sa Montreal University ako nag aaral. Tinakpan ko nalang ang mukha ko sa sobrang hiya.

********************************************

MONTREAL UNIVERSITY

Pinakita ko kay Manong Guard ang School I'd ko bago niya ako pinapasok sa loob ng school. Napahinto ako at bahagyang naka nganga pa dahil sa gusaling nakikita ko. Nasa europa ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Ang ganda at ang laki ng school na to. Kaya siguro ganoon na lang ka mahal ang tuition fee nila dito.

Nanlalambot ang tuhod ko pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Palinga linga ako dahil sa hindi ko alam san magsisimulang maghanap kung saan ang mga BSHRM nila dito.

May nakita akong mga grupo ng babae na nag uusap usap, halata sa suot at kutis nila na mayaman sila. Magtatanong sana ako kaso nung tumingin sa akin yung dalawang babae ay pinag taasan agad ako ng kilay. Heto na nga ba sinasabi ko eh! Kaya imbes na magtanong ay ngumiti nalang ako at yumuko at nagpatuloy sa paglalakad.

20 minuto na ako naglalakad pero di ko pa din mahanap yung Aurellia Building kung saan daw yung mga Management students daw ay doon. Tumingin ako sa relos ko at humugot ng malalim na buntung hininga. "Unang araw ng klase ko pero late na agad ako" bulong ko sa sarili ko.

Bigla akong napadikit sa pader dahil sa babaeng naka tama sakin habang mabilis na naglalakad, takbo na nga yata ginagawa niya. Huminto naman siya at bumaling sakin at hinawakan kamay ko.

Nakatulala lang ako sa kanya dahil para akong naka kita ng literal na anghel na asa lupa. Ang lambot ng kamay niya na naka hawak sa aking kamay ngayon, ang haba din ng kanyang itim na tuwid na tuwid na buhok. Maputi ang kanyang balat at may mapulang labi, matangos din ang kanyang maliit na ilong.

"Miss you okay?" Tanong niya sakin. "I'm sorry di ko sinasadya, Okay la lang ba?" Ulit na tanong niya.

Tumango lang ako ng paulit ulit at ngumiti ng bahagya. "Okay lang po ako, kasalanan ko din naman di ako nakatingin sa dinadaanan ko" sabi ko sabay tingin sa Class card na hawak ko.

"Buti wala kapa sa classroom mo?" Tanong niya

"Hindi ko pa po kasi nakita yung Aurellia Building. Doon po daw kasi mga mga Hrm students" nahihiyang sabi ko.

"Aurellia Building ba? Doon din punta ko, halika isasabay na kita" nakangiting sabi niya.

Nanlaki naman mata ko at natuwa dahil sa sinabi niya. "Talaga po?" Tanong ko.

Ngumiti siya sakin at yumakap sa braso ko. "Yep! Tutal late na tayong dalawa kaya huwag na tayong magmadali" sabi pa niya.

"Ako nga pala si Sharleen Ty" sabi niya na tumingin sa akin. "Ako naman po si Yhnna Lopez" sabi ko naman.

"Alam mo ang gaan ng loob ko sayo, friends na tayo ha?" Kita ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin habang nakangiti.

"Sige po" nahihiyang sabi ko.

"Di naman ako ganon katanda para mag opo ka sakin 26 pa lang kaya Sha nalang ako at magkaibigan na tayo diba? Ay! Teka!" Sabi niya at may kinuha siyang sobre sa bag niya at iniabot sakin. "Ano po ito?" Inosenteng tanong ko. "Ate Sha na lang itawag mo sakin kung na iilang ka na tawagin akong sha. Invitation yan mag bi birthday ang anak kong si Tyler next week, punta ka ha?" Sabi pa niya. Tumango nalang ako at bahagyang ngumiti.

Sa wakas nasa tapat na din kami ng Aurellia Building, tatlong palapag ito at katabi lang pala ng Ramon Building na inikutan ko kanina.

"Samahan na kita sa classroom mo, patingin ng Class card mo" sabi niya at walang paalam na kinuha niya sa kamay ko ang Class card at tumingin siya sa relos niya. Nahiya naman ako sa relos niya na halata namang mamahalin kaya tinago ko ang kamay ko sa likuran. Na iilang na ngumiti nalang ako sa kanya habang hila hila ang kamay ko.

