Am I The Fault?

Status: Completed
Book Cover

834.7K

Views

10

Chapters

5.0

Ratings

He's a lawyer and she's a thief and murderer, also his dream girl who got slipped away from his fingers years ago in exchange of what he has now, his "dream" life. But he doesn't feel any satisfaction, thinking he lost his life destination because she's not there. Now that she has returned in his life as a criminal, he's opposing her who's against the law, his chosen profession.

While traveling the world he met her again, but now that sweet girl he always dream of became a thief. He caught her thinking maybe he could make a better life for her because he's now successful but all of his plans crumpled down when he finds out the notorious robber and murderer of Europe and that girl, Vhallerine Tamara Estrella is the same person.

Summary

He's a lawyer and she's a thief and murderer, also his dream girl who got slipped away from his fingers years ago in exchange of what he has now, his "dream" life. But he doesn't feel any satisfaction, thinking he lost his life destination because she's not there. Now that she has returned in his life as a criminal, he's opposing her who's against the law, his chosen profession.

While traveling the world he met her again, but now that sweet girl he always dream of became a thief. He caught her thinking maybe he could make a better life for her because he's now successful but all of his plans crumpled down when he finds out the notorious robber and murderer of Europe and that girl, Vhallerine Tamara Estrella is the same person.

01 | dreamscape

Chapter One. Dreamscape.

“Excuse me, what did you say?”

Atty. Tamizen sighed, “I think you need a break, Atty. Zaldien. You’ve been stressed out for three years now. You never had your leave, even once.”

“I don’t need to leave, I’m perfectly fine.” Galen answered.

“You know what I’m saying, Galen,”

“No I don’t.”

He played dumb even knowing what he means.

They both know it. Galen lost his passion for anything years ago and he needs the break but he is just so stubborn to even acknowledge that he’s heartless now because that girl took his heart ages ago.

“I seriously… don’t need it, David.” He taps his friend’s shoulders as he walks out from the firm.

He’s hearing that many times now so he thought maybe he really should rest for a bit. He never got his rest and he needs it.

Lumipad siya papuntang France para roon magbakasyon. Isa pa, kakailanganin niya ‘yon dahil gustong-gusto ng ina niya na roon na siya magtrabaho kaya tinitingnan niya kung ayos lang ba ang environment na lilipatan niya kung ganoon.

Pero kahit nandoon na siya ay hindi maalis ang kanyang isip sa Pilipinas dahil sa mga kasong binitawan niya.

Kasalukuyan siyang nasa isang park. Nakaupo lamang siya habang kinakain ang kanyang ice cream. Naka-button down dress shirt pa siya at itim na pants. Mahahalata mo talaga na propesyonal. Pero dahil hindi na bago iyon sa mga tao sa France na mga fashionista.

Narinig niya ang pagtawag ng kaibigan niyang si David. Ito ang may-ari ng firm na kanyang kinabibilangan.

“Hmm… new case?” Inunahan na ni Galen ng tanong ang kaibigan.

“Nope. You should enjoy your stay there, it won’t be long. I just want to invite you in my wedding.”

Nag-ayos ng upo si Galen sa bench. “Wow. Congratulations.”

David chuckled on the other line. “I’m expecting you there. Don’t worry, the wedding will happen after your vacation.”

“I’ll be there, bro,”

“Where are you now, Galen?”

Umikot ang tingin ni Galen sa paligid. “A park. I don’t have any places in my mind. Whenever I search places on the internet I would immediately think it’s boring. I don’t have the energy to go there.”

“Dude, just admit you can’t move on from that girl. Even I don’t know her, I know she’s a big part of you.”

“Yeah? You think?” Galen licked his lips and looked up. “I miss that girl so much.”

Galen got what his parents wanted for him. The career so they wouldn’t be the poor family they used to before. The life they’ve always dreamed of for him. Literally everything they’ve ever wanted. All Galen’s life, he followed his parents because when he lost that girl, he has nothing to lose.

Then suddenly, he’s back to his memories when he was 7.

“Galen, labas ka riyan!” The girl’s loud and small voice woke up the sleeping Galen. Her voice is muffled because of the glass window. She’s knocking on his window.

Kinusot ng pitong taong gulang na si Galen ang kanyang mga mata tsaka tumingin sa bintana. Nakita niya roon ang kalaro niyang si Vhallerine. Mukhang nakatungtong pa ang limang taong gulang na batang babae sa isang upuan kaya naabot nito ang bintana ng kanyang kwarto. Tumayo siya at kumuha ng isang upuan para tumungtong doon at magkaharap sila ng kalaro niya.

“Anong ginagawa mo rito, Vhal?” He asked.

“I want to play with you!” Lumukot ang ilong ng bata. She smiled cutely at him. She’s on her usual pigtails hairstyle and a dress with a face of barbie. “Come on, Galen! I have nothing to play my dolls with!”

“I’m a boy, Vhal. Sabi ni papa bawal maglaro ng barbie ang mga lalaki.”

Nanliit ang mga mata ng bata. “Why not? It’s a toy, too!”

“Basta… Umuwi ka na, Vhal. Baka makita ka ng mga magulang ko. Papaalisin ka nun.”

“No, I will not get out of here unless you go with me!” The little girl crossed her arms. In Galen’s surprise, that made the chair Vhallerine’s standing to collapse making her fall on the ground. “Ahhh!” The little girl screamed.

Tumingkayad si Galen para tingnan ang kalagayan ng kaibigan niya pero dahil sa ginawa niya, nahulog din siya!

“Ahhh!” Galen screamed.

Moments later… He heard the girl’s soft laugh.

“Aww, you fell too!” Nakaakyat na si Vhallerine sa upuan ulit. May luha pa ang pisngi pero natawa agad nang makita ang kalaro niyang nahulog din.

Nanlaki ang mga mata ni Galen nang marinig niya ang yapak ng kung sino papunta sa kanyang kwarto. Kahit na hirap tumayo, napahawak siya sa kanyang bewang at paika-ikang tumayo. Sinenyasan niya si Vhal na magtago. At dahil sanay na si Vhal sa nangyayari sa bahay nila, sumunod ito sa utos niya.

“What’s that sound?” Galen’s mom opened the room’s door.

“N-Nothing, mama…”  Umiling agad si Galen. “I just fell from the chair.”

“You’re so loud,” iritadong sabi ng kanyang ina sa batang lalaki. “Ang tanga tanga mo naman. Ano, masakit? Kaya pala nakahawak ka sa bewang mo. Buti nga sa ‘yo.” Umirap lang ito sa kanya at sinarado ang pinto.

Nang masiguradong wala na roon ang kanyang ina, agad na umakyat ulit si Galen para makita si Vhal. Saktong pag-akyat niya ay naka-akyat na rin ito. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti.

“You know, bro, it’s been years already… If you still love her that much, I’ll help you find her. But what if she has her own family now?”

“I just… I just want to see her.” Galen closed his eyes and licked his lower lip. “I want to say sorry for everything I did. For leaving her. I… I think I just feel bad of leaving her. I don’t think I love her. We were young and…”

“And? Bawal pa sa relationship? Eh paano kung nasa tamang edad kayo no’n? Isipin mo ‘yung posibilidad. Posible ba? Hindi?”

“I don’t want to think about it, Davie.” Galen sighed. Inilagay niya ang kanyang sigarilyo sa gitna ng kanyang labi. Wala pa iyong sindi dahil baka may dumaan pang mga bata rito, lalo na’t may mini playground sa gilid. Pero nang wala pa rin siyang makitang tao, sinindihan na niya.

After their talk, binaba ni Galen ang kanyang cellphone at hinilot ang kanyang sintido dahil naaalala niya na naman ang nangyari noon.

They were 11 and 9 when they started sneaking out just to go together on the park. Iba ang tinginan nilang dalawa pero dahil parehas na inosente ang mga isipan nila, akala nila ay normal lang ito sa magkaibigan.

Pumupunta sila sa mga seesaw para maglaro habang tumatawa. Wala na ang pigtails ni Vhal na ngayon ay tumatangkad na at mas lalo pang gumaganda. Si Galen naman na papasok na sa highschool ay hindi alintana ang sasabihin ng mga ka-batch niya na isip bata siya, basta makadama niya lang si Vhal.

“Why am I even staying here, anyway?” Mahinang tanong nito sa sarili at umambang tatayo sa bench.

“Voleuse!!” (Magnanakaw!!) Sigaw ng isang french na babae. Tinuturo nito ang bag niyang kinuha ng isang babaeng naka-hoodie na kulay itim. Papunta ito sa direksyon ni Galen.

Napatingin si Galen sa paligid. Walang ibang malapit na tao roon kundi siya lang!

‘Fuck, I guess I have no choice then?’ sabi niya sa isip at inilayo ang sigarilyo sa kanyang mukha.

Wala manlang kaeffort-effort ang plano niya. Dahil naitatago ng isang maliit na puno ang bench ay siguradong ‘di siya makikita nung magnanakaw. Nang malapit na ito sa direksyon niya ay tumayo siya at tinapon ang kanyang sigarilyo.

Hinarang niya agad ang ang magnanakaw. Tinanggal ni Galen ang hoodie na suot nito. He expected furrowed eyebrows from the thief but they both didn’t expect what they saw.

“G-Galen?” The woman’s voice made him more shocked. Even it matured, he’s sure they’re the same person.

Ang babaeng magulo ang kulay brown na buhok at may malaking hati na peklat mula sa kanang noo hanggang sa kanang pisngi ay nakatingin sa kanya.

Hindi makapagsalita si Galen. Nabitawan niya ang hoodie ng babae. Dahil doon, nagmadaling tumakbo ang babae dahilan para tuluyan na itong makaalis. Pero hinulog ng babaeng iyon ang bag na kanya sanang nanakawin.

Kinuha iyon ni Galen at ibinigay sa babaeng muntik na manakawan.

“Merci, merci. Thank you.” Ngumiti ang babae sa kanya.

He couldn’t even accept the woman’s hand because of the shock. Nakita niya ulit ang babaeng iyon matapos ang sampong taon!

Hindi… Hindi naman siguro magnanakaw ang minahal niya, ‘di ba? Nagkamali lang siya! Hindi magnanakaw ang babaeng kilala niya. Pangarap ni Vhallerine maging isang doctor. Mayaman ang pamilya ni Vhallerine, isa iyon sa dahilan kung bakit siya napilit noon na umalis sa kanilang tinitirahan. Para lang may mapatunayan siya rito. Imposibleng naging magnanakaw ang babaeng kalaro niya noon!

Because of curiosity, he waited on the park again. Days, nights, minsan nga ay madaling araw pa. Para lang makita ulit ang babaeng iyon.

Hanggang sa…

“Stop! Please! That’s my bag!” Isang amerikano naman ang nanakawan ngayon.

Bumilis ang tibok ng puso ni Galen sa hindi malamang kadahilanan. Hindi siya sigurado kung dahil ba iyon sa kaba o sa iba pang dahilan.

Katulad noong nakaraan, hinarang niya muli ang babae. Pero mukhang alam na nito ang gagawin niya kaya mabilis itong tumakbo pero hinabol niya ito. At nang malapit na siya, hinuli niya ang bewang nito at inilapit sa kanya.

Hindi nagsalita ang babae. Hinulog lang nito ang bag sa ibaba.

Nang tanggalin niya ang hoodie, ibang babae ang bumungad sa kanya. Hindi si Vhallerine. Posible bang… Nagkamali lang siya? Nalito lang siya? Nag-hallucinate?

“P-Please… Don’t hurt me. I will… I will follow you… Police.” Hirap pang mag-ingles ang babae. “I have… Child. Five. Five kids.” Pinakita nito ang limang daliri sa kanya.

“I’m a lawyer. Go with me to the police station.”

Pagkarating nila roon, nakulong agad ang babae. May inutos pa ito sa kanya para sa lima nitong anak. Kahit naaawa siya ay wala siyang magawa dahil mali pa rin ang ginawa ng babaeng iyon.

He hates criminals. Criminals raised his parents. That’s why they couldn’t raise him well.

Palabas na sana siya ng police station nang makita niya ang isang wanted poster na nakadikit doon. Maraming nakadikit pero ang pinakamalaki ang nakaagaw sa kanyang pansin. And then, it’s there… He saw her again.

The girl with a long scar on her face. The girl who used to smile when they’re a kid is not smiling for the mugshot. Seryosong seryoso ang mukha nito.

‘WANTED: Dead or Alive’.

Vhallerine Estrella for 2000 euro.

Natulala lang siya roon. Lalo na nang mabasa niya ang nasa ibaba.

Murderer. Murdered two kids and one mother.

5,0

Read Now

Favorite