A Corner of Paradise

Prologue

Cressida Estella Carranza

Dahan-dahan akong nagmamaneho ng aking kotse papunta sa Sirao Garden kung nasaan si Aris. Nakatanggap ako ng text mula sa kaibigan ko na nakita niya si Aris sa Sirao pero hindi niya nakita kung sino ang kasama. Pero hindi ko maiwasan na kabahan at magduda na baka babae ang kasama niya. He didn't even try to call me or text me.

I hope my thoughts and feelings are wrong. And I also trust him that he will not hurt me.

Ilang minuto lang ang byahe ko ay agad akong nakarating sa Sirao. I quickly paid a fee to get in there. Nilibot ko ang buong garden hanggang makarating ako malapit sa kanila.

My heart broke when I saw him kissing someone else. Nanghina at tila parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko at unti-unting tumulo ang luha sa mga mata.

Nakatayo ako na malapit sa kanila habang naghahalikan sila. Nakaupo sila sa isang malaking kamay. Parang ilang beses sinaksak ang puso ko sa sakit nang maputol ang halikan nila ay may magandang ngiti na gumuhit sa labi ni Aris.

Ang ganda ng ngiti mo para kang walang nasaktan na iba. Kung ako kaya siya, ganyan din ba ka ganda ang ngiti na makikita ko sa labi mo?

"Love," umiiyak kong tawag kay Aris.

'Yung sapat lang na silang dalawa lang ang nakarinig. Sabay silang napatingin sa gawi ko at parehong nawala ang magandang ngiti sa kanilang labi.

Dahan-dahan akong naglakad at huminto ako sa harapan nila.

I saw him swallow before he spoke, "W-what are you doing here? You disturbed our date, Solana" aniya.

And I didn't expect that. I thought he would deny what I saw but no.

Hindi ko inaasahan ang salitang iyon na lalabas sa mismong bibig niya. Sinaktan na nga niya ako sa paraan ng paghalik sa pinsan ko pati na rin sa salita.

Patuloy sa pagtulo ang luha na halos lumabo na ang aking paningin at halos hindi na rin ako makahinga dahil sa pagsikip ng aking dibdib.

"L-love-"

"Please leave, Solana. You ruined our date. Nakita mo naman siguro ang ginawa namin dito, right?" she cut me off.

Gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya. I don't care even if she's my cousin but I just put aside my anger for Aris because I don't want him to get angry because he might leave me. But I know that he will still leave me.

I looked at Aris and, "L-love, uwi na tayo," pakiusap ko, hahawakan ko pa sana ang kamay niya pero itinago niya 'yun sa likod niya.

My gaze shifted to Aris' hand holding Seren's waist.

"Uuwi lang ako kung si Seren ang kasama ko."

Tuluyan ng nawasak ang puso dahil sa sinabi niya.

Damn it!

Why is she the one you want to be with? I'm here, your girlfriend, Aris.

"Kaya umalis kana, please lang, Solana, so we can continue what we are doing." sabi niya, "And don't force yourself here because you will only get hurt. Masasaktan ka lang sa makikita mo at ayokong masaktan ka....... d-dahil alam kong walang dadamay sa'yo...."

"N-no," umiiling pa ako. "Aalis tayo rito. Sasama ka sakin kasi akin ka." napahagulgul na ako.

"She is the one I want to be with—" napatigil ako at mas lalo akong nasaktan, "I want to be with for the rest of my life. Not you, Solana. I don't see myself being with you. And I don't love you anymore. Now leave!" tinuro niya ang daan palabas.

Tama na! Durog na durog na ako!

Naglalakad ako ng bigo, nasasaktan, umiiyak, at hinang-hina. Ayaw ko pa sanang umalis doon kaso tinulak na niya ako palayo at ang nagawa ko na lang ay magpaubaya. Nang papalapit na ako sa kotse ay biglang bumagsak ang malakas na ulan tila sinabayan ako sa pag-iyak.

Nakauwi ako ng maayos sa amin na basa ng ulan, tumutulo pa sa sahig ang tubig habang may katulong na sumusunod sa dinadaanan ko para punasan ang tubig na tumulo sa sahig.

“What happened to you, baby girl?" Mama asked worriedly when she saw me crying and wet from the rain.

Hindi ko siya pinansin. Tulala akong umaakyat sa hagdan hanggang kwarto ko at dumeresto ako ng banyo. Itinuloy ko ang pag-iyak dito at lahat ng mahahawakan ko ay aking ibinato dahil sa galit at sakit. Lumabas ako ng banyo at dumeresto sa kama at humiga.

This is what I fear in love, to be hurt. Being hurt because of the people you love is the worst feeling. Why do some people choose to cheat rather than be content with one?

Ano ba ang kulang sa akin? Magandan din naman ako. Mas mabait ako kay Seren. Minahal ko naman siya ng totoo. Sexy din naman ako kagaya ng pinsan ko. Mayaman. Kaya ko naman ibigay lahat ng gusto niya. Kaya ko rin naman siyang halikan. Hindi ako marunong humalik pero handa akong matuto para sa kanya. Maybe there was something missing in me that he saw in Seren.

Hindi ko pinansin ang kumatok sa pinto. Panay punas lang ako sa mga luha na tumutulo.

“Solana, are you really okay? Mama and papa worried about you too much, anak. Tell me what happened.”

I took a deep breath before answering.

"I'm fine, mama. And I want to be alone.”

“If you need someone to lean on, please call me. Okay?”

Hindi ako sumagot.

Patuloy ang pag-iyak ko hanggang sa napagod ako. Wala ng luha na tumulo sa mga mata ko. Dinalaw ako ng antok at sa tuwing ipikit ko ang mata ko ay silang dalawa na naghahalikan ang nakikitxa ko.

Sariwa pa isipan ko ang nangyari at hindi ko alam kung kailan ako makakalimot. Nakakabigla ang nangyari. Hindi ako nakapaghanda. Masyado kasi akong kampante na hindi niya ako sasaktan at lolokohin. Kampante ako na ako lang ang mamahalin niya pero hindi pa pala.

Sinubukan ko muling pumikit at tuluyan na akong nakatulog.

Tomorrow is the beginning of a new chapter of my life without him..... without Aris Sandoval.

1. Prologue