"Good Morning Mrs. Rivera" sabi ni ate sha sa nakasabayan naming guro na mukhang instrikta.

"Oh! Sharleen! Ikaw pala. Good morning" sabi niya at sumulyap siya sakin kaya nag good morning nalang din ako. "Buti napasyal ka?"

"May ibibigay po kasi ako ay Monica" -Sharleen

"Alam ko'y paalis na siya, may seminar sila sa baguio ng dalawang araw, puntahan mo na baka di mo maabutan". -Mrs. Rivera

"Nasabi nga po niya sa susunod na araw naman ay aalis din kami ng pamilya kaya wala din akong oras" -Sharleen

"Kung gayon eh puntahan mo na" sagot ni Mrs. Rivera

"Ihahatid ko lang po si Yhnna sa classroom niya" sabi ni Ate Sha

"Hindi Ate kaya ko naman, baka maka alis na ang kaibigan mo at di mo maabutan" wika ko

"Siya nga naman Sharleen, ako na maghahatid sa kasama mo" sabi ni Mrs. Rivera at tumingin sakin.

"Sigurado ka?" Nag aalalang tanong ni Ate Sha. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Kung ganon, mauna nako ha?" Dagdag pa niya. "Mrs. Rivera paki hatid nalang ang kaibigan ko sa classroom nila" dagdag pa niya. Tumango naman ang guro at humalik sa pisngi ko si Ate Sha at tuluyang umalis.

Ini ayos ni Mrs. Rivera ang salamin niya at tumikhim. "Tayo na?" Sabi niya. "Sige po" sabi ko naman.

"Saan ba ang classroom mo?" Tanong niya. "Sabi may room 204 po" sabi ko. "Sagot room 207 ang punta ko kaya madadaanan natin ang classroom niyo." Sabi niya habang naglalakad kami paakyat.

"Good Morning Sir. Damian" sabi ni Mrs. Rivera bago kumatok ng tatlong beses sa pinto at binuksan yon. Tumingin ako sa loob. Nasa may 20 sigurong estudyante ngayon ang nasa loob na may kanya kanyang ginagawa yung iba ay napatingin samin yung iba naman ay parang balewalain lang sa kanila. Nakita ko din yung 2 babae na nag taas ng kilay sakin kanina. Sa kasamaang palad, mukhang kaklase ko sila.

"Hinihatid ko lang ang estudyante mo dito" nakangiting sabi ni Mrs. Rivera

"Ganon po ba? Marami pa nga po ang wala sa klase ngayon. Dahil siguro iniisip nila na Okay lang dahil unang araw pa lang" tumingin siya sakin at sinabing umupo na ako. Tumingin naman ako kay Mrs. Rivera at nagpa salamat bago umupo sa may bandang likuran na katabi ang bintana.

"Pssst.." Sabi ng babae na tumabi sa akin. "Hi!" Sabi pa niya at ngumiti sakin.

"Hello" ganting bati ko naman at nginitian din siya.

"Ako pala si Samantha" sabay abot niya sa kamay niya sakin.

"Yhnna" sabi ko naman at iniabot kamay niya.

"Friends na tayo ha? Wala pa kasi akong friends dito sa school. Pretty please" sabi niya na pinapungay pa ang mga mata at nag pout. Natawa naman ako sa reaksyon niya kaya sinundot ako sa tagiliran. "Yehey! Friends na kami" sabi pa niya.

"Sige, ako din naman eh. Wala nga akong kakilala dito" sabi ko.

"Hmm.. Kita mo yung girl na parang dinudugo ang bibig? Siya si Veronica classmate ko siya dati nung asa Elementary kami at malapit lang din bahay nila samin sa iisang village lang kami nakatira" sabi pa niya. Tumango naman ako at tinignan yung babaeng tinutukoy niya.

Nag umpisa na ang klase at buti nalang wala na yung pagpapakilala sa harapan sa buong klase.

***

1. Chapter 1 Montreal